February 5, 1997
Minamahal kong Terra,
Malapit na ang araw ng mga puso. May kadate kaba sa araw na 'yun? Kung wala..pwedeng ako nalang? Nung isang taon kasi, malungkot ako nung valentines. Pagpasok ko sa school may nakita agad ako na magcouple na magkahawak ang kamay, pagpasok ko naman sa room ay naabutan kong hinaharana ng friend ko ang nililigawan niya, pagpunta ko naman sa cafeteria ay may mga lalaking nakahanay, may nakasulat sa likod nila at magpopropose ata, pagupo ko naman sa bench ay may tumabi saking magsyota na nakacouple shirt, umalis ako kasi nakakahiya, at nung lunch break namin, may nakasabay akong magcouple na nagsusubuan, nawalan ako ng gana at pagpasok ko ulit sa room, lahat ng mga kaklase ko nasa kanya-kanyang partner at pag-uwi ko naman sa bahay, si mama at papa ang sweet.
Naniniwala naman ako sa forever ah pero..inaasar yata ako ng tadhana. Kung saan ako pupunta ay may magkasintahan akong nakikita. Inggit at inis ang nararamdaman ko noong panahon na 'yun. At ngayong taon, I was hoping na maging kadate ka. Okay lang kahit hindi ka pumayag, nagbabaka sakali lang naman ako. Dalawa lang naman 'yan e, oo at hindi pero kung gusto mo akong makita, papayag ka at kung hindi naman..
Kalimutan mo na nga mga sinasabi ko. Ge. Itapon mo na mga sulat ko. Ang kokorny kasi.
Junn
Ubos na ang kapeng aking iniinom ko kaya't tumayo ako at lumabas para bumili ng kapeng maiinom at pagbalik ko..nakita ko si Nancy na nakatayo habang binabasa ang sulat na iniwan ko sa sofa.
"Junn?" Kunot-noo niyang tanong sakin.
"Hindi mo sinabing pupunta ka..binilhan ko na din sana ikaw ng kape." Sagot ko pero sa sulat pa rin siya nakatingin.
"Junn Fortez?" Tanong niya ulit.
"Dati niyang kasintahan.." sagot ko at napatingin naman siya kay terra. Parang gulat na gulat siya sa sinabi ko.
"ahh.." sagot niya atsaka umupo sa sofa.
"Alam mo kung ano ang magiging lagay ni Terra paggising niya. Ang dati ang kanyang maaalala tapos ako? Basura.."
Umupo ako sa tabi niya habang hawak-hawak ang kapeng binili ko.
"Bakit na sayo ang mga sulat niya?"
"I don't have any idea what probably she had in her past..I found that letter in her room last saturday. Kinuha ko at binasa..para naman may idea ako kung ano ang meron sa nakaraan niya."
"Ahh..So, marami ka ng nalaman sa nakaraan niya?"
"Kokonti pa..hindi ko pa kasi nababasa lahat ng sulat."
"Ah."
Sandaling katahimikan ang bumalot sa pagitan namin.
"Labas na ako. Maaga pa akong uuwi kasi magcecelebrate pa kami ng graduation ni kerra."
"Bye." dagdag pa niya atsaka tuluyan ng umalis ng kwarto.
* * *
Naghihiwa ako ng mga samya na ilalagay ko sa aking lulutuin. Dinig ko ang pagbukas ng pinto at si Junn ang iniluwa nito. Ngumiti ako sa kanya. Lumapit naman siya sakin at hinalikan ako sa noo.
"Junn.."
"Hmm?"
"Sino si terra?" Tanong ko at humarap sa kanya. Hindi siya makatingin ng diretso sakin..kasi nga hindi niya sinabi ang tungkol kay Terra. Kung hindi ko pa nabasa ang sulat at kung hindi pa sinabi ni Kerk ay hindi ko malalaman na ex niya si terra. Wala naman kaso sakin na si Terra ang ex niya, ang sakin lang. Bakit hindi niya sinabing nagkagirlfriend na siya dati. Kung sa bagay, I don't have the right to know his past.
Umupo siya sa sink at tumabi naman ako sa kanya.
"Terra Kumiko.." he said as a wide smile drew to his face.
"She is my first love. Nagkakilala kami nung highschool palang kami."
Huminga siya ng malalim.
"Matagal na 'yun..wag mo ng balikan pa. Nakaraan ko nalang siya. Ayaw ko ng balikan ang nakaraan..masakit nancy. Masakit." Dagdag pa niya.
Lumakad na siya patungo sa pintuan ng kanyang kwarto subalit tinawag ko ulit siya..
"Mahal mo pa ba si terra?"
Matagal bago siya sumagot pero sa huli..
"Hindi na." Sagot niya at tuluyan na siyang pumasok sa kanyang kwarto.
Hindi ako kampante sa sagot niya. Para bang, nagbigay 'yung prof mo ng grade na mataas pero hindi mo maappreciate ang ginawa niya. Parang ang sagot niya, malayo sa tunay na dapat niyang isagot.
Nagpatuloy na ako sa pagluluto at maya-maya'y dumating na din si Kerra at Edward.
"Andito na po ba si kuya?" Tumango ako. Ngumiti lang si kerra sakin at nagdiretso silang dalawa sa sala.
Katulong ko sa paghain ng mga pagkain ang dalawa at pagkatapos, tinawag ko na si Junn para kumain. Pumasok ako sa kanyang kwarto at nakita ko siyang nakahiga pero ang kanyang mga mata ay nakatingin sa ceiling ng kanyang kwarto.
"Junn.."
Tumingin siya sakin.
"Hindi ka ba nagagalit sakin?" Umiling-iling ako.
"Kapag nagising na si Terra..ipapakilala kita."
Ngumiti ako sa kanyang sinabi.
"Matagal ko ng kilala si Terra..ako ang nag-aalaga sa kanya sa loob ng dalawang taon sa hospital."
Hinigit niya ako papunta sa kanya kaya kulong na ako sa kanyang yakap.
"Naghihintay ang dalawa..baka gutom na sila. Tumayo ka na diyan."
"Salamat sa pag-aalaga sa kanya." Sagot niya atsaka pinakawalan na ako. Tumayo na ako at iniwan siyang nakahiga pero maya-maya'y sumunod na din siya.
Kinuha ko ang gift ko para kay kerra. May gift din ako para kay edward. Ibinigay ko na ito sa kanila at sabay nila itong binuksan.
"Wow! Thanks ate!" Masaya niyang sabi.
"Thank you po." Sabi naman ni edward.
"Wishing bottle ang iniregalo ko kasi..hindi lahat ng plano mo ay umaayon sayo. Kailangan mong iwish na sana maganda ang kakalabasan ng iyong plano. Hindi din palaging dapat laging ikaw ang masaya. Kailangan mong iwish na maging okay kana at hindi mo alam kung ano ang mangyayari sayo sa future. Kailangan mong iwish ang gusto mong mangyari sayo sa future. So, isulat niyo sa papel ang wish niyo then ilagay sa loob ng bote. Pagkatapos kalugin para umilaw ang bolang nasa loob at pagkatapos..magkakatotoo na ang wish niyo. Wish for the better." Sabi ko atsaka kinalog-kalog nila ang boteng hugis heart na nasa loob ng kahon. Ngumiti lang sila sakin.
Wish kong mawala ang ala-ala ni Junn kay terra.
+++++++++++
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover