Narrator's P.O.V.
May mga taong kahit kailan ay hindi magkakasundo. Hindi ito dahil sa mga bagay na pinagaawayan nila, dahil ito sa magkasalungat nilang kaugalian. May hindi nagpapatalo sa punto nila at mayroon ding lumalaban dahil mali ang puntong ipinaglalaban ng isa.
"Sa tingin mo paano ko 'to lilinisin?"
"Problema mo na 'yan! Sino bang harang-harang?"
"Di ka naman nag-eexcuse so how do you think I'll know I'm on your way?"
"Ilang beses ko na sinigaw. Kung kasing nakikinig ka hindi yung kung ano-anong pinaguusapan niyo."
"Alam mo, nakakainis ka na. Ikaw na nga 'tong nagkamali ang lakas pa ng loob mong magalit."
"Huh! Ako pa yung mali ngayon? Sino bang hindi nakikinig sa paligid niya. Ay, nakikinig ka naman pala, sa mga chismis nga lang hindi sa mga importanteng bagay."
"Sige, ako na yung mali. But you're still that bitch who carelessly bumped me and spilled my drink all over me. So, back off, bitch.", sabi niya sabay tulak.
"Did you just push me?", galit na tanong ng isa.
"Yeah, I just did that bitch.", sabi ng isa habang tumatango-tango.
"Edi itulak din kita, bitch.", sabi niya habang tinulak ang isa. Ngunit mas malakas ang tulak nito kaya napa-upo yung isa.
"Why you!", sabi ng isa saka tumayo at sinabunutan ang isa.
Charles' P.O.V.
"Punyeta! Tumigil nga kayo!", sabi ko habang hinihiwalay ko yung dalawa sa isa't-isa.
"Siya yung na-una!", sabi ni Sophia habang tumuturo sa direksyon ko.
"Ako? Baka ikaw! Ikaw yung dahilan kung bakit tayo nagka-ganito.", depensa ni Claire
First of all, wala naman talaga ako dapat dito at ayaw ko dito. Ayoko ng ganito, parang teleserye. Lalo lang akong nagagalit puta.
"TAMA NA! TUMIGIL KAYO PAG UUMPUGIN KO MGA ULO NIYO.", sigaw ko. "Ikaw Sophia wala ka sa teleserye kaya tumigil-tigil ka na sa mga drama mo.", sabi ko kay Sophia. "At ikaw naman Claire, ikaw yung class president kaya wag mo nang patulan si Sophia.", sabi ko kay Claire. "Pag nang-iskandalo pa kayo, SIGE PUTA SUBUKAN NIYO PA.", babala ko sa kanilang dalawa.
"SIno ka sa tingin mo para pagsabihan ak-", wika ni Claire.
"Ako yung vice-president. Pag walang kwenta yung president, vice-president muna yung mamamahala. Kaya kung gusto mong mamahala, patunayan mong may kwenta ka.", sabi ko at umalis na ako. Pinuntahan ko yung nag-'summon' sa'kin in the first place.
"Ano na?", tanong ni Lyra.
"Edi 'yon, tumigil na sila.", sagot ko.
"Sabi ko na nga ba magaling ka mang-bawal.", naka-ngiting wika ni Lyra.
"Well, I don't like it. Wag mo na akong tawagin ulit pag nangyare 'yon. Wala naman talaga akong pakielam.", sabi ko habang naglalakad paalis.
Sophia's P.O.V.
The nerve! Ang lakas talaga ng loob ng babaeng totoo. Siya na nga yung nagkamali. IHHHHH PUTA nanggigigil ako. And now she's giving me a death glare. How does she think na papasok akong natapunan ang uniform ko? Ugh. What a bitch.
"Tara na gurls.", sabi ko kina Emily at Angelie.
Bago ako umalis ay tinignan ko muna ng masama si Bitch Claire at nag-irap.
YOU ARE READING
Stars of the School
RandomPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...