Chapter 10

1.4K 51 3
                                    

Kerk POV

Kagagaling ko lang ng 7 eleven nang makasalubong ko si Nancy nung papasok na ako ng hospital, niyaya niya akong magkape at sumama naman ako.

"We're friends, right?" Tanong niya sakin habang inaabot ang kape na nasa paper cup. Umupo siya sa tabi ko.

"I don't think we are now friends. Kinakausap mo ako ng sapilitan." Sagot ko.

"Haha. Nakakaawa ka kaya. Ang tagal-tagal mo na siyang binabantayan tapos paggising niya..hindi ka naman makikilala."

"I deserved to have your pity, marami akong nagawang kasalanan sa kanya kaya dapat lang na bantayan ko siya..kahit habang buhay pa."

"So, you do really loved her?" Tanong niya at tumango ako.

"Mahal ko siya..sobra at kahit hindi niya ako maalala, hindi ako susuko. Sa dami ng pinagdaanan namin..hay! Siguro yung nangyari sa kanya ngayon..moral lesson na sakin. Hindi ko dapat siya pinabayaan."

I pause and says..

"Yung mga magulang niya..tinuturing ko na ring parang tunay kong mga magulang kaya hindi ko rin na dapat silang pabayaan.."

Tumigil ako sandali at nagtanong sa kanya.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

Natawa naman siya.

"Hindi tayo friends pero kung makakwento ka, wagas?"

Parehas lang kaming natawa. Makaraan ang sandaling pagkukwentuhan namin, pumunta na kami ng hospital.

"Kung kailangan mo lang ulit ng kausap, kailangan ng makakasama, kailangan sa kung ano-ano.. call me. Okay? Friends na tayo ngayon. Simula ngayon." Sabi niya bago pa kami magkahiwalay ng landas.

Inilapag ko ang pagkain sa lamesa at umupo sa couch at kinuha sa jacket ang cellphone at dinial ang # ni Razec.

Calling Razec..

[Napatawag ka pare? Gising na si terra?]

kapag tumawag ako ibig sabihin gising na agad siya? Di pwedeng hihingi lang ng favor?

[Hindi. Hihingi lang sana ako ng favor.] Sagot ko

[Spill it.]

[Pwede bang ikaw ang magbantay sa kanya dito mamayang gabi?]

[San ka pupunta?] Tanong ni razec

[Kay mama at papa. Dun muna ako sa kanila tutulog pansamantala.]

[Okay, wala naman akong gagawin. Isasama ko nalang si maysel para hindi ako maboring.]

[hoy! Wag kang gagawa ng kababalaghan dito hah?]

Natawa lang siya sa sinabi ko.

[Loko! Anong oras ka ba uuwi sa bahay ng mama at papa mo? ]

[Ngayon na. Punta na kayo dito.]

[Okay.]

Totoot..

Makalipas ang ilang oras, nakarating na sila sa hospital.

"Wag kayong magkakalat dito hah. Baka kung ano gawin niyo dito." Sabi ko bago pa man umalis.

"Hindi. Akong bahala. Kapag may gawing kung ano si Razec, ako na ang bahala sa kanya." Sagot naman ni Mesaiyah tapos kumindat naman si Razec

"Sa inyo ko siya pinagkakatiwala.."

"Jusko naman..e pang limang beses na kaya namin siyang binantayan." Sagot ulit ni Maysel

"Oo nga pare. Lumayas kana kaya." Dagdag ni Razec, bigla naman siyang sinuntok ni maysel sa braso. Lumabas na ako ng kwarto at iniwan silang naghaharutan.

The Last Day of Summer [SMTS Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon