Chapter 73

501 25 5
                                    

A/N: Hindi ko pa nae-edit 'to basta update nalang agad, inaantok na kasi ako hahaha puyat kakanood sa Thai series. Mamaya ko nalang eedit kapag nagising ako HAHAHAHA.

Hindi ko din alam kung maayos 'tong chapter na 'to, lutang ako habang nag susulat HAHAHA.

Krisha's pov

“Ayan! Ligo pa kayo sa ulan, ha? Ulitin niyo pa para sa susunod sa ospital na diretso niyo!” OA na sermon ni kuya Josh habang nilalapag 'yung isang basong tubig sa table malapit sa kama ko.

After namin maligo ni Justin sa ulan ng gabi, nilagnat kami pareho pero mas malala ata 'yung akin dahil gumaling din naman agad si Justin pero may ubo't sipon parin siya. Nasa tabi ko siya ngayon habang hinahaplos ang kamay ko habang sabay kaming nakikinig ng walang tigil na sermon ni boss Josh.

“Ano ba kasing pumasok sa utak niyo at gabi niyo pa naisipang maligo sa ulan, ha?!” tanong niya at sinamaan kami ng tingin.

Napayuko ako. Katakot din pala magalit nito. Kapag nag sasalubong ang makapal niyang kilay, nagiging kamukha niya yung sa angry birds.

“Gabi kasi umulan kaya gabi kami naligo.” sagot ni Justin at tumawa ng mahina.

Pati ako ay natawa dahil sa pambabara niya. Hindi man lang siya natakot kay kuya Josh. Parang mas matanda pa si siya, e.

Sasagot pa sana si kuya ng bumukas ng pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si mama na nakataas ang kilay.

“Josh Cullen, itigil mo na 'yang panenermon sa dalawa. Hanggang baba ay rinig 'yang panenermon mo, hindi na mababago ng sermon ang nangyari! Bumaba kana at kumain, hayaan mo muna mag pahinga 'yang dalawa na 'yan!” ani mama bago isinira ang pinto at umalis.

Sabay kami ni Justin na tumingin kay kuya Josh na masama parin ang tingin saaming dalawa. Alam kong nag aalala lang siya dahil nag kasakit kami ni Justin sa pag ligo namin sa ulan kagabi kaya hindi ko siya masisisi kung nagagalit siya ngayon pero wala akong pinag sisihan sa ginawa namin ni Justin na pag-ligo sa ulan kasi nag enjoy naman kami pareho at parang bumalik kami sa pag-kabata.

“Hindi pa tayo tapos, ha. Mag uusap ka tayong tatlo kapag gumaling na kayo, sa ngayon mag pahinga at mag pagaling muna kayo.” huminga ng malalim si kuya Josh bago nag lakad palapit sa pinto.

Nang masigurong wala na si kuya ay hinawakan ko ang kamay ni Justin na kanina pa pinag lalaruan ang kamay ko.

“Sorry, pati ikaw nasermunan.” halos pabulong na sabi ko.

“Ayos lang, sanay na ako masermunan ni Josh.” tumawa siya.

Sabagay, mas matagal na silang mag kasama ni kuya kumpara saakin, hindi na ako mag tataka kung lagi siyang nasesermunan ni kuya Josh staka mukhang sanay na sanay na siya dahil wala lang sakaniya 'yun.

Hindi ako nag salita. Nakatitig lang ako sakaniya habang tumatawa siya. Ansarap niyang panoorin habang tumatawa, wala na akong ibang gusto kundi ang makitang masaya si Justin.

“B-bakit?” tanong niya ng mapansing nakatingin ako sakaniya.

Umiling ako at ngumiti bago pinilit umupo. Agad naman akong tinulungan ni Justin sa pag upo at nilagyan pa niya ng unan ang sasandalan ko.

“May gusto kaba kainin?” tanong niya.

Napaisip naman ako. May gusto ba akong kainin?

Napatingin pa ako sa kisame habang nag iisip kung anong gusto ko kainin. Kanina pa din kumakalam ang sikmura ko at isa lang ang gusto kong kainin sa ngayon..

Gusto ko ng ice cream!

“Meron. Ice cream!” mabilis na sagot ko habang nakangiti.

Agad namang sumama ang tingin ni Justin saakin na parang may mali sa sinabi ko. Ano bang kinagagalit nito? E, siya nag tatanong kung anong gusto ko kainin. Sinagot ko lang naman.

Nanatili lang ang tingin ko sakaniya ng bigla niyang hinampas pa ang kamay ko.  Halos mangiyak-iyak naman akong napatingin sakaniya habang hinihimas ang kamay kong hinampas niya. Masakit 'yun!

“Nilalagnat ka tapos gusto mo pa ng ice cream? Gusto mo ba mas lumala sakit mo?!” inis na tanong niya.

Napasibangot ako pero hindi din nag tagal ay napangiti ako. I can't help but to smile. Ang cute cute niya mainis at magalit. Pero gusto ko talaga ng ice cream tapos chocolate flavor!

“'Wag ka ngumiti diyan, mukha kang kambing.” pang aasar niya at tumawa ng malakas.

Sinamaan ko siya ng tingin pero imbis na tumigil ay mas lalo lang lumakas ang tawa niya. Bwisit talaga! Kung wala lang talaga akong sakit kanina ko pa sinapak 'tong lalaking 'to. Anlakas mang asar palibhasa alam niyang hindi ako makakaganti dahil nilalagnat pa ako.

Hinayaan ko nalang siya tumawa ng tumawa, kusa din naman siyang tumigil kaya nabigyan ako ng pag kakataong makapag salita.

“Jah, dika pa ba uuwi?” tanong ko at tumingin sa bintana ng kwarto ko, wala ng ulan.

“Hindi, bakit? Gusto mo naba ako umuwi?” tanong niya at umayos ng pag kakaupo.

Umiling ako, “Hindi...hindi ganon, nag aalala lang ako kasi baka hinahanap kana nila sa bahay niyo.”

Totoo naman, e. Kagabi pa dito si Justin at baka hinahanap na siya sakanila. May ubo't sipon pa naman siya.

“Tinawagan na sila ng daddy mo at sinabing dito muna ako hanggang sa gumaling ka.” ngumiti siya, “Pumunta din si kuya Yani dito kanina at dinalahan ako ng damit, kaya 'wag kana mag alala diyan. Mag pahinga nalang para gumaling ka agad.”

Tumango nalang ako at nag pilit ng ngiti sakaniya, ngumiti siya pabalik at inalalayan ako hanggang sa makahiga ako sa kama ko. Inayos niya 'yung kumot ko bago tumingin saakin, ginawa niya ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang inaalala ang nakaraan namin 10 years ago, ganitong-ganito din siya tuwing nag kakasakit ako. Ayaw niya umuwi hanggat hindi nasisigurong maayos na ang pakiramdam ko. Ayaw din niya umalis sa tabi ko hanggat hindi ako nakakatulog at nakakapag pahinga. Hindi parin talaga siya nag babago.

Ngumiti siya at hinimas ang buhok ko, 'yun ang madalas niyang gawin tuwing andito siya kapag may sakit ako, sa ganoong paraan kasi nakakatulog ako agad.

Hindi ko alam na gagana pa pala 'tong nakasanayan niyang gawin saakin dahil 10 years na din ang nakakalipas ng huli niya 'tong ginawa. Naramdaman ko ang pag bigay ng talukap ng mata ko. Inaantok na ako. Muli siyang ngumiti at pinag patuloy ang ginagawang pag himas sa buhok ko bago nag salita.

“Matulog kana. Kailangan mo mag pahinga para gumaling ka agad.” he smiled, “Dito lang ako, babantayan kita.” he kissed my forehead.

I smiled back before I close my eyes and fell asleep.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now