Inigo's P.O.V.
I texted her last night. Sabi ko na pupuntahan ko siya at formally magpapakilala as manliligaw niya. Kaya naman I grabbed my nicest polo shirt at bumili na din ng offering. I drove papunta sa kanila with determination and a little bit of nervous feeling. I finally reached their house at bago pa man bumaba sa kotse, huminga ako nang malalim."Kaya ko 'to. Gaano ba kahirap 'to?", sabi ko sa sarili ko.
Bumaba na ako sa kotse bitbit ang binili kong, cake at box of chocolate. Tumayo na ako sa tapat ng gate nila at tinawag siya.
"Tao po! Serena!", tawag ko sa kaniya.
Lumabas si Enrique. Nilapitan niya ako sa gate with a smug in his face.
"You can give me one good reason then I'll let you in.", sabi niya sa 'kin. Nginitian niya ako bilang paghahamon.
"Uh...liligawan ko si Serena.", sagot ko. Ngumiti lang siya at nagtaas ng kilay.
"Eink! Wrong!", at tinalikuran niya na ako. "Balik ka na lang kung may saysay yung gagawin mo.", sabi niya habang naglalakad siya pabalik sa bahay nila at pumasok na.
"Ummm....", tumingin ako sa paligid dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
Maya-maya ay si Serena na ang lumabas ng bahay. Dali-dali niyang binuksan ang gate at sinalubong ako.
"Nandiyan ka na pala! Sorry kay kuya. Bagong gising.", ngiti niya.
"Para sa 'yo.", sabi ko habang inaabot ang mga binili ko.
"Aw! Thanks! Gosh ang sweet.", pagpapasalamat niya habang kinukuha ang nga inabot ko.
Pagkatapos, she invited to go inside their house. Puno ng vintage items yung bahay nila. May mga rebulto ng santo, mga paintings and other wood....stuff. Nagmano ako sa parents niya and I am so happy na warm yung welcome nila sa 'kin. Well, except for his brother. Umupo ako sa wooden chair nila sa sala. Napansin ko na tinititigan ako nang masama ni Enrique. Hindi umaalis ang titig niya sa 'kin. Hindi ko siya tinititigan pero nakikita ko sa periphery ko. Tumingin ako nang sandali sa kaniya and he stood up. Lumapit siya sa 'kin.
"Bakit mo 'ko tinignan? Anong gusto mo tangina ka?", tanong niya sa 'kin.
"Dude, wala akong ginagawa sa 'yo.", pagpapakalma ko sa kaniya.
"Kuya! Napapaano ka?", tanong ni Serena habang nagmamadaling nilapitan si Enrique.
Tinignan siya nang masama ni Enrique at pumasok sa isang kwarto.
"Anong nangyare?", lingon sa 'kin ni Serena.
"Ang weird. Tinitignan niya ako tapos di man umaalis yung tingin niya.", pagpapaliwanag ko.
"Sorry. Galit talaga siya sa inyo eh. Tapos bigla siyang nagbago. Sobrang nagbago.", sabi niya sa 'kin. It's obvious na kahit siya, di makapaniwala sa sinasabi niya.
"Well, how can I make up to him?", tanong ko. She quickly shook her head.
"Pabayaan mo na lang siya. Di naman siguro kayo palagi magkikita.", ngiti niya sa 'kin.
"Kung liligawan kita, kailangan maayos din ang tingin sa 'kin ng pamilya mo. Including your brother.", sabi ko habang tinitignan ang kwarto kung saan siya pumasok.
"Well...hindi ko alam kung good idea 'yan eh.", she tilted her head.
"Trust me. It is.", sabi ko habang tinatapik-tapik siya sa balikat.
Niyaya kami ng nanay ni Serena na kumain. Nagtataka ang tatay ni Serena kung nasaan si Enrique.
"Serena, nasaan ang kuya mo?", tanong niya kay Serena.
YOU ARE READING
Stars of the School
De TodoPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...