Chapter 24

966 34 0
                                    

KERK

Lumabas ako ng hospital para bumili ng pang palamig. Kahit ice cream, halo-halo at iba't-ibang inumin na nakakagaan ng loob. Masyadong mainit para sakin ang araw na ito. Napatigil ako sa paglalakad nang may humarang sa daan ko. Ngumiti siya sakin.

"A..nakikilala mo pa ako? 'Yung niligtas mo nung isang linggo sa mga gangster na lalaki. Ahm, Hello!" Sabi niya at sa itsura nito'y nagpapacute sakin. Cute naman na siya kaya no need magpacute.

"Hindi ka na ba ginulo ng mga lalaki na 'yun?" Tanong ko at umiling-iling siya. Napatingin ako sa dumating. Si Nancy. Ngumiti siya sakin. Ngumiti din ako pabalik.

"Magkakilala kayo?"

Sa pagkakatanda ko..kerra ang pangalan niya. Sht! So, ibig sabihin siya nga 'yung nahalikan ko dati. Yung akala ko si Terra.

"Actually kerra, matagal-tagal na rin kaming magkaibigan ni kerk." Sagot ni Nancy

"Ah.." sagot ni Kerra

"San ka pupunta?" Tanong ni Nancy

"May bibilhin lang." Sagot ko

"Sama kami! I..mean..isama mo na kami para hindi ka naglalakad mag-isa." Kerra

Ngumiti lang ako sa kanila. Sumama rin sila sakin. Ngumiti lang ako, i didn't say yes pero okay na kasama ko sila. Hindi malungkot sa paglalakad.

"Anong favorite mong pagkain?" Tanong ni Kerra

"Siomai."

"Paborito mong ulam?"

"Sinigang." Sagot ko.

"Paboritong kulay?"

"Blue."

Bakit ba siya tanong ng tanong? Pagdating namin sa restaurant ay natigil na siya sa pagtatanong sakin. Naalala ko sa kanya ang kapatid kong babae na si sesshi. Madaldal din siya katulad niya. Sa katunayan, may pagkakahawig silang dalawa.

Umorder na kami ng halo-halo. Pagkarating ng order ay agad namin itong nilantakan.

Habang kumakain ay nakatingin siya sakin, ngumingiti lang ako kay kerra tapos binibigyan niya ako ng tissue paper.

Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa hospital. Hindi na sumama sa amin pabalik si Kerra dahil may pupuntahan daw siya. Kami nalang ni Nancy ang magkasabay. Tahimik kaming naglalakad at tanging kainitan ng matirik na araw ang bumabasag ng katahimikan sa paligid.

"Hindi.." napatingin sakin si nancy na nagtatanong.

"Hindi mo maaring breakin si junn dahil lang sa mahal niya pa ang kanyang ex." Pagpapatuloy ko. Natigil siya sa paglalakad. Humarap siya sakin.

"Bakit?" Tanong niya habang nakakunot ang noo

"Because If you break him..he can easily get terra from me."

"So?"

"Don't give up. Kapag nilet go mo siya at hindi mo pinaglaban ang pagmamahal mo sa kanya. Parehas tayong matatalo." Sagot ko.

Pinagpatuloy na namin ang paglalakad.

"First love is forever..anong laban natin kung sa huli ay sila ang magkakatuluyan?" Nancy

"Break the chain of destiny. Don't let him go and I will hold her tight so that in the end hindi sila magkatuluyan."

She took a deep breath.

"If they are meant for each other and we lose. Sana tayo nalang pero..kahit gaano kadali sabihing tayo nalang. Mahirap pa rin panindigan." Nancy

Napatigil na kami sa paglalakad. Nasa loob na kami ng ospital.

"Okay, I will try to work out our relationship. I will fight my love for him. For you and for me. Tayo ang magkakampi hah."

Ngumiti ako at tumango.

"We can win this game. For you and for me." I answered and she smiled back at me atsaka tinungo ang daan papunta sa kwarto ni Terra.

Umupo ako sa sofa at kinuha ang box at binasa ang kasunod na sulat ni Junn. Noong araw ng mga puso ay nagkita sila ni Terra at ng araw na din na iyon, nagsimula ang araw ng panliligaw ni Junn. He didn't know what's the meaning of 'DATE. Napakasimpleng salita. Ang date ay pagsasama o pamamasyal ng magkasintahan pero sa pagkakaalam ko as long as nagkakaunawaan kayo ng partner mo, date na ang tawag dun. Kahit sa simpleng tawagan niyo sa cellphone.

Ang sabi niya pa sa sulat..hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang mga salitang isasagot sayo. Kinakabahan ako kapag nakatingin ka sakin. Napaka demanding! Pero hindi na ito mahalaga sakin..ang hinahanap ko na sulat ay kung bakit sila nagkahiwalay. Masyadong maraming sulat kaya aabutin ako ng end of the world kung babasahin ko lahat ng mga ito.

Hanap. Hanap. Hanap. But I've got nothing. Wala.

Kung sa bagay, baka nagbreak sila ay personal. Hindi na nila dinaan sa sulat. Nagbabakasakali lang naman ako na may makuha akong impormasyon sa pagbebreak nila. Curious mind.

Napatigil ako sa paghahanap nang maistuck ang mata ko sa babaeng kapapasok lang. Maganda pa rin siya. Walang pinagbago kahit matagal na kaming hindi nagkikita.

Napatayo ako at tinawag ang kanyang pangalan.

"Sesshi!"

++++++++

Tingnan natin kung ano ang magiging role ni sesshi!

The Last Day of Summer [SMTS Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon