Kerk's Point of View
Twelve midnight na. Humiga na ako sa couch dahil matutulog na ako. Dalawang taon na akong natutulog dito. Kahit ang pagbabantay lang kay terra ang aking ginagawa, nakakapagod din para bang buong araw kang nakatayo tapos lahat ng katawan mo nangangalay. Iniunat ko ang aking kamay at ipinikit ko na din ang aking mga mata. Gusto ng matulog ng aking mga mata pero ang utak ko, active pa rin at kung ano-ano ang iniisip.
Ang iniisip ko, ano ba ang susunod na mangyayari kapag nagising na siya. Is she will going to say YES when I asked her Will you marry me? Excited na ako pero nakakatakot. She was long time gone. Sabi kasi ng doctor sakin kanina, pwedeng ang ala-ala niya sa present ay mawala at ang past ang manatili. Paano kung hindi niya ako makilala? Hindi niya ako maalala? Wala pa naman akong alam sa past niya.
Si Terra kasi yung tipong hindi palakwento, yung tipong maingay siya at palaban pero hindi yan nagbubukas ng topic. Kung hindi ka magsasalita ay hindi talaga siya magsasalita. Hayy! Napahakay ako at sa mga oras na ito ay nakakaramdam na ako ng antok. Kapag daw kasi hindi ka makatulog at active pa ang utak mo, mag-isip ka ng mag-isip hanggang sa mapagod ang utak mo tapos baam! Makakatulog kana at kung hindi ka pa rin makatulog, bilangin mo ang lahat na tala sa gabi o kaya magbilang ka up to 100.
Humarap ako sa left side ng couch. Naalala ko na naman tuloy bigla yung nangyari samin ni terra. Yung sa pangyayaring nakagawa kami ng baby. Yun talaga ang naalala ko ano? Tss! Syempre naaalala ko din ang pangyayari kung bakit nawala ang baby namin. Napabuntong-hininga nalang ako ng malalim at pagkatapos nun nakatulog na pala ako.
"Thank you." It's unfamiliar voice. Sino ang nagmamay-ari sa boses na ito. Nananaginip ba ako? Gising na kaya si terra?
"Terra? Ikaw ba yan?"
"Yes." Nararamdaman ko na malapit lang siya sakin dahil nararamdaman ko ang hininga niya na dumadampi saking mukha. Hindi ako nananaginip. Gising na si terra.
I grab her head and kissed her into her lips. She's responding to my long lasting kisses and it takes a minute before we end it. I miss those kiss. Niyakap ko siya ng mahigpit pagkatapos nun at nakakapagtaka lang, The Last Day of Summer naba ngayon? Katutulog ko lang kanina ah.
"I miss you Terra. I love you." Sabi ko.
"Ha?" Sagot naman ng kayakap ko. Sabi na nga ba, tinulak ko siya papalayo sakin at agad na binuksan ang ilaw.
O________O! Who is that girl?
"S-sino ka?" Gulat na tanong ko.
"Uhh..I.."
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ulit.
"but y-you kissed me?" She demanded as she sit on the couch.
"Sabi mo ikaw si terra? Sinungaling."
"Terra sounds like kerra. My name is kerra." Sabi niya.
Napabuntong hininga ako at napahawak sa aking buhok. Kailan pa naging K ang T?
"Anyways, I'm here because I just wanna say Thank you." Sabi niya at tumayo na at lumakad papunta sa pintuan. Aalis na ata ang estranghera na ito.
"You stole my first kiss." She said and slammed the door.
At ako pa ngayon ang may kasalanan? Kinuha ko daw ang first kiss niya? Takas ba sa mental ang babae na yon?
"Thank you again." Pahabol pa niyang sabi at tuluyan ng umalis. Shit naman. Sa harap pa talaga ni terra nambabae ako? Aba! Hindi ko naman talaga kasalanan yon. Sino ba ang babae na yun at pumasok nalang sa kwarto ng walang paalam. Takas nga ata talaga sa mental.
Kinuha ko ang cellphone ko sa may couch at tiningnan ang oras. 2:45 palang pala. Hindi ko nalang pinatay ang ilaw, mamaya bumalik ang babae na yon' rapin pa ako sa harap ni terra. Magkakasala pa ako. Tsk tsk.
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover