Sophia's P.O.V.
"So kamusta naman si Blaine mo?", tanong ko kay Emily."Ayun, pogi pa din."
"Balita ko may laban niyan daw sila.", sabi ni Angelie.
"Oh my G! Kailan?", na-shock na tanong ni Emily.
"Mga next week? Friday.", nag-dadalawang-isip na sinabi ni Angelie.
"Tapos exam na nun sa monday di ba?", tanong ko. Which I think, it break the mood.
"Seriously? Grabe! Exam na naman!", sabi ni Emily.
"Oo nga eh. Monthly lang naman eh.", at kumalma na siya. Grabe kaya siya mag-wala. So OA.
"Hay buti naman. Pero, anyways, excited na ako sa friday. Ayyyiiiieeee!!!", sabi ni Emily. Told ya, grabe siya mag-wala.
Emily's P.O.V.
Oh my G! Si fafa daw may laban! Syempre ako yung no. 1 fan niya. Tatalunin ko lahat ng cheerleader sa pag-chicheer.Si Blaine. Captain ball ng school namin. Basketball player siya. At super gwapo like, totally! Dati ko pa siya crush, well, halata naman eh. I just can't wait na makita siya in action. Excited si ako.
*sa araw ng laban*
Ihh! Ano bayan! Wala namang kwenta yung kalaban! Hmmm. Makes me wonder, bakit kaya di sumali si Charles? Yung dating nag-basketball yung class namin eh, ang galing niya. Like, totally."DEFENSE! DEFENSE! DEFENSE!", sigaw ng mga tao sa bleachers. I really don't care. All I care about is Blaine.
"ANG GALING NAMAN NG BLAINE MO!", sigaw ni Sophia. Well, honestly, maingay dito. Like, super.
"I KNOW RIGHT!", sigaw ko kay Sophia. "WHOOOOH! GO BLAINE! AY LAV YAAAAA!", sigaw ko. Nag-tawanan kaming tatlo pagka-tapos.
*few moments later*
Syempre nanalo sina Blaine. Sino pa bang pinaka-magaling di ba? Grabe pala siya mag-laro. Parang sinasaktan niya din yung mga kalaban niya. May tricks siyang ginagawa, yung parang sa patintero. Alam ko ginawa na din ni Charles yun nung nag-basketball kami. Tapos, kusang nadadapa yung mga kalaban."Graviteh! Walang kwents yung mga kalaban!", sabi ko sa kanilang dalawa.
"Oo nga eh.", sabi ni Sophia.
"Pero, wag kang maingay. Baka may makarinig sa'tin.", sabi ni Angelie.
Si Angelie. The good girl among us. The ones who always wants to play safe. Pero, siya yung may pinaka-masakit na 'crush' cases sa'min lahat.
"Wala na sila noh! Duh!", sabi ko while I make faces.
"Ay! Oh Ehm Gie! Naiwan ko yung panyo ko!", sabi ni Sophia.
"Gusto mong gawin namin?", masungit kong tanong.
"Emily.", naka-ngiti niyang tawag sa pangalan ko. "Pwede mo bang kunin? Please? Masaya ka naman ngayon di ba?", pagmamakaawa niya.
"Ano? Ako? Bakit?", sunud-sunod kong tanong.
"Masaya ka naman ngayon eh.", excuse niya.
"Argghh. Fine.", at nag-dabog ako papunta sa gymnasium.
"Go gurl!", sigaw ni Sophia sa malayo. Nasa side kasi kami ng gym at dumaan ako sa side ng gym.
Bakit kaya ganito? Kaklase ko siya pero kung ituring ko siya, parang stranger. Pero, mahirap kasing kausapin yung crush mo. Like, totally. Hindi ko naman pwedeng sabihin na 'Hi!' at umaktong ok at simple lang ang lahat. Mamamatay ako sa kilig. Well, actually nag-papansinan naman kami. Pag may urgent o kaya nag-aasaran yung mga kaibigan namin. Magkakaibigan kaming lahat dun. Si Sophia, kaibigan niya sina Nico at Inigo, na kaibigan nila Drew. Kaya, ganun nga. Wait nga lang, yung panyo pala ni Sophia. Nasaan na kaya 'yon? Hmmm. Ayun! Kinuha ko na 'to. Bago pa ako maka-tayo, may narinig akong rubber shoes na kumakagat sa sahig. Tumingin ako at nakita ko si Blaine. Habang dahan-dahan akong bumababa sa bleachers, tinitignan ko siya ng maigi. Sa kanya lang ang tingin ko. Nag-hubad siya ng sando at OH MY GOD. Pinag-papawisan ako ng sobra-sobra. Siya, naka-tingin lang sa ring. Ang weird nga eh. Pero, siya 'yon kaya hindi weird. Ok na sana ang lahat, makaka-takas na sana ako.... Hanggang sa natapilokangmgapaakoatgumulong-gulongakosahagdananngbleachers.

YOU ARE READING
Stars of the School
RandomPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...