Angelie's P.O.V.
Naranasan mo na bang ma-inlove sa kaibigan mo? Yung aamin ka na kaso bigla mong nalaman na may syota na pala siya. Ganyan na ganyan ang nararanasan ko. Pero may solusyon ako. Hindi nga lang kami. Pero atlis, di niya nahalatang may gusto ako sa kaniya."So, kailan mo ba papansinin ng matino si Max?", tanong sa'kin ni Emily.
"Not to soon. Well, baka forever na nga eh.", naka-simangot kong sabi.
"Bakit ba kasi ganyan ginagawa mo? Just, pansinin mo siya. Di naman niya mahahalata na may gusto ka sa kaniya.", at bigla kong yinugyog ang kamay niya.
"Shhhh!!!", pagpapa-tahimik ko.
"Bakit? Ano bang--"
"Hi Tris!", bati sa'kin ni Max.
"Hi.", masungit kong sagot.
"Oh, anong problema?", tanong niya.
"Nothing much. Ikaw ba, bakit ka nandito? May problema?", taas-kilay kong tanong.
"Grabe naman 'to. Masungit na naman ang gising.", sabi niya habang kinakamot ang buhok. "So, anyway, sabi ni Mom and Dad, iniinvite niyang mag-dinner sina Mom and Dad mo pati ikaw."
"Weh!?", gulat kong tanong. It's not the first time na mag-dinner kami. Pero, na-isip ko na makikita ko na naman yung girlfriend niya. Tsssss. "I mean, ok. Sasabihin ko na lang kina Mom and Dad.", magkaibigan kasi sina Mom and Tita ng sobra-sobra. Pati si Dad and Tito, ng sobra-sobra.
"Ok. See you sa event.", naka-ngiti niyang sinabi. That smile...it always melted my heart. It never gets old.
"Wait! Kasama ba si...you know.", tanong ko. I don't want mentioning her name.
"You mean, Queenie? Yes. My Dad invited her.", sabi niya. Ugh, seriously? Can't you be mine? Just leave her and be mine. "Bakit mo naman natanong?"
"I just, want to be befriend.", naka-ngiti kong sagot. Fooling him.
"Ahhh. Ayos. Sige, may gagawin pa ako.", at umalis na siya. Fun fact: He's the captain ball in our school's volleyball team.
"Grabe ka 'teh! Sungit mo like, super.", sabi ni Emily.
"Kailangan eh. Duh!", sagot ko.
"Ano niyang gagawin mo? Makikita mo yung gf niya. Di ka ba masasaktan like, totally?", tanong niya.
"I can handle it. I have already seen her.", pagmamalaki ko.
"Maganda ba siya?", tanong ni Emily. Wait, may kulang. "Like, super?", dagdag niya.
"Of course! Mas maganda ako.", sabi ko then I flipped my hair.
"That's my gurl!", sabi niya at nag-apir kami. "Speaking of gurl, nasaan na ba si Sophia?", tanong niya.
"Ayun, kasama si Charles.", sabi ko. I gotta admit, naging close sila like, super?
"Good morning, class.", bati ni Sir ABC.
"Good morning Sir!", sabay-sabay naming bati.
"So, in 2 weeks, foundation day na. I mean, foundation week.", sabi ni Sir. Kabi-kabila ang mga bulungan at reaksyon sa room. Ehhh. Contestants na naman ang kailangan niyan. Lalo na sa sports.
"Kailangan daw natin ng booth.", sabi ni Sir. Oo nga pala! Best part din yan ng foundation day. Er, I mean week. Pangit lang diyan, yung jail booth.
*dismissal*
"So, paano ka niyan?", tanong ni Emily."I'll be fine.", sagot ko. Para naman kasing mamamatay ako noh. Tsss. Well, slight.
*few moments later*
Sinabi ko na kay mom and dad ang mangyayare at nag-ready na kami after nun.
YOU ARE READING
Stars of the School
AcakPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...