Chapter 46: Runaway

8 0 0
                                    

Claire's P.O.V.
Syempre gusto kong sumama. Ayaw kong dumiretso nalang ako sa bahay na 'yon. Ayaw kong maramdaman na wala akong kwenta o grades lang ang dahilan kung bakit ako nabuhay. Pero, kung gumawa pa ako ng isa pang kalokohan, baka lalo lang lumala ang sitwasyon.

Hinila ni Nico ang kamay ko, na ang ibig sabihin ay sumama ako sa kaniya.

"Sandali lang!", sabi ko habang hinihila ang kamay ko.

Napatingin siya sa'kin at nagtaka. "Bakit?", sabi niya habang binibitawan ang kamay. "Ayaw mo ba?", nagtataka niyang tanong.

Napabuntong-hininga na lamang ako, "Gusto ko. Gusto kong sumaya syempre. Pero paano kung pagalitan lang ako pag-uwi ko?", tanong ko sa kaniya.

"Kahit naman yata wala kang ginagawang mali...pinapagalitan ka.", ngiti niya.

Napatawa ako, "Parang ganun na nga...", sabi ko.

"Edi tara na. Sulitin mo na lang yung pagiging black sheep mo di ba?", ngisi niya.

I think that maybe if I agreed to this....ok lang.

Hindi ko alam bakit nararamdaman ko yung tiwala sa kaniya at hindi ko 'to inaasahan. Siguro sasama na lang ako. Oo, sasama ako. Wala din namang pakielam yung mga tao sa bahay ko eh.

"Osige...", nagdadalawang-isip kong sinabi.

"Sigurado ka ba? Ok lang naman kung hindi. Hatid nalang kita sa inyo.", pang-aasar niya.

"Ah! OO! Sige! Tara na!", sabi ko bigla.

"Ahhhh....akala ko kasi ayaw mong umalis eh.", sabi niya tsaka na siya lumabas at sinundan ko siya.

Pagdating namin sa parking lot, binuksan niya ang pinto ng kotse para sa'kin.

"Bienvenue, mademoiselle.", sabi niya.

"Wow ha. Ang galing ha putangina.", patawa kong pang-aasar.

Pumasok na ako at umupo. Sinara na niya ang pinto at naglakad papunta sa may pintuan ng driver's seat, binuksan at pumasok, at inistart na ang kotse.

"So, saan mo gusto pumunta?", tanong niya sabay tingin sa'kin.

Tumingin ako sa harap habang kinakandong ang bag ko. "Ikaw bahala.", sabi ko.

Tumingin siya sa wristwatch niya at ngumiti. "Parang alam ko na kung saan.", ngiti niya.

Habang nagmamaneho ay nagpa-ulan siya ng mga corny at nakaka-inis niyang jokes. Ako naman ay tingin nang tingin sa orasan at kinakabahan. Tinitignan ko din ang dinadaanan namin dahil baka iligaw ako ng lokong 'to. Napansin ko na nag-iiba na yung kapaligiran. Yung papalayo na kami sa city kasi damuhan na yung nasa side ng road. Tumingin pa ako ng mabuti sa paligid at may nakita akong bahay.

"Hindi naman siguro yung bahay na 'yon yung pupuntahan natin, di ba?", sabi ko habang tinuturo ang bahay na nasa kalagitnaan ng damuhan. Hindi lang pala basta damo, kundi Bermuda Grass.

"Yun nga yung pupuntahan natin. Ang galing mo naman manghula.", naka-ngiti niyang sinabi. Halatang namimilosopo si gago.

"Ano namang gagawin natin doon?", nagtataka kong tanong.

Ngumiti siya, "Basta." at nag-park na.

Parang American-style yung bahay. May porch, tapos gawa sa kahoy, tapos yung bintanang square na may four quadrants. Pag-apak ko sa porch, may 'creak' na tumutunog. Pumasok na kami sa bahay at sinundan ko siyang pumanik sa second floor.

"Kaninong bahay 'tong tinetrespass natin?", bulong ko kay Nico.

Tumawa lang siya, "Hindi tayo nagte-trespass. Sa lolo't lola ko bahay 'to.", wika niya.

"Ahhh. Nasaan sila?", tanong ko. Napahinto siya sa paglakad. "O, bakit?", tanong ko.

Stars of the SchoolWhere stories live. Discover now