Chapter 38

1K 47 0
                                    


Kinabukasan ay nagpunta kami ng aking kapatid sa sementeryo. Gustong makita ng aking kapatid ang puntod ng aming magulang. Inilagay ko ang bulaklak sa ibabaw ng nitso kung saan nakapatong ang kanilang larawan.

Makulimlim ang langit subalit hindi ko batid na may nagbabadyang ulan dahil tanging bumabagsak lang na tubig ay nagmumula sa aming mata. Nakatingin lang ako sa kanya habang yakap-yakap ang puntod at larawan ng aming magulang at mahigit isang oras kaming nandoon at pagkatapos niyang kausapin si mama at papa ay nagyaya na rin siya pauwi. Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kapatid ko..hindi ko sana siya nakikitang umiiyak kung inalagaan ko sila. Napakasakit para sa isang kuya ang makitang umiiyak ang kanyang kapatid lalo na't kung ikaw pa ang dahilan ng kanyang pagluha.

Kinomfort ko ang aking kapatid kagaya ng pagcomfort ko kay terra. Niyakap ko siya kagaya ng pagyakap ko kay terra ng mahigpit sa tuwing siya ay natatakot. Pinunasan ko ang kanyang luha kagaya ng pagpunas ko sa luha ni terra sa tuwing umiiyak siya dahil sa kanyang mga magulang. At aalagaan at babantayan ko siya kagaya ng hindi ko pag-iwan kay terra sa loob ng dalawang taon. Hindi ko lubos maisip na..ang mga ginagawa ko kay terra ay dapat sana sa aking kapatid at pamilya. At mas lalong hindi ko lubos maisip kung ano ang isinuko ko para kay terra.

"Wag ka ng umiyak. Paunti-unti ay matatanggap din natin ang nangyari." Sabi ko atsaka pinunasan ang kanyang luha sa pisngi.

"Kuya, gusto kong tanggapin pero nahihirapan ako. Hindi ko maisa-isip kung totoo ba ang lahat o panaginip lang?" sabi niya at lalo pang umiyak

"Tahan na. Mahirap din para sakin pero wala naman na tayong magagawa. Hindi na natin mababalik ang nangyari." Pagpapakalma ko sa kanyang nararamdaman at niyakap siyang muli ng mahigpit.

Pumasok na kami sa kotse.

"O, sesshi wag ka na umiyak. Hindi moa lam nasasaktan ako pag nakikita kang ganyan."

"Kuya naman.." sabi niya at napangiti sa aking sinabi. Siguro, ngayon lang niya narinig na sinabi ko 'yun. Pero 'yun talaga ang katotohanan.

"Kuya, may idea k aba kung sino 'yung tinutukoy nung leader ng statutory gang? 'Yung bago siya siya mamatay e diba may sinambit siya sa'yo na hindi lang siya ang may gustong mapabagsak tayo." Pagbabago namin ng usapan. At napaisip na naman ako..

"Wala akong ideya kung sino ang tinutukoy niya."

"Alam na ba 'yun ni Princess Anthea? Kasi..kuya alam kong hindi niya narinig ang sinabi nung lalaki dahil sa panghuling salita na siya nakarating at binaril ang lalaki." Sagot ni Sesshi. Alam ko ding wala siyang narinig subalit hangga't maaari ay hindi ko muna iyon sasabihin sa kanya dahil..alam kong hindi siya titigil mahanap lang ang tinutukoy nung lalaki.

"Huwag mo munang sasabihin sa kanila ang narinig mo."

"Bakit, kuya?"

"Dahil kahit naman sabihin natin ay maiiwan din silang kwestyunado?" sagot ko at dinig na dinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"Kuya, ano nang mangyayari sa atin pagkatapos nito?" Tanong ni sesshi at alam kong sa tono ng pananalita niya ay nag-aalala siya sa kung anong sunod na mangyayari sa amin.

"Itutuloy kung ano ang nasimulan ng magulang natin."

"Kuya, masyadong matagal pa bago makarecover ang angkan natin."

"Magtutulungan tayo. Hihingi tayo ng tulong sa mga kamag-anak natin." Sagot ko at patuloy pa ring nagdadrive. Tiningnan ko saglit si sesshi at napakunot ang aking noo dahil sa expresyon na ibinigay niya sa akin.

"Huwag mo nalang kaya, kuya ituloy.."

"Natatakot kasi ako.." dagdag niya atsaka tumingin sa akin

"Sesshi, nandito ang kuya mo..hinding-hindi na kita iiwan."

"Paano kuya, 'yung pinakamamahal mong babae?" Tanong niya at matagal bago ako makasagot.

"Hindi ko alam." Walang kasiguraduhan kong sagot.

"Handa ka ba kuya igive up ang pagmamahal mo sa kanya para sa akin..para sa kapakanan ko..this time?" Tanong niya subalit hindi ako makasagot.

"Kuya, alam kong hindi mo kaya. Okay lang sa akin kahit sa Pilipinas na tayo magsimulang muli." Dagdag niya

"Subalit nangako ako sa mga magulang natin.."

"Paano ikaw?"

"Pupunan ko na muna ang hindi ko nagawa sa inyo nila mama dati." Sagot ko at hindi na muling nagtanong pa sa akin si sesshi. Siguro nga, darating sa isang tao ang realisasyon sa kung ano na ang kanyang naisakripisyo at kung ano pa ang pagkukulang sa mga taong mahal niya. At siguro nga, darating sa isang tao na siya'y mapapagod, na dapat ang mga taong nasa paligid naman niya ang dapat intindihin at hindi na ang kanyang sarili.

Nang makarating na kami sa bahay nila anhiro ay pinagpahinga ko na muli ang kapatid ko. Hindi pa masyadong magaling ang kanyang sugat kaya't kinakailangan pa ring gamutin iyon.

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung saan at paano kami magsisimula. Hindi ko alam kung alin at ano ang uunahin ko dahil nais ko mang iwasan ay pilit na gumugulo sa isipan ko si Terra. Hindi ako panatag sa nangyayari sa kanya..

"Kerk.."napatingin ako kay Anthea na paparating. Umupo ako sa faded blue na sofa nang kanilang living room.

"Anon g plano mo?" Tanong niya atsaka ipinatong sa lamesa ang baso na may lamang alak.

"Ipagpapatuloy ang nasimulan ng magulang ko.."

"Kahit anong desisyon mo kerk, nandito lang kami, handang suportahan ka. At kung ang pagpapatuloy sa nasimulan ng magulang mo ang iyong desisyon, susuportahan ka pa rin namin." Sagot niya at tanging nasagot ko lang ay..

"Salamat." Subalit hindi ko maitatanggi na pinag-iisipan ko din ang sinabi sa akin ni Sesshi kanina na..okay lang sa kanya kahit sa Pilipinas na kami magsimula ng panibagong buhay. Pero..mabigat ang pangakong pinanghahawakan ko kay mama at papa. Dalawa ang pagpipilian ko subalit mas matimbang ang isantabi ko muna ang pagmamahal ko kay Terra at ang aking kapatid muna ang intindihin. Kaya..

Habang lumilipas ang oras hanggang sa maging araw na hanggang sa maging buwan na hanggang sa maging season na ang lumipas ay sinimulan ko ng itayo ang bumagsak naming pamilya. Kahit alam kong sa bawat galaw ko ay tinitingnan ako ni Sesshi na laging nagpapahiwatig kung sigurado ako sa aking ginagawa. Hindi ko nalang siya pinapansin, pati ang nararamdaman ko, hindi ko na rin pinapansin kahit na..gustong-gusto ko ng makita si Terra. Minsan napapaisip ako, kung papalarin, baka pagbalik ko sa Pilipinas bumalik na ang ala-ala niya, at oras na tuluyan ko ng maayos ang aking pamilya ay dito ko na patitirahin ang pamilya ni Terra.

Naging katuwang ko ang pamilya ni Anhiro sa pagbangon muli ng aming angkan. Pinaayos ko ang bahay naming nasira at binigyan naman ako ng mga kamag-anak namin ng panibagong mga tauhan. Nabankrupt ang iba pa naming business at kagaya ng iwinika ni Anthea, sinuportahan nila ako para sa bagong negosyo para sa kabuhayan namin ng kapatid ko. Pati ang iba't-iba pa naming negosyo ay muli kong itinayo. Pinabuksan kong muli ang department store at restaurant na pag-aari namin. At sa kabutihang palad..umayon ang lahat sa akin. Naging maayos ang lahat at matagumpay kong naitayo ang panibagong buhay namin. At habang humahaba nga ang panahon na lumilipas ay natatanggap na namin ang pagkawala ng aming magulang..subalit kung sana'y nabubuhay pa sila ay nasisilayan sana nila ang ginagawa ng kanilang anak. Nakikita ko sanang nakangiti si mama at papa habang pinagmamasdan nila akong pinapamahalaan ang aming negosyo.

---

The Last Day of Summer [SMTS Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon