I am sorry for the late update. I was about to publish the two chapters you are waiting but suddenly..my Ms word didn't work properly. So, I have to encode it again. Thank you for the understanding and for waiting patiently. Thank you, thank you, and thank you.
Sumakay na ako sa taxi at habang nagbibiyahe napapahawak nalang ako sa aking noo dahil hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Kinakabahan, pagkasabik at naghahalong takot kaya't pilit ko nalang pinakalama ang sarili ko sa tugtog ni manong driver. Isinandal ko ang aking ulo sa sandalan ng upuan habang nakapikit ang mga mata.
Look at the stars,
Look how they shine for you,
And everything you do,
Yeah, they were all yellow.
I came along,
I wrote a song for you,
And all the things you do,
And it was called "yellow".
So then I took my turn,
Oh what a thing to have done,
And it was all yellow.
Your skin,
Oh yeah your skin and bones,
Turn into
Something beautiful,
Do you know?
You know I love you so,
You know I love you so.
Isang oras ang nakalipas ay nakarating na ako sa bahay nila mama. Hindi agad ako pumasok, matagal akong tumigil sa harap ng bahay at pinagmasdan ko ang paligid at ganoon pa rin siya sa dati na iniwan ko halos walang pinagbago. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong ang bahay na ito'y masaya dahil nakabalik na ako. Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ko si mama na mangiyak-ngiyak na papalapit sa akin. Nabitawan niya ang batyang may lamang gulay atsaka yumakap sa akin. Ang yakap niya ay kasing higpit nang yakap sa akin ng tunay kong mama nang makita niya akong nakabalik na sa Japan. At sana..pag nakita ako ni Terra, ganito din ang yakap niya, 'yung halos hindi na ako makahinga dahil sa sobra niya akong namiss, 'yung nararamdaman kong masaya siya't nakabalik na ako.
"Salamat at nakabalik kana. Napakasaya ko anak na makita kang okay ka lang.." wika ni mama at kumawala na sa pagkakayakap sa akin. Pinunasan ko ang luhang umaagos sa kanyang pisngi.
"Masaya din po akong makita kayo." Sagot ko
"S-si Terra po?" Tanong ko at ang naisagot sa akin ni mama ay isang iwas na tingin. Kinuha niya ang bag na dala ko at dinala sa loob ng bahay. Nang makapasok na kami sa bahay ay nakatingin pa rin ako sa kanya habang hinihintay ang kanyang sagot.
"Si..Terra ay namamasyal." Sagot ni mama at tumingin saglit sa akin. Nagpunta siyang kusina at sinundan ko naman siya.
"Kain kana muna. Alam kong pagod ka sa biyahe." Dagdag ni mama at hinainan ako ng pagkain. Nilagyan niya ng kanin ang pinggan habang nakatingin pa rin sa kanya. Alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo.
"Ma, si Terra?" Tanong ko ulit at tumalikod siya sa akin.
"Kerk.."
"Si Terra.."
"Ano kasi..sa bahay na ni Junn siya nakatira. Tatlong buwan na ang nakalipas. Pasensya na Kerk kung hindi ko nasunod ang nais mo. Pinigilan ko naman si Junn subalit nagpumilit siyang kunin sa akin si Terra at siya nalang daw ang mag-aalaga tutal naman daw siya naman ang laging hinahanap ng anak ko. Binalaan ko na rin siya pero..hindi siya naniwala." Pagpapaliwanag ni mama at saglit na pumagitna ang katahimikan sa isip ko.
"Okay lang ma. Wag mo pong isipin nag alit ako sa'yo. Alam ko pong ginawa mo ang lahat para pigilan si Junn. Ako nalang po ang kakausap kay Terra na bumalik na siya dito." Sagot ko
"At ma..kapag bumalik na ang ala-ala ni Terra. Ang plano ko po sa inyo ay isama na kayo sa Japan upang..doon na manirahan." Dagdag ko at ngumiti naman sa akin si mama
"Kung 'yan ang iyong nais, Kerk. Okay lang sa akin." Sagot ni mama
"Bakit ang tagal mo nga palang bumalik? Akala ko nga hindi kana uuwi, akala ko nakalimutan mo na kami dahil mahabang buwan na rin ang lumipas."
"May importanteng inasikaso lang po ako kaya medyo natagalan sa pagbalik." Sagot ko. Subalit..wala na talaga akong balak na bumalik kung hindi ako pinagtabuyan ni Sesshi. Hahayaan ko nalang sana si Terra at Junn pero..hindi pwede. Hindi pwedeng hayaan ko siya kay Junn.
"Kung ano man ang dahilan mo, ang mahalaga pa rin sa akin ay ang nakabalik kana." Sagot ni mama at ngumiti sa akin.
Pagkatapos kong kumain ay nagtungo ako sa kwarto ni Terra. Humiga ako at binigyan ang sarili ng oras para makapagpahinga habang sa ceiling lang nakatingin. Mamaya tutungo ako sa bahay ni Junn para makita ko ang kalagayan ni Terra.
Tumayo ako at hinubad ang aking jacket, iniligay ko lang ito sa sahig at muling hihiga na sana nang may mapansin akong sulat sa sahig malapit sa ilalim ng kama. Kinuha ko ito at pamilyar ang sobre. Isa siya sa mga sulat na ibinibigay ni Junn kay Terra. Binuksan ko ito at binasa.
Nag-iisa kong minamahal na Terra,
Mabigat ang nararamdaman ko ngayon, katatapos lang namin mag-usapni mama at papa at ang laman ng pag-uusap namin ay ang relasyon natin. Nais ng magulang ko na hiwalayan na kita dahil..hindi ka daw nababagay sa akin. Masakit para sa akin ang gusto nilang mangyari, parang tinatahi ng milyon-milyong karayom ang aking puso, gusto kong mabingi subalit paulit-ulit ko silang naririnig sa aking isip.
Terra, hindi ko gustong saktan ka subalit wala na akong ibang magagawa sa gusto ng magulang ko. Hindi kita kayang ipaglaban sa kanila kaya para mas maging madali ang lahat para sa atin ay mas mabuti pang maghiwalay nalang tayo. Kalimutan mo na ang nararamdaman mo para sa akin at kakalimutan na rin kita. Itapon mo na lahat ng sulat ko para madali sa'yong kalimutan ako o kaya sunugin mo o kaya ipaanod sa ilog o kung anong gusto mo.
Maraming salamat sa kahit konting araw na pagpaparamdam sa akin na isa akong Prince Charming ng nag-iisang Snow white ng buhay ko. Salamat sa pagpapasaya sa akin at sa kapatid ko. Salamat sa lahat-lahat. Ito na ang huling sulat ko para sa iyo hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam.
Junn Fortez
Pagkatapos kong basahin ang sulat ay tinungo ko na ang daan papunta sa bahay ni Junn subalit nakita ko siya at si Terra sa park kaya't hindi na ako nagpunta sa bahay nila. Mula sa malayo ay pinagmasdan ko si Terra na nakikipaglaro sa mga batang nasa parke. Nagsasabuyan sila ng mga dahong nahuhulog mula sa mga punong mahogane na nakapaligid sa park. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang kislap ng saya pati sa ngiti niyang..ngayon ko lang nakita. Dati kasi..noong naalala niya pa ako, lagi kasi siyang nakasimangot pag nakikita ako, laging mainit ulo niya sakin kasi utos daw ako ng utos. At ngayon ,kay gandang pagmasdan ang ngiti niya.
Mahigpit akong napahawak sa sulat na hawak ko kaya ito'y nalukot nang matuon ang pansin ko kay Junn. Kinuha niya sa akin ang mahal ko gayong alam niyang masasaktan si Nancy. Mahal na mahal sya ni Nancy subalit hinayaan niya lang itong malunod sa sakit na idinulot niya. Siya ang nakakaalam ng nakaraan nila ni Terra subalit umaasta siyang inosente, akala niya hindi niya nasaktan si Terra noon? Sa poot na nararamdaman ko ay hindi ko namalayang hawak ko na pala ng mahigpit ang braso ni Terra. Nakatingin lang siya sa akin at nakakunot ang noo.
---
Lots of THANK YOU for reading :)
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover