Chapter 35 The Fall of Kerk's Family

1K 39 5
                                    


Nagising ako sa kalabog at ingay na nanggagaling sa labas. Dahan-dahan akong tumayo dahil sa sakit ng aking likod. Lumabas na ako ng aking kwarto at bumungad sa akin ang aming mga duguang tauhan. Nagtatakbo ako papunta sa kwarto ni sesshi subalit wala siya at pupunta na sana ako sa kwarto nila mama nang biglang may sumipa sa likod ko na siyang aking ikinabagsak. Agad kong kinuha ang baril na nasa sahig at pinaputukan siya at siya nama'y aking natamaan. Bumagsak siya sa sahig at binaril muli upang makasigurado akong patay na siya. Napakagulo ng loob ng aming bahay at hindi ko na malaman kung ito pa ba ang bahay namin. Nagkalat ang mga gamit at puro may bahid ng mga dugo. Hinanap ko ang aking kapatid at mga magulang at naabutan ko sila sa harap ng bahay namin. Pinalilibutan sila ng gang na gusto kaming sakupin.

"KUYA!" sigaw ni Sesshi ng makita ako. Lumapit ako sa kanya at niyakap ang natatakot kong kapatid.

Tumingin ako ng matalim sa leader nila. Siya nama'y ngumiti lang sa akin na nang-aasar.

"Ikaw pala ang tagapagmana ng iyong ama." Wika nung kanilang leader

"Ikaw na ang papipiliin namin..ang inyong buhay o ang inyong katayuan at pag-aari?" Tanong niya

"Handa akong mamatay huwag lang ibigay sa'yo ang gusto mo." Matapang na sagot ni Papa at parang bigla akong sinabuyan ng mainit nang bumagsak si Papa. Agad akong sumugod sa kanila subalit hindi ako nakalaban, hinawakan nila ang magkabila kong braso at pinagsusuntok ako ng kanilang leader, sa mukha, sa tiyan, sa tuhod, hanggang sa bumagsak na ako.

Kitang-kita ko ang pagtangis ng aking ina at kapatid habang nakahiga si Papa sa kanilang kandungan, walang malay at may tama ng bala sa ulo. Naaawa ako sa aking sarili, lalo na sa aking pamilya na wala man lang akong nagawa, hindi ko man lang sila naipagtanggol laban sa kanila.

Sa pilitan akong pinatayo ng leader nila at hinawakan sa kwelyo.

"Do you think hindi ko kayang gawin 'yun? Nakakaawa ka." Nagmamayabang niyang sabi atsaka dinuraan ako sa mukha.

"Sa akin na muna ang kapatid mo ha? Nang may paglibangan man lang ako." Dagdag pa niya at halos mapamura na ako sa kanyang isinambit. Ibinagsak niya ako sa lupa habang pinagmamasdan ko silang kinukuha ang kapatid ko.

"MAMA! KUYA! MA!!!" sigaw niya habang mahigpit na nakakapit kay mama at sinuntok nung kanilang leader si mama sa tiyan kaya ito'y napabitaw sa kamay ng aking kapatid.

"S-sesshi.."

"Kuya..tulungan mo'ko. Ayaw kong sumama sa kanila." Umiiyak na wika ng aking kapatid. Hinawakan ko ang tuhod nang lalaking may hawak sa kanya.

"Wag."pagmamakaawa ko subalit inalis niya lang ang pagkakakapit ng aking kamay sa kanyang tuhod. May sinenyas ang leader sa kanyang tauhan. Kinuha nito ang katana at papalapit sa akin.

"MA!" halos pumiyok ang aking kapatid sa pagsisigaw . At pilit na kumawala sa kamay ng malulupit na mga taong ito subalit hindi niya nagawa. Ako ang papatayin subalit humarang si mama.

"Ma.." tumulo ang luha sa aking mata at punong-puno ng galit ang aking dibdib.

"S-sesshi.." sambit ni mama atsaka ipinikit na ni mama ang kanyang mata kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

"MA! Bitawan mo ako!" nagwawalang sigaw ng aking kapatid habang patuloy na nagpupumilit na kumawala. At bago sila umalis..isang matagumpay na ngiti ang ibinigay sa akin ng kanilang leader.

Hindi sana ito nangyari kung hindi ko sila iniwan. Nakinig sana ako sa aking kapatid. Nangigigil ako sa aking sarili at malakas na sigaw ang aking pinakawalan. Mga hayop kayo. Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa pamilya ko!

At tanging paghihiganti lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

Ilang sandali pa ang lumipas ay dumating sina Prince Anhiro at ang iba pa nilang tauhan kasama si Anthea at Denstah. Huli na sila para iligtas kami.

"Kerk.." tawag ni Anthea subalit nanlalabo na ang aking paningin. Inaalog niya ang aking mukha subalit nag-itim na ang aking paningin.

---

Thank you for reading! :)

The Last Day of Summer [SMTS Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon