KERRA
"This is the best summer I've ever experience..with you, Edward. Thank you." Sabi ko at niyakap siya
"Ako din. Ang dami nating mga pictures. Remembrance ngayong summer." Sagot niya
"Ngayong summer? Sounds like ito na ang last na summer na tayo ay magsasama." Sabi ko habang nakatingin sa malayo.
"May pupunta ka ba, Edward? Hindi ako kasama.." dagdag ko pa. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at pilit na tiningnan ako sa mata.
"Ano ka ba, Kerra. Hindi ako aalis. Kung may puntahan man akong ibang lugar, isasama kita." Sagot niya at binitiwan na ako.
"Ah." Sambit ko
"Pumasok kana sa loob. Magkita nalang tayo bukas." Sagot niya.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at pumasok sa bahay. Siya naman ay tinungo na ang daan patungo sa kotse ng kanyang ate na naghihintay sa kanya.
Hindi niya pa rin sinasabi sakin na aalis siya. May balak pa kaya siyang sabihin sakin 'yun o isang araw magising nalang ako na iniwan na niya ako ng walang paalam.
Pagkapasok ko ay agad akong nagdiretso sa kwarto at ibinagsak ang sarili sa kama.
May nadiscover kaming bago ni Edward. Ang Moriones Festival sa Marinduque. Sayang nga lang. Tapos na ang lenten season e sa pagkakaalam ko tuwing holy week 'yun ginaganap. May expo pa nga daw dun kung saan maaari kang mamili ng sari-saring souvenier. If next time is better. Hindi ko na palalampasin na makapunta sa Marinduque.
*Ding.dong.ding.dong*
Sapilitan akong napatayo. Wala pa yata si Kuya Junn. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin si kuya na lasing na lasing. Bumagsak siya at buti nalang nasalo ko si kuya. Inalalayan ko siya papasok ng kanyang kwarto.
Pagkahiga niya ay inalis ko ang kanyang sapatos.
Ngayon ko lang ulit siya nakita na lasing. At sa pagkakaalam ko hindi siya umiinom ng alak unless may problema siya o broken. Ang huling beses na nakita ko kasi siyang lasing e nung nagbreak sila ni ate terra.
"Kuya, anong problema mo? Bakit ka naglasing?" Tanong ko
"Andito kana pala kapatid..kamusta ang bakasyon mo?"
"Ayos lang naman..masaya." sagot ko
"Sige kuya, magpapahinga muna ako pero kapag kailangan mo ako. Tawagan mo nalang ako. Sa estado mo kasi malabong makatayo at katulin ang pintuan ng kwarto ko. Sige." Dagdag ko
"Kerra.." napatigil ako sa paglalakad
"Bakit?"
Lumapit ako kay kuya at naupo sa tabi ng kanyang kama.
"Bakit kapag nagmamahal..kailangan may nasasaktan?"
Lovelife problem.
"Kasama 'yun sa buhay kuya. Hindi natin maiiwasan ang hindi masaktan lalo na kung ikaw ay nagmamahal. Kung ayaw mo masaktan e di sana hindi kana lang nagmahal. Lahat kasi na nahuhulog sa bangin ng pag-ibig ay nasasaktan but don't worry..sa dulo ng bangin naghihintay ang rescuer. Pasensya na kuya kung hindi mo nakuha ang tamang sagot sa tanong mo. Ang non sense ng sinasabi ko. Hindi ko pa kasi nararanasan ang magmahal sa isang tao. Yung katulad ng sa inyo ni ate nancy. " sagot ko
"Darating din ang panahon na matatagpuan mo ang iyong mamahalin. Balang araw masasagot mo din ng tama ang tanong ko. Alam ko na kahit anong talino mo sa math at science, pagdating sa pag-ibig..speechless ang utak." Sabi ni kuya at ngumiti lang ako
"Matulog kana." Dagdag pa niya. Tumayo na ako at nagtungo sa aking kwarto.
Sana..sana si Kerk ang mamahalin ko pagdating ng panahon.
Kinabukasan..
Maaga akong nagpunta sa ospital. Dala-dala ko ang zagu taro milk tea ang flavor. Iniabot ko kay Ate nancy ang isa at naupo kami sa bench na nagkalat sa harap ng ospital.
"Salamat dito." Wika niya pero ngumiti lang ako
"Ate..kagabi si kuya lasing na lasing. Hindi ko alam kung anong nangyari. May problema ba kayo?" Tanong ko. Huminga siya ng malalim. Parang ang laki nga ng problema nila.
"Nararamdaman ko kasi na mahal niya pa ang kanyang first love.." pagsisimula ni Ate
"First love never die!" Sagot ko at natawa lang siya. Naku, gasgas na ang salitang FLND. Hindi ba pwedeng First love is Forever naman.
Naalala ko bigla..so she mean?
"Nakita na ni kuya si Ate terra?" Tanong ko at tumango siya
"Kilala mo pala siya?" Tanong ni Ate nancy at tumango ako
"Sa tuwing nagdadate si Ate terra at kuya, lagi nila akong kasama. I know her better. Hindi ko lang alam ngayon kung kilala niya pa ako." Sagot ko.
"How was your vacation? Masaya ba? Nagenjoy ka naman?" Pagbabago ng usapan ni ate.
"Yup! Super nagenjoy ako. Ang kulit ni Edward..hindi ako magsasawang maging bestfriend siya. Lagi niya akong pinapasaya."
"Oops. I'm inlove with my best friend kana yata."
Napaubo ako sa sinabi ni Ate nancy.
"Hindi ah! May iba akong gusto.."
"Hindi naman sa gossiper ako pero..pwede ko bang malaman kung sino siya?" Tanong niya sabay inom ng zagu. Dumusog ako sa kanya.
Ibubulong ko na sana kay Ate nang bigla kong makita si Kerk kaya naituro ko nalang.
"Siya ang gusto ko ate. Siya ang nagligtas sakin sa mga gangster na lalaki pero bakit, parang may sugat siya sa labi?"
"Teka, teka? Si kerk..ang gusto mo?" Tanong ni Ate nancy at tumango ako
"Pambihira.."
"Wait lang, ate nancy. Lapitan ko lang siya." Sabi ko atsaka hinarang ang daan ni Kerk.
++++++++

BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover