Chapter 36

1.1K 35 4
                                    

KERK POV

"Hayop ang mga thug na 'yun, property pa natin ang gusto nilang kunin." Narinig kong sabi ni anthea. Iminulat ko na ang aking mata at lahat ng atensyon nila ay napunta sakin.

"Okay ka na ba, kerk?" Tanong ni anthea

"Medyo, okay na." Sagot ko

"Ano bang nangyari? Bakit di mo agad pinaalam sa amin na may nagnanais na masakop kayo?" Nangungunot noong tanong ni anthea. Umayos ako ng upo mula sa aking pagkakahiga.

"Hindi ko rin alam na bigla silang susugod." Sagot ko

"Sino ba ang mga statutory gang na 'yun?" Tanong ni denstah. Kinuha ni anthea ang cellphone nya at parang may hinahanap.

"Statutory gang, is the greatest gang all over in Japan. And this thug is famous in drug smuggling, theft, illegal immigration and other crimes. And their leader is James Daichiko. And..their symbol is the three stars under the right ear. And..sad to say, walang nakakaalam kung saan sila nagtatago but don't worry..nagtakda na ako ng isang tao para hanapin ang lugar nila." Sagot ni Anthea and when I heard their leader's name, biglang natikom ang kamay ko sa galit.

"Kailangan kong kunin sa kanya ang kapatid ko." Naglalapat ang ngipin ko na sagot.

"Tutulungan ka namin sa paghahanap..pero bago 'yan. Kailangan mo munang magpahinga." Sagot naman ni denstah. Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa pamilya ko..James Daichiko, tatadtarin ko ng bala ang ulo mo pag nagkita tayo.

Later that day, inihatid ko na rin sina mama at papa sa kanilang huling hantungan. Sa bawat patak ng luha ko ay siya ring pagpatak ng ulan at sa diin ng pagkakatikom ng aking palad ay ang pagkidlat kagaya ng nararamdaman ko. Galit, paghihiganti, panghihinayang at pagsisisi. Itinapon ko na ang puting rosas sa libingan ni mama at papa.

Pa, patawad dahil sa hindi ko pagsunod sa'yo. Pangako ko, hindi ko na ikaw muling bibiguin. Babalik na ang kerk, na anak niyo, na matapang, lahat ay kaya at walang nararamdaman.

Ma, patawad din po sa pagtalikod ko sa inyo bilang magulang ko. Patawad, ma sa hindi ko pagsagot sa paulit-ulit mong tawag sa akin. Ma, pasensya na kung naging mahina ako, hindi ko kayo naipagtanggol pero ma, alam kong ginagabayan niyo kami ni papa ng kapatid ko, ma, pangako ko, aalagaan kong mabuti si sesshi, hindi ko po siya pababayaan katulad ng pag-aalaga mo sa akin. Salamat ma, dahil kahit konting panahon ay nakasama namin kayo ni papa, salamat po sa lahat, i love you.

At napagtanto ko sa aking sarili na wala na ang mga taong nakiramay sa akin, at tanging si anthea nalang ang nagpapayong sa akin, hinihintay akong matigil na ang pagtangis ko.

"Hinihintay na nila tayo, kerk." Wika niya

"Nawawala ang mga mahahalaga sa atin dahil mayroon pa tayong dapat matutunan. At ang nangyari sa'yo kerk, hindi 'yan cursed, challenge 'yan sa'yo kung gaano ka katibay sa likod ng lahat. Patunayan mong matibay ka, everything is under your control." Dagdag ni anthea at tumingin ako sa kanyang patuloy ang pagtulo ng aking luha. Niyakap niya ako.

"Ang dapat mo lang gawin ngayon ay maging matatag ka.." Sabi niya habang hinihipo ang aking likod ko.

Pagkatapos ay tinungo na namin ang sasakyan. Lumabas na kami sa sementeryo at wala pa sa limang minuto na pagbiyahe namin ay biglang may bumaril sa kotse at buti nalang ay agad na nakaiwas kami.

Agad namang kinuha ni Anthea ang kanyang baril at inasinta ang sniper sa rooftop ng building. Para kaming nakikipagpatintero dahil pagewang-gewang ang kotse dahil l sa pag-iwas namin sa bala.

"Shit. Anhiro wala ka bang dalang extrang baril?" Naglalapat na ngipin na tanong ni Anthea sa kapatid niya. Masyado kasing malayo ang kalaban kaya hindi niya matamaan.

The Last Day of Summer [SMTS Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon