Pasensya pala ngayon nalang ulit nakapagupdate :) grabeng busy sa finals. Haha. Btw. Ang maysel nagiging mesaiyah. Namamali lang ako ng type. Nakakachoppy sa utak ang pangalan nila. Haha. Enjoy this update :)
Kerk POV
Kinuha ko lahat ng mga sulat at dinala sa kama.
Binasa ko ang isa pa..
February 2, 1997
Para sa minamahal kong Terra,
Alam mo bang araw-araw kitang sinusundan? Nagbibiro lang ako. Araw-araw tayong nagkakasalubong pero ni minsan hindi nagtama ang mga mata natin. Gusto ko na ngang makipagkita sayo kaso natatakot talaga ako. Natatakot ako kasi baka kapag kausap na kita, mautal ako sa pagsasalita at baka ma mental block ako. Nakakahiya kung ganun man ang mangyari sakin. :)
Kahapon nga pala, magkasabay tayong kumain sa cafeteria, tinitingnan kita pero hindi mo lang talaga ako napapansin, nagbabasa ka kasi ng libro. At nung isang araw naman, magkatalikuran tayong nakaupo sa library. Nakakatawa nga e, hindi ko alam kung aksidente lang ang lahat o pinagtatagpo talaga tayo ng tadhana. Pero sana tadhana ang gumawa ng paraan para magkita na tayo. Sana ang pagkikita natin ay aksidente tayong magkabangga o aksidenteng may nahulog akong libro o aksidente mo akong mapansin. Siguro, naiinis kana sa katorpehan ko. Pasensya na hah, wala talaga akong lakas ng loob. Hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang bagay na 'yun. Kung pwede lang hugutin sa mansanas 'yun e andami ko na sigurong nakuha. Nagbibiro lang ako. Uy, tatawa na 'yan. Kapag ngumingiti ka pa naman, lalo akong nahuhulog, ang ngiti mo kasi ang dahilan ng lahat. Para akong pinana ni kupido dahil sa ngiti mo. Nakakapanghina ng tuhod ang ngiti mo kasi. Wag kang tatawa hah, para naman kahit papaano maibsan ang nararamdaman kong pagkagusto ko sayo pero alam ko namang hindi mo matitiis ang hindi ngumiti. Yan ang charm mo e. Kapag pala uuwi ka ng gabi, mag-iingat ka. Sobra kang mag-iingat hah. Promise mo yan!
Hanggang dito nalang muna ang sulat ko. Sana wag mong itapon ang korny torpe pero totoo kong sulat at lahat ng nakapaloob dito ay pawang nararamdaman ko dahil ito ay katotohanan. Hindi ito biro o trip lang. Seryoso ang nararamdaman ng taong nagsulat nito dahil ngayon lang siya nagkagusto sa isang babae.Nagmamahal,
JunnMatapos kong basahin ang pangalawang sulat ay bigla nalang ako nakaramdam ng inggit. Hindi ko alam na may nagmahal sa kanyang ganitong lalaki. Kumpara sakin..sa kabila ng pagmamahal ni junn..pinabayaan ko siya. Naiinis talaga ako sa aking sarili. Bakit ba pinabayaan ko siya? Ang makasarili ko. Sarili ko lang inisip ko. Tsk. Pakiramdam ko hindi niya deserving na pakasalan ako. Sa nabasa ko ngayon, parang gusto ko na siyang ibigay kay junn kung saan maaalagaan siya nito ng maayos. E sakin? Baka paiyakin ko lang siya, baka masaktan ko lang siya. At ayokong mangyari 'yun. Ayokong masaktan siya ng dahil sakin. Napahawak nalang ako sa aking noo atsaka tumayo at dinala ang box kung saan nakalagay ang mga sulat atsaka lumabas na ng kwarto.
* * *
Kinaumagahan..
Ipinark ko na ang kotse ko atsaka kinuha ang mga sulat na nasa box. Babasahin ko ito habang naghihintay sa paggising niya. Babasahin ko ang mga sulat ni Junn sa ex niya despite of the fact na masasaktan lang ako. Wala eh! Ganito talaga ang nagmamahal. Kailangan tiisin ang sakit na nararamdaman. Nagmamahal ka kasi. Nagmamahal. Nagmamahal.
Sana hindi nalang ako nagmamahal para hindi na ako masaktan ng ganito kagrabe. Hindi pa nga siya nagigising ang sakit na ng nararamdaman ko, ano pa kaya kung magising siya. Baka nga isang araw makita niyo akong umiiyak na mag-isa.
Sa gitna ng Point of View ko ay natilapon lahat ng sulat sa box. May nakabanggaan kasi akong batang lalaki na mukhang highschool palang.
"Pasensya na sa pagkakabangga ko sayo. M-may..hinahabol lang po ako." Sabi ng bata habang tinutulungan ako sa pagpulot.
"Okay lang. Sa susunod mag-ingat ka. Baka sa pagtatakbo mo, sasakyan na ang makabanggaan mo." Habilin ko sa bata. Yumuko naman siya sakin.
"Ako po si Edward..nice meeting you po."
"Ako naman si Kerk." At pagkasagot ko ng aking pangalan ay agad na nagtatakbo ang bata. Weird.
Nagdiretso nalang ako ng lakad papunta sa kwarto ni Terra at pagkarating ko. Ang dalawang langgam na sina Razec at Maysel ay tulog pa sa sofa. Magkasiping pa at sa liit ng sofa ang talagang pinagkasya ang sarili. Nakapatong ang ulo ni Maysel sa dibdib ni Razec samantalang ang loko ay nakayakap ng mahigpit sa katabi.
Ibinaba ko ang box sa gilid ng kama ni terra atsaka umupo sa katabi nito. Hinalikan ko siya sa noo at kamay.
"Andyan kana pala, pare." Napatingin ako sa direksyon ni Razec.
"O, may ginawa kayong kababalaghan?" Tanong ko.
"Parang wala ka namang tiwala samin niyan." Sagot ni Razec.
"Hindi kasi katiwala-tiwala ang mukha mo." Sagot naman ni Maysel na nag-uunat ng kamay. Kiniss naman ni Razec ang kasintahan sa pisngi.
"Oh, wag sosobra..baka mainggit 'yung isa diyan. Wala pa kasing mahalikan. Mahimbing pa ang tulog ng sleeping beauty niya." Pagpaparinig ni maysel pero umirap lang ako sa kanila.
"Kagabi, may dumalaw kay terra. Junn ba ang pangalan nun?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Razec.
"Anong sinabi niya?" Tanong ko atsaka tumayo para buksan ang kurtina ng bintana.
"Ang sabi..ingatan mo daw si Terra dahil nung mga panahong sila pa e hindi man lang nasasaktan si terra. Lagi niya daw itong pinag-iingat." Dagdag na kwento ni Razec.
"Atsaka oras daw na magising siya ay hindi siya magpapakita dito. Yun lang ang sinabi then gorabels na." Singit ni Maysel.
"Sino ba itong si Junn? Ex ni Terra? May nakaraan sila?" Tumango ako sa tanong ni maysel.
"Pero, hindi ko alam ang nakaraan nila. Hindi ko naitanong si mama at papa." Sabi ko sabay upo sa gilid ng kama.
At sa pagtayo ni Maysel ay napansin niya ang box. Lumapit siya dito at binuksan.
"Junn? Puro kay Junn ito nanggaling. Sulat niya ito para kay terra? Bakit nasayo?"
"Kinuha ko sa kanyang kwarto. Babasahin ko 'yan para hindi ako mainip." Sagot ko habang hinihilot ang aking noo.
"Baka naman susunugin mo, hindi para basahin." Singit ni Razec.
"Babasahin ko 'yan. Pwede na kayong umuwi, andito naman na ako. Kaya ko na siyang bantayan."
"Aalis na kami. Basta ba wag kang iiyak kung babasahin mo man ang mga sulat na 'yan." Sabi ni Maysel bago pa man sila makaalis.
"Salamat sa pagbantay." Sagot ko
"Marunong ka palang magpasalamat?" Sarkastikong sagot ni razec pero sinamaan ko lang ng tingin
"Ano ka ba razec, nagsisimula na yang magbago kasi nga..malapit na ang paggising ni terra." Sagot ni Maysel
"Sige, lalayas na kami. Wag kang iiyak hah." Dagdag pa nito at tinapik muna saglit ni razec ang balikat ko sabay tuluyan ng umalis.
Ako naman..kinuha ko ang kasunod na sulat at muli itong binasa.
----------
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover