Chapter 26

930 34 0
                                    

KERRA

"Okay po.." sagot ko at ibinaba na ang cellphone.

"Sino ba ang tumawag?" Tanong ni Edward na nagbabayad sa counter ng pinamili niyang libro.

"Si Ate Nancy..pagkatapos nito may pupuntahan tayo."

"Saan?"

"Sa bahay ni kerk.."

"Anong gagawin natin doon?"

"Dumating daw ang kapatid ni Kerk. At sasamahan natin ang kapatid niya sa kanyang bahay." Sagot ko.

Tapos na siyang magbayad. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng bookstore.

"Psh! Paano kung ayaw ko?" Mataray na sagot ni Edward

"Eh di ako nalang. As if naman matitiis mo akong iwanan at malay mo lalaki ang kapatid niya..lalandiin ko 'yun kapag hindi ka sumama." sabi ko

Napatigil kami sa paglalakad nang may humaharurot na nakamotor na paparating. Wow! Ang galing nung babae magmotor.

Parehas naistuck ang mata namin sa babaeng animo'y bike ang sinasakyan niya sa sobrang bilis ng takbo.

Tumigil siya sa harap namin.

"San ba dito ang department store?" Tanong niya. Mukhang japanese ito ah. Bago lang.

"Diretsuhin mo lang 'yan tas kumanan ka." Sagot ko

"Thanks." Sagot niya sabay ngiti at umalis na. Ipinagpatuloy na namin ang paglalakad.

"Ice cream be like..titig na titig hanggang sa matunaw. Kung dinilaan mo kaya para hindi nasayang." Sabi ko. Mukhang nganga si Edward.

"Ang mga katulad niyang babae ang hinahangaan ko..ang cool."

Ice cream ang babae kaya ang cool.

"Oh, ano? Sasama kana sakin?" Tanong ko.

"Oo. Sasama na ako. Ginanahan ako ng dahil sa babae na nakamotor." Sagot niya at napailing nalang ako.

Natamaan ng pana ni kupido si edward.

Nagtaxi kami patungo sa crisostomo street. Wala kaming masyadong nakikitang mga bahay. Pailan-ilan lang tapos puro mga puno pa. Napatingin ako sa likod. Paparating na naman 'yung babaeng nakamotor. Nilagpasan niya kami na parang speed of light sa bilis. Highway to hell ang ginagawa niya.

"Nakita mo 'yun?" Tanong ko kay Edward at tumango siya. Parehas kaming napailing.

"Dito na po ang sinasabi niyong crisostomo street." Sabi ni Manong driver

"Ah, sige po. Salamat." Sagot ko at iniabot na ang bayad.

Bumaba na kami ni Edward sa kotse. Tumambad sa aming mga mata ang full white na bahay. As in..white lahat. Walang ibang kulay kundi white.

Nagdoorbell kami sa bahay at habang naghihintay sa pagbubukas ng pinto ay inilibot ko ang aking mata. Maganda ang paligid. Puro puno. Payapa ang kapaligiran. Mga huni ng ibon lang ang maririnig mo. Napakalayo sa kabihasnan.

Maya-maya'y binuksan na ang pinto and look who is she..'yung babaeng magaling magmotor.

"So, kayo ang sinasabi ni Kuya na pupunta dito. I'm sesshi." Sabi niya at inilahad ang palad samin

"Kerra.." sagot ko tapos nakipagshakehands

"Edward." Sabi ni Edward at nakipagshakehands din.

Pumasok na kami. Bakit, parang ang dumi? Maalikabok? Umubo ako.

"Okay ka lang?" Tanong ni Edward at tumango ako

"Sorry kung madumi. Si Kuya kasi..hindi marunong maglinis. Pwede niyo ba akong tulungan..na maglinis dito?"

"Sorry ulit..hindi ko kasi kayang linisin mag-isa ito. Si kuya may binabantayan. Problema ko pa nga..wala akong kasama mamayang gabi." Dagdag pa niya.

"Sige..tutulungan ko ikaw maglinis." Sagot ni edward. Itinaas ko ang isa kong kilay sa kanya. Siniko niya ako.

"Maalikabok. Baka hikain ka. Wag ka ng tumulong. Sa labas kana muna magtahan." Edward

Kung sa bagay, tama siya. Baka mamatay pa ako ng dahil sa alikabok. Wala pa naman akong dalang nebulizer.

"Marunong ka bang magluto?" Tanong ni sesshi sakin. Hindi ako marunong magluto.

"Ah, oo. Marunong ako." Sagot ko. Binigyan ako ni Edward ng weh-di-nga? Tingin. Alam niyang hindi ako marunong magluto.

"Ikaw nalang sa kusina tapos..kami ni edward ay dito maglilinis." Sesshi

Tumango ako. Nagtungo na ako sa kusina. Siguro, umaapaw ang kasiyahan ni Edward ngayon kasi ang babaeng hinahangaan niya ay kasama na niya ngayon.

Huminga ako ng malalim. Paano ba magluto? Si Kuya Junn kasi ang nagluluto sa bahay. Kapag late siyang umuwi, umo-order nalang ako sa labas.

Tiningnan ko ang mga pinamili niya. Hindi pamilyar sakin ang mga ingredients na binili niya. Paano ba 'yan? Hay naman. Naupo ako sa sink at nag-isip kung paano sisimulan ang pagluluto. Bahala na nga.

Naghiwa na ako ng bawang, sibuyas, at kung ano-ano pa. Iginisa ko na ito. Manok nalang ang lulutuin ko. Ito lang ang pamilyar sakin e. Ilang oras din ay natapos na akong magluto. Nagsaing naman ako. Iniwan ko muna ang sinaing. Sinilip ko sina edward..masaya naman sila. Mukhang enjoy sa paglilinis.

Tiningnan ko ang mga nakadisplay sa living room hanggang sa makapunta na ako sa kwarto ni kerk. Lumapit ako sa kanyang kama. Umupo ako doon at napansin ko ang picture niya na nakapatong sa side table.

May kasama siyang babae. Nakaakbay si kerk dito at mukhang masayang-masaya silang dalawa. Sa nakita ko ay parang may kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Parang ang dugo ko ay naging buo. Bigla akong nakaramdam ng lungkot.

++++++++++

The Last Day of Summer [SMTS Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon