Chapter 69

554 19 7
                                    

Krisha's pov

Panay ang iwas saakin ni Bea this past few days dahil sa naamin niya na gusto niya si Stell. Nitong mga araw din ay andito 'yung lima saamin dahil wala na silang masyadong schedule.

Pinag mamasdan ko lang si Justin na nilalagyan ng kabundok na kanin at ulam ang plato ko. Napanguso ako. Nangako ako sa sarili kong hindi na ako kakain ng marami dahil pakiramdam ko at tumataba na ako pero si Justin, gusto ata talagang tumaba ako.

“Jah, andami na!” mahina pero madiing bulong ko.

Napatingin siya saakin at sa plato ko bago ngumiti. “Ayos lang 'yan, ubusin mo 'yan ha? Para naman hindi ka nag mumukhang walis tingting baka sabihin pa ni Josh kinakawawa kita.” ngumisi siya.

Hinampas ko siya sa braso niya bago unti-unting sinimulan kumain. Mag kakasama kaming kumakain ngayon dito sa hapag, sayang nga lang at wala pa si Trisha bukas pa daw kasi ang uwi niya. Hindi ko alam kung maeexcite ako o matatakot knowing that she has a crush on Justin which is my boyfriend at isa pa, Ken has a crush on her. Ang komplikado.

“Kelan kasal?” biglang tanong ni Sejun dahilan para masamid ako.

Uminom ako ng tubig bago tumingin sakanila na nakangisi habang nakatingin kay Justin. Oh, si Justin pala kausap. Hindi ko nalang pinansin ang tanong ni Sejun at muling kumain habang hinihintay ang isasagot ni Justin. Mukhang hindi naman niya sasagutin 'yung tanong ni Sejun dahil kelan lang kami nag kabalikan-

“Kung pwede nga lang e, ngayon na.” sagot ni Justin at uminom ng tubig.

Okay, nevermind. Sinagot nga niya 'yung walang kwentang tanong ni Sejun.

“Seryoso Jah, may balak ka talaga pakasalan 'yang kapatid ko?” taas kilay na tanong ni kuya Josh.

Okay, so bakit nila pinag uusapan ang kasal? I mean, kelan lang kami nag kabalikan ni Justin at kasal agad iniisip nila? My god.

“Seryoso nga ako. Mukha ba akong nag bibiro?” tanong ni Justin sa seryosong mukha. “Sinabi ko na noon pa na mahal ko si Krisha, ngayon sasabihin ko ulit sa harap niyo. Mahal ko si Krisha okay? Hindi ako mag hihintay ng sampong taon kung hindi ko siya mahal. Sigurado ako sakaniya. Sigurado ako na siya ang gusto ko pakasalan at magiging ina ng magiging anak ko..namin. Alam niyo ang nangyari saakin noong iniwan niya ako, lalo kana, Josh. Ikaw ang karamay ko noon, alam mo kung gaano ko kamahal 'tong kapatid mo. Handa ako ipag sigawan 'yun sa mundo. Pag uwi ng mommy at daddy niyo hihingiin ko agad kamay nito.” mahabang tugon niya at tinuro pa ako.

Hindi ako makapag salita dahil sa sinabi niya. Mag kahalong saya, gulat at takot ang nararamdaman ko. Masaya dahil alam kong mahal ako ni Justin at sigurado siyang ako 'yung babaeng pakakasalan niya. Gulat dahil nakaya niya 'tong sabihin sa harap naming lahat. Takot dahil kay Trisha. Trisha has a crush on Justin at kahit sabihing crush lang 'yun ay alam kong masasaktan siya, ayoko saktan ang kapatid ko.

“Anong hihingiin agad ang kamay ng anak ko?”

Sabay sabay kaming nag angat ng tingin sa kapapasok palang na si daddy at mommy dito sa kitchen. Kumalabog ng malakas ang puso ko dahil hindi ko inexpect na ngayon sila uuwi at mas lalong nakapag palakas ng kabog ng dibdib ko ay narinig nila ang sinabi ni Justin!

“Mom, dad!” sigaw ko at lumapit sakanila para yakapin sila.

“Patay ka Jah,” rinig kong mapang asar na bulong ni Ken kay Justin na siyang katabi nito sa kanan niya.

“T-tito, tita magandang tanghali po.” bati nila at tumayo.

Sinenyasan sila ni Dad na maupo kaya 'yun ang ginawa nila, bumalik naman ako sa upuan kong katabi ni Justin na nakatingin ngayon kay daddy. Wala kang mababakas na takot o kaba sa mukha at mata niya. Parang desidido talaga siya sa sinabi niya kanina.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now