Chapter 80

544 17 2
                                    

Krisha's pov

I woke up when my phone rang so I immediately looked at who was calling and it was Justin so I immediately answered it.

"Good morning, loveeee!!" He excitedly greeted me.

"Good morning din. Ang aga mo naman tumawag anong meron?" Tanong at muling pumikit dahil inaantok pa talaga ako.

It's 7 AM in the morning palang kaya naman antok na antok pa ako.

"Where's the love?" He asked kaya natawa ako.

"Clingy naman. Okay I'll repeat it nalang." I laughed, "Good morning, love." Pag-uulit ko at muling tumawa dahil naiimagine ko na ang mukha niyang nakangiti at kinikilig.

"Ayan, ganyan dapat para araw-araw maganda ang umaga ko." Tumawa siya.

"Back to the topic, bakit ang aga mo tumawag? It's 7AM palang love."

"May practice kasi kami love kaya maaga ako gumising para mamaya." He answered kaya kumunot ang noo ko.

Wala akong matandaan na may ganap sila ngayon.

"Huh? Practice? Para saan?" nag tatakang tanong ko. Wala talaga akong matandaan.

"Huh? Nakalimutan mo?" tanong niya, hindi ako sumagot dahil wala naman talaga akong maalala kaya muli siyang nag salita. "May concert kami mamaya love, you said you will come their to support me." halata sa boses niya ang pag tatampo.

Shocks I can't believe that I forgot about their concert today. Ano bang ginagawa mo Krish!

Agad akong bumangon sa pag kakahiga at tumingin sa calendar na bigay ni Justin. May marka iyon na kulay red at nakasulat sa ibaba nito ay "SB19 concert".

Napabuntong hininga nalang ako at nasampal ang sariling noo. Bakit ba sa dinami-rami ng pwedeng makalimutan, ito pa? Ito pang pinaka-importanteng araw para kay Justin at sa grupo nila. Jusko.

"Hey, love." pag tawag ko sakanya dahil hindi siya umiimik.

Galit ba siya?

"Hmm?" He murmured kaya napakagat nalang ako sa ibabang labi ko.

"Hey, I'm sorry. Akala ko kasi bukas pa 'yung concert." mahinang sabi ko.

Ilang minuto siyang hindi kumibo kaya nag salita nalang ulit ako.

"Love? Are you mad? I'm really sorry naging busy lang ako kaya hindi ko namalayan na ngayong araw 'yung concert niyo pero promise pupunta ako. I'm really sorry love please don't get mad at me." Mahinang wika ko dahil kinakabahan talaga ako.

He didn't talk. Nanatili siyang tahimik kaya mas lalo akong kinabahan.

What if he's mad? What if hindi niya ako kausapin? What if ayaw niya ako makita mamaya sa concert? What if bigla siyang mag sawa? What if—

Naputol ang pag-iisip ko ng marinig ko siyang tumawa kaya mas lalong kumunot ang noo ko. What's funny?

"HAHAHAHA gagi love hindi ako galit ha." tumatawang sabi niya, para pa siyang mauubusan ng hininga dahil sa kakatawa.

I don't get it. Anong nakakatawa?

Hindi ako nag salita kaya tumigil siya sa pag tawa. "Hoy po! Hindi po ako galit. Medyo ano hehe medyo nag tatampo lang po kasi nakalimutan mo pero okay naman na 'yun nag sorry ka na e staka nag promise ka naman na pupunta ka mamaya kaya okay na." He said pero hindi parin ako umimik.

"Galit ka ba? Uy?" tawag niya. "Natawa lang ako kasi ang cute mo mag sorry staka you know naman na hindi ko po kayang magalit sayo staka marupok ako pag dating sayo, tawagin mo lang akong love kikiss kita agad." tumawa siya kaya napangiti ako.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now