Chapter 17

1.1K 37 0
                                    

KERRA

Namamasyal kami ni Edward. Kanina nasa park kami ngayon naman nililibot namin ang museum. Hinawakan ko ang paintings na nakadisplay.

"Buti pa ang paintings, hinahawakan mo." Napakunot ako ng noo sa isinaad ni Edward.

"Nevermind. Ang ganda ng mga paintings ano?" Dagdag pa ni Edward.

Matapos naming libutin ang museum ay nagpunta naman kami sa plaza kung saan may naglalarong basketball. Summer na kaya uso ang mga laro ngayon.

Binilang ko ang mga players habang kumakain ng ice candy.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Ed

"Binibilang ko sa isip ang mga players..diba dapat 10 silang lahat? Bakit ang bilang ko eleven?"

"Buti pa ang bilang nasa isip mo."

"Ha?"

"Ah, oo nga. Eleven silang lahat. Madaya!" Sagot ni Ed.

Anong nangyayari sa best friend ko na ito? Bakit parang malala ang sapak sa utak. Kung ano-ano ang pinagsasasabi. Tsk tsk!

Pagkatapos naming manood ay sa bahay ni Edward kami nagdiretso. Nagluto naman kami ng muffin. Isinubo ko sa kanya ang kakaahon lang mula sa oven ang isang pirasong muffin.

"Ang init! Grabe! Bakit mo naman sinubo sa akin lahat? Mainit kaya!"

"Haha! Nakakatawa ka! Ang pangit ng itsura mo! Para kang si hellboy sa pula ng mukha! Hahaha!" Sagot ko at napatingin kami kay Ate monica. Ang ate ni Ed na kadarating lang.

"Teka. Shower muna ako hah." Wika ni Ed at nagtungo na sa kanyang kwarto

"Kain po ng muffin. Kami ni Edward ang nagluto niyan at sigurado akong masarap yan ate." Wika ko. Kumuha siya ng isang piraso at kumagat.

"Hmm. Masarap nga. Infairness ang galing niyo magluto. Kahit chef na ako e talong-talo niyo ako sa pagluto nito." Sabi niya at ngumiti lang ako.

"Kerra.."

"Bakit po?"

"Nabanggit na ba sayo ni Ed na sa America siya mag-aaral ng college?"

Sa america siya mag-aaral ng college?

"Ah, sorry. Pinangunahan ko na siya. Sabi ni mom and dad doon na siya mag-aaral."

Hindi ako umimik sa sinasabi ni Ate. Hindi naman niya sinasabi ang tungkol sa pag-alis niya.

"Sige, akyat na muna ako sa taas." Dagdag pa niya.

Aalis na si Edward? Iiwan na niya ako? Huminga ako ng malalim. Umupo ako sa couch ng kanilang living room.

"Bakit parang..ang lalim ng iniisip mo?" Tanong ni Edward. Ang bango naman niya.

"Wala. Iniisip ko lang kung paano magsurfing."

"Surfing?"

Tumango ako.

"Marunong ako magsurfing, gusto mo turuan kita?"

"Great idea!" I cheerfully said.

"Ang totoo, nasa listahan 'yan ng gagawin natin ngayong summer." sagot niya at ngumiti naman ako.

Bakit kaya hindi niya sinasabi sakin ang tungkol sa pag-alis niya? Hayaan ko na ngang siya mismo ang magsabi. Baka ayaw niya akong iwan..tss! As if naman iiwan niya nga ako.

KERK

27 days. Parang antagal kung bibilangin mo ang araw. Parang paghihintay sa orasan na maging 13. Parang paghihintay sa taong may ibang mahal. Parang paghihintay sa pagbabalik ng iyong ama. Parang paghihintay na maging puti ang uwak. Parang paghihintay sa crush mong may girlfriend na. Parang paghihintay na matapos na ang pasukan. Parang paghihintay sa kaibigan mong pakabagal kumilos. Parang paghihintay sa matapos na ang taon at parang paghihintay sa pag-asang ako ang una niyang hanapin. Hay. Kung pwede lang wag na siyang magising mas gugustuhin ko pa kesa sa magigising nga siya hindi naman ako makikilala. Hay.

Katatapos ko lang maligo. Pinatutuyo ko na ang aking buhok. Kinuha ko ang aking cellphone sa couch at tinext si mama.

Sorry po hindi ako nakadalaw sa inyo. Hindi ko po maiwanan si Terra.

Maya-maya'y nagreply na si mama.

Ako ang dadalaw diyan. Ipagluluto kita ng paborito mong sinigang.

Reply ni mama. Huminga ako ng malalim. Umupo ako sa tabi ni Terra. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan.

"Malapit na Terra. Malapit na." Wika ko.

Ilang oras ang makalipas ay nakarating na si mama. Inilapag niya ang dalang pagkain sa lamesa. Umupo ako sa couch.

"Kumain kana." Sabi ni mama.

"Hindi ko na sinama ang papa mo. Busy siya sa trabaho." Dagdag niya

"Ah, ma..kilala niyo po ba si Junn?" Tanong ko at pagkarinig niya sa pangalan ni Junn ay iniwas niya ang tingin sakin.

"Kilala mo po siya?" Muli kong tanong at siya ay tumango.

"Si Junn ang unang pag-ibig ni Terra. Noong ipinakilala niya ito samin. Nagustuhan namin agad siya. Mabait at napakagalang. Hindi kami tumutol na maging sila ng anak ko. Araw-araw nga niyang dinadalaw si Terra. Kapag tapos na ang kanyang pasok, sa bahay namin siya nagdidiretso. Lagi din siyang nagdadala ng pagkain. Akala nga namin siya na ang mapapangasawa ng anak ko subalit isang araw, sinabi niya sa amin na hiwalay na sila. Hindi niya sinabi ang dahilan at simula noon hindi na dumadalaw sa amin si Junn."

Bakit kaya naghiwalay silang dalawa? Ano kayang dahilan?

"Noong sila pa ni Terra, binibigyan niya kami ng pera..hanggang ngayon." Pagpapatuloy ni mama

"Ano? Hanggang ngayon? Ma naman! Wag niyo ng tatanggapin ang pera niya hah? Kaya ko namang bigyan kayo ng pera, magsabi lang kayo!" Sagot ko

"Bakit ka nagagalit? Grasya kaya ang binibigay niya, mahirap tanggihan iyon."

Sumimangot ako.

"Wag kang mag-alala. Hindi na namin tatanggapin ang pera niya. Ts! Nagseselos ka lang e." Wika ni mama

"Hindi naman. Basta wag niyo ng tanggapin ang pera niya. Parang sinusuhulan kayo ng junn na 'yun." Sagot ko

"Kumain kana nga lang."

Napangiti nalang ako. At kinain ang paborito kong sinigang. Napatigil ako sa pagkain. Ang sabi ni mama..mabait at napakagalang ni Junn. Teka?

"Ma.."

"Bakit?"

"Mabait at magalang din po ba ako?"

Natawa si mama sa tanong ko. Ginulo-gulo niya ang buhok ko.

"Oo naman. Mabait, magalang, mapagmahal at napakagwapo mong anak. Sayo ko na ipinagkakatiwala ang anak ko. Wag kang mag-isip na ibibigay ko si Terra kay Junn."

Napangiti muli ako.

"Promise po 'yan hah."

"Oo. Promise. Para kang bata. Ang tanda-tanda mo na nagpapromise ka pa!" Sagot ni mama at natawa lang ako.

++++++++++

The Last Day of Summer [SMTS Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon