KERK POV
Kinabukasan, maaga kaming nagplano ni Denstah na uuwi sa Pilipinas para itake action na ang kanyang naisip na paraang mapasakin na si Terra. Pinaiwan ko na muna si Sesshi kay Princess Anthea, ayoko ng nag-iisa siya sa bahay lalo na kung kasama niya 'yung boyfriend niyang si James, may pakiramdam ako na may kinalaman ang James na 'yan sa mga lalaking gustong pumatay sa akin. Ayoko sa kanya. Ayoko siya para sa kapatid ko pero hindi ako makaangal kay Sesshi kasi hindi naman ako ang nagmamahal at nakakakilala sa kanya. Hahayaan ko nalang si Sesshi na siya na mismo ang makakilala sa ugali nito. Hahayaan kong siya na mismo ang lumayo dito.
Nasa eroplano na kami at ilang minuto nalang ay lalapag na ang sinasakyan namin. Si Anhiro, Denstah at Razec ang kasama ko pabalik ng Pilipinas. Nagsama na naman ang mga gago. Gago sa mga babae haha.
At lumipas na nga ang hinihintay kong minuto. Nakababa na kami. Sinundo kami ng tauhan ni Anhiro at agad na nagtungo as in hindi kami kumain, hindi nagpahinga, hindi nagpuntang hotel kundi diretso talaga sa bahay nila Junn. Ipinark na ng driver ang van.
"Handa kana Kerk?" Tanong ni Anhiro sa akin at tumango.
"Handang umasa?" Natatawang tanong ni Denstah at hinagis ko lang sa mukha niya ang mask na kulay itim. Nilagyan ko na ng gamot ba pampatulog ang panyo ko at saka inilagay sa aking jacket. Isinuot ko na rin ang mask ko. Handa na kaming apat kaya't binuksan na ni Anhiro ang pintuan ng van. Si Denstah ang unang lumabas, kasunod ako, razec at anhiro. Nagtahan kami sa harap ng bahay nila Junn at hinintay na lumabas si Terra. Pinagtitinginan kami ng mga taong nakakakita sa amin, 'yung iba pinipicturan kami, kami naman, syempre pa cool lang. Kahit may tabon ang mukha namin ang gwapo pa rin namin pero syempre mas gwapo ako sa kanilang tatlo. Nakatingin lang din samin ung guard ng building.
Maya-maya napatayo kaming lahat nang makita namin si Terra, may dala siyang polybag, mukhang magtatapon yata siya ng basura. Sinundan namin si Terra at nang makakuha na ako ng bwelo ay tunakpan ko ang ilong niya hanggang sa mawalan na siya ng malay. Dali-dali ko siyang pinasan sa aking balikat dahil hinahabol na kami ng guard. Tawa lang nang tawa yung tatlo habang ako'y hirap na hirap na magbuhat. Grabe, Terra ang bigat mo. Pinabayaan ka na yata ni Junn sa kusina.
Inihiga ko na siya sa loob ng van. Agad na pinaandar nung driver ang sasakyan. Inalis ko na ang tabon sa aking mukha at parang naliligo na ako sa pawis.
"Muntikan mo ng mabitawan si Terra." Natatawang sabi ni Denstah
"Salamat talaga sa tulong niyo." pangongonsensya ko sa kanila subalit tawa pa rin sila ng tawa.
Nakarating na kami sa bahay at inihiga ko si Terra sa kama. Binuksan ko ang aircon upang hindi siya mainitan. 'Yung tatlo naman ay nasa dulo ng kama habang nakaupo sa couch na nasa loob ng kwarto namin ni Terra. Kinuha ko ang sulat ko para kay Terra. Trying hard pa ako sa pagsulat niyan, hindi naman sa ginagaya ko ang kakornihan ni Junn noong nililigawan niya palang si Terra kundi gusto ko lang maramdaman niya ang pakiramdam na inilalapat sa papel ang nararamdaman. Inilagay ko sa kamay ni Terra ang sulat para paggising niya, 'yun agad ang babasahin niya. Hinihintay namin siyang magising. Nasa tabi niya ako nakaupo katulad ng pwesti ko lagi noong nasa hospital pa kami. Hinahaplos ko ang mukha niya patungo sa dulo ng humahaba niyang buhok at nagsimula na akong kumanta.
"Bucket full of tears
Baby, know I'm here
I'm here waiting
Close your precious eyes
And just realize
I'm still fighting
For you to be with me
And sit under this tree
We can watch the sunrise
![](https://img.wattpad.com/cover/26309326-288-k773641.jpg)
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover