"Masarap ba ang luto ko?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Tumango si Edward.
"Ang sarap..ang totoo. Unang beses ko palang ito na natitikman. Ano bang tawag dito?" Wika ni Sesshi
"Chicken curry.."
"Ah, bukod talaga ang mga pagkaing pilipino. Naiiba sa lahat. Gusto ko nga tikman 'yung balut. Sinearch ko 'yun sa internet. 'Yun daw ang kinakain ng mga turista kapag first time dito." Saad niya
"Gusto mo samahan ka namin kumain? Sa tuwing gabi lang may naglalako noon. Gusto ko ring makakain ng balut. Kahit tagarito ako, pili lang din ang pagkain na kinakain ko." Sagot ko
"Wag niyo na akong samahan..si kuya kerk ang gusto kong kasama."
Tumango nalang ako.
"Maglovers ba kayong dalawa?" Tanong ni sesshi. Nabulunan si edward. Kinuha ko ang baso at nilagyan ng tubig at inabot sa kanya.
"Hindi. Magbest friend lang kami." Sagot ko sabay tiningnan si edward.
"I see.."
Makalipas ang ilang oras..
"Pasensya na kung hindi ka namin masasamahan ngayong gabi." Wika ko kay sesshi. Binuksan niya ang pinto at lumabas na kami.
"Ayos lang. Salamat sa inyo. Sana magpunta ulit kayo dito. Salamat kerra at edward. Kayo ang kauna-unahang kaibigan ko dito sa pilipinas."
Ngumiti kaming dalawa.
"Ipatawag mo nalang ulit kami kay kuya mo kung kailangan mo kami." Sagot ko
"Uwi na kami." Dagdag ni edward
"Ingat kayo." Sesshi
It was almost six o'clock. I don't think may masasakyan pa kami dito. Walang dumadaang sasakyan. Sa waiting shed kami nagtahan. Parang himala nalang ang may dumaan na taxi.
Half an hour na kaming naghihintay. Wala pa rin. Gabi na. Dinig ko ang mga huni ng kuliglig.
"Edward..maglakad nalang kaya tayo.." wika ko
"Madilim ang daan." Sagot niya
Oo nga. Wala man lang street light. Hindi ko na nga makita ang kalsada.
Kinuha ko ang cellphone ko. Magpapasundo nalang kami kay kuya. Dinial ko ang kanyang number.
*Cannot be reached
"Hindi ko matawagan si kuya. Ang ate mo nalang tawagan mo." Sabi ko
"Hindi ko dala cellphone ko."
"Gamitin mo 'tong sakin."
Iniabot ko ang cellphone ko. Tinawagan na niya ang kanyang ate at maya-maya'y binalik na niya sakin.
"Cannot be reached."
Naku naman! Kung kailan sila kailangan dun nawawala! Hindi na yata kami makakauwi nito. Huminga ako ng malalim. Pumunta ako sa git ng kalsada. Tinanaw kung may paparating na sasakyan pero wala. Bumalik na ako sa aking pagkakaupo. Magkatapatan ang aming upuan.
"Kerra..siguro ito na ang tamang oras para sabihin sayo na.."
Natigil siya sa pagsasalita. Nakatingin lang ako sa kanya. Huminga muna siya ng malalim at ipinagpatuloy na ang sinasabi.
"Sa america ako mag-aaral ng college."
Hindi ako nabigla sa isinaad mo edward. Matagal ko ng alam na aalis ka. Sinabi na iyan sa akin ng ate mo. Ngumiti ako sa kanya.
"Eh di mabuti. Hindi na kita makikita. Nakakasawa na kaya mukha mo. Araw-araw nalang kitang nakikita." Ako
Lumapit ako sa kanya at umupo. Tinap ko ang kanyang likod.
"Nagbibiro lang ako..ang totoo. Mamimiss kita kuletz edward." Dagdag ko pa. Ngumiti siya sakin.
"Ayokong iwanan ka." Edward
"Ayaw mong iwan ako? Paano ang pag-aaral mo? Diba pangarap mong maging doctor? Ed.. kahit malayo tayo sa isa't-isa. Sabay nating aabutin ang ating pangarap."
"Sumama ka kaya sakin.."
"Hindi pwede. Alam ko namang papayagan ako ni kuya na sumama ako sayo pero..ayaw ko siyang iwananan."
Huminga siya ng malalim.
"Kailan ka ba aalis?" Dagdag ko pa.
"Next saturday.."
Malapit na pala.
*Bzzt*bzzt*
Si kuya tumatawag. Agad ko itong sinagot.
[Kuya..]
[Bakit wala ka pa sa bahay?]
[Sunduin mo kami. Wala kasi kaming masakyan. Walang dumadaan na sasakyan.]
[Nasaan ka? Kasama mo ba si Edward?]
[Opo. Kasama ko siya. Nasa crisostomo street kami.]
[Saan 'yan?]
[Gamitin mo kuya navigation mo.]
[Okay sige. Wag kayong aalis sa kinalalagyan niyo. Pupunta na ako diyan.]
Toot..
"Papunta na dito si kuya." Sabi ko
At pagkatapos..katahimikan na ang bumalot sa aming dalawa. Naramdaman ko nalang ang ulo niya sa aking balikat. Sana'y na akong ganito kami. Sa tuwing nanunuod kami ng sunset laging ganito ang pwesto namin. Ipinatong ko din ang ulo ko sa kanya.
"Kerra..kaya mo bang suklian ang pagmamahal ko?"
Hindi ako sumagot. Parang bigla akong nakaramdaman ng kaba.
"Kaya mo ba?"
Hindi pa rin ako sumagot.
"Mahal kita. Hindi bilang matalik na kaibigan kundi bilang babae."
"Bakit mo ba 'yan sinasabi sakin?" Tanong ko
"Dahil 'yun ang nararamdaman ko."
"Hindi ko alam." Sagot ko. Hindi na siya umimik pang muli.
Ilang sandali lang ay dumating na si kuya. Sumakay na kami sa kotse. Parehas kaming nasa backseat. Sa labas lang ng kotse ako nakatingin at ganun din siya.
Hinatid na ni kuya si edward. Noong lumabas siya ay hindi ko siya tiningnan. Nahalata yata ni kuya na malayo ang tingin ko.
Pagkarating namin sa bahay..
"Anong nangyari sa inyo kanina?" Tanong ni kuya. Naupo ako sa couch.
"Kapag ba mahal ka..kailangan suklian mo ang pagmamahal na binibigay niya sayo?"
Ewan ko ba kung bakit tinatanong ko ito. Nagagaya na yata ako kay kuya.
"Kung hindi siya ang laman ng puso mo..hindi mo masusuklian ang pagmamahal niya. Masusuklian mo din naman kaso sa ibang paraan. Sino ba ang nasa puso mo?" Tanong ni kuya
"Si kerk.." sagot ko.
+++++++++++++++
![](https://img.wattpad.com/cover/26309326-288-k773641.jpg)
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover