Chapter 28

969 39 4
                                    

KERK

Dinaramdam ng katawan ko ang bawat pag-agos ng patak ng tubig sa aking katawan na nagmumula sa shower. Itinungkod ko ang kamay ko sa pader at hinayaang tumulo ang tubig. This kind of feeling isn't new to me. Kailangan ng katawan ko ang ginagawa namin ni Terra. Subalit hindi na namin iyon magagawa. I can control myself. I can.

Kinuha ko ang towel at pinatuyo ang sarili.

Pagkalabas ko ng Cr..

Nakita kong gumalaw ang kanyang kamay pati ang kanyang mga mata'y gumagalaw. Unti-unti na niyang minumulat ang kanyang mga mata. Shit! Agad akong nagtatakbo sa kanyang tabi at hinawakan ang kanyang kamay.

"Terra.."

Sa pagmulat ng kanyang mata ay may tumulong luha.

"Terra.."

Hindi siya gumagalaw pero ang kanyang mata ay nanatiling nakamulat.

Agad akong lumabas at tumawag ng doctor.

"Keep waiting kerk..her brain just reviewing her memories. Cruel to say, hindi ka talaga niya maaalala. Paulit-ulit ko na 'yang sinasabi sayo." Doc says.

Sa paulit-ulit na sinasabi ng doctor na hindi nya ako maaalala ay paulit-ulit din akong nasasaktan. Nastuck sa puso ko ang salitang "hindi ka maaalala" It's like..you've met someone then pagkatapos niyong magkita. Kinabukasan, kamakalawa hindi ka na niya naaalala. Hindi na nagparamdam sayo. Hindi ka na niya ititext matapos niyong magkita. Para bang bula na naglaho sa isang kisap ng mata. Sabi niya gusto kang makuha but he didn't do anything to get you at siguro patunay lang 'yun na wala siyang interes sayo. Go back to reality, lumabas na ang doctor at naiwan ako doon na tulala. Ewan ko ba. Parang gusto kong manapok. Gusto kong saktan ang sarili ko. Mababaliw na ako.

Lumabas ako ng hospital. Sumakay sa aking kotse at nagpunta sa pinakamalayong lugar na alam ko. Umupo ako sa buhanginan atsaka pinunasan ang aking luha. Napasabunot ako sa aking buhok. Makakalipas din ako sa sakit na nararamdaman ko. Mapapawi din ito at balang araw, mapupuno din ito ng kasiyahan.

"PTNG INA!!" halos pumiyok ako sa lakas ng sigaw ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Isa akong duwag. Hindi ako madaling sumuko pero bakit pakiramdam ko ngayon bibitiw na ako. Nakakapagod na. Tng ina naman oh! Bakit ba nangyari pa samin 'to? Tng ina talaga!

"Kerk.." nabaling ang tingin ko sa babaeng dumating.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko kay kerra

"Kasi..ano..nasa likod ako ng sasakyan mo. Ah, bakit ka umiiyak? Bakit ka nagagalit?" Tanong niya pero hindi ako umimik. Tumayo na ako at hinila siya pabalik ng aking sasakyan at pinaharurot ko ito ng sobrang bilis.

"A-ayoko pang mamatay.." wika niya pero hindi ko siya pinansin.

Ilang minuto lang ay nakabalik na kami sa hospital.

"Bumaba kana at wag mo na akong susundan." Sagot ko at bumaba na ng kotse.

Sa paglalakad ko ay napatigil ako nang may humawak sakin. Siya ulit.

"Sorry kerk.." wika niya pero inalis ko lang ang pagkakahawak niya sakin.

Nagdiretso na ako sa kwarto at naabutan kong mulat pa rin ang kanyang mga mata. Inumpog ko nalang ang ulo ko sa pader atsaka naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

++++++

May bago po akong story. MY NAME IS DESTINY. Pakipunta po sa profile ko. Naghahanap din po ako ng book cover para diyan. Sana basahin niyo. Salamat.

The Last Day of Summer [SMTS Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon