Sorry sa late update! Mianhaeyo! ^_^ Sa mga babasa nito, please try to read first She Married the Stranger para malaman niyo ang past ni Kerk and Terra. Pretty Please yun muna ang basahin niyo. Thanks!
Kerra POV
"Ouch!" Hinipo-hipo ko ang noo ko. Pagkapasok na pagkapasok ko kasi sa kotse ay agad pinitik ni Kuya Junn ang noo ko.
"San kaba nanggaling? Dalawang oras akong naghintay sayo dito sa labas ng hospital. Akala ko inabot ka na naman ng asthma mo.." galit niyang sabi
"May pinasalamatan lang atsaka.."
"Atsaka?"
"May nakakuha na ng first kiss ko."
"ANO? Bubugbugin ko ang lalaki na yun! Ituro mo sakin? Bata-bata mo pa..nakikipaghalikan kana agad.."
Aba! Ang kuya ko concerned sa first kiss ko. Makapagreact ang OA.
"Makapagreact ka naman kuya..akala mo narape na ako. Kiss lang 'yun. Kiss lang." Pagpapaliwanag ko.
"Kahit na..napakabata mo pa para sa kiss, kiss na yan."
"Eh di wow!" Sagot ko pero pinitik nya lang ulit ang noo ko.
Psh! Hindi ko naman pinapakailaman ang lovelife niya tapos sakin..ngayon lang ako nagkainteres sa isang lalaki tapos pagbabawalan niya ako.. hay! Naalala ko tuloy ang mukha nung lalaki. *red*red* ang gwapo niya tapos ang bango pa tapos ang sarap nung kiss niya! Charot! *Red*Red* Feeling ko siya na ang prince charming ko at makakasama ko habang buhay...
[Sound of closing door]
Nakarating na kami ni Kuya sa bahay.
"Pahinga kana." Sabi niya bago pa man siya pumasok ng kanyang kwarto.
Pumasok na din ako sa aking kwarto. Humiga na ako para matulog pero hindi ako makatulog. Lakas ng karisma nung lalaki! Ginayuma ako ng halik niya! Waah! Pero..normal lang siguro ang hindi makatulog sa taong kinikilig. Diba normal lang 'yun? Mula ulo hanggang paa tagos sa buto ang kilig na nararamdaman ko. Gravity! Parang akong nakalutang sa ulap na ewan. Kinagat ko ang ibaba kong labi dahil muntikan na akong sumigaw. Gusto ko na kasing tumulog pero ang utak ko, ang kalamnan ko ay buhay na buhay pa!
-_-
By the way, ako si Kerra Erin Fortez. 16 years old at Fourth year highschool na ako. Sa william university ako nag-aaral at ang bestfriend ko ay si Edward, 6 years na kaming magkaibigan at parehas din kami ng school na pinapasukan at ang kaninang lalaki na kausap ko ay si Junn Fortez.. ang kapatid kong mabait na mayabang na maalalahanin na syempre gwapo, matangkad siya, matangos ang ilong, maputi basta lahat na ng quality ng isang lalaki ay nakay kuya na. Ang mga magulang namin..deads na T_T 3 years na silang patay at lahat ng naiwan nila ay ipinaubaya kay kuya at sakin. Lahat ng real estate nila at kung ano-ano pa nilang ari-arian. Dadalawa lang kaming magkapatid kaya in sad and bad memories, ups and down ay kami ang nagdadamayan lalo na kapag hinihika ako. Natataranta siya kapag nahihirapan akong huminga minsan nga sabi niya sakin sana ako nalang ang nagka asthma para hindi kana mahirapan. T_T see how concerned to me my brother was? May cure naman ang sakit ko kaso nga hindi ko maiwasan ang mga amoy na hindi ko dapat maamoy, eh kulang nalang hindi na ako huminga sa mga ipinagbabawal sakin ng doctor -_-
Lumabas na ako ng kwarto. Umaga na at naabutan ko si kuya na nagluluto ng almusal namin. Umupo na ako at ipinatong ang ulo sa lamesa. Ako'y medyo inaantok antok pa.
"Ang tagal mo magluto kuya..nagugutom na ako.."
"Luto na po ang almusal mo mahal na kapatid.." tumambad sa harap ko ang itlog na may bacon. Umayos na ako ng upo at tumingin ng masama kay kuya..
"Bakit?"
"Ayoko ng itlog na hilaw ang egg yolk..gusto ko yung lutong luto na itlog atsaka kanin ang gusto ko hindi bacon. Hotdog, gusto ko din nun at gatas.." Sabi ko.
Umiling-iling nalang si kuya. Kinuha niya ulit ang pagkain ko at nilutong muli ang itlog at nagluto na rin siya ng kanin at ng hotdog. That's my kuya! ^_^ kaya Love ko yan eh.
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover