Chapter 20

860 42 3
                                    

The picture

Krisha's pov

"S-si Justin ba ang ex mo?" Ken asked

Natigilan ako sa tanong niya at hindi nakapag salita agad, how the fuck they know? I looked at them and seryoso parin sila habang nakatingin sa isang photo book kung...kung nasaan ang mga picture namin ni Justin nung kami pa.

'My love' ang nakalagay sa cover page at may maliliit na hearts.

"Krisha" mahinahon na tawag ni Stell

Napatingin ako sakanila at seryoso parin ang mga mukha nila, nag aantay ng isasagot ko.

"Y-yes" I said at yumuko

Rinig ko ang pag buntong hininga nila bago tumawa ng malakas.

WTF? bakit sila tumatawa? Baliw ba sila?

"B-bakit kayo tumatawa?" I asked

"Grabe, nauto ka rin pala ni Justin" wika ni Stell

"Ang pangit mo dito Krish, bakit ka kaya nagustuhan ni Jah?" tanong ni Josh na nakatingin sa photo book kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Hayup ka!" sigaw ko

Tawa lang ang sinagot niya at tinignan muli ang photo book kung saan naroon ang mga ala-ala namin ni Justin sampong taon na ang nakakalipas. Speaking of Justin, tahimik lang siya habang nakayuko.

"Tahimik ka pre?" tanong ni Ken

"H-ha?" takang wika ni Justin

"Kuha lang akong ice cream" wika ko at lumakad patungo sa kusina

Nanguha nalang ako ng dalawang chocolate flavor ng ice cream at saktong pag harap ko ang pag pasok ni Justin sa kusina.

"A-ah, b-bakit?" utal na tanong ko

Kinakabahan parin talaga ako kapag dalawa lang kami.

"Gusto sana kita makausap" wika nito at napakamot sa batok

"Ah, sige. Ibibigay ko lang sakanila 'to" wika ko "sa garden nalang tayo mag usap, alam mo na yun"

Tumango lang siya at umalis habang ako dumiretso sa apat at binigay ang ice cream bago pasimpleng umalis, alam na ni Justin kung saan ang tinutukoy kong garden. Dalawa ang garden namin dito ang isa ay yung main garden talaga ng bahay at ang pangalawa ay ang secret garden naming dalawa ni Justin.

Hindi naman ako nag kakamali dahil nakita ko siyang nakaupo sa isang bench at sa tapat nito ay ang mga iba't ibang kulay na rose at isang fountain.

"Justin" saad ko dahilan para lumingon siya saakin "anong gusto mo pag usapan?"

Umupo ako sa tabi niya at nakatitig lang sa fountain, nararamdaman ko ang pag titig niya saakin kaya iniiwasan kong mapatingin sakaniya.

Ilang minuto din kaming natahimik at ang tanging maririnig lang ay ang huni ng ibon at ang tubig sa fountain.

"K-krish" saad nito

"Hmm?" tanong ko pero hindi parin nakatingin sakaniya

Natatakot akong baka pag tingin ko sakaniya hindi ko na mapigilan ang luha ko at ang sarili kong yakapin siya, lagi ko naman siyang nakakasama pero hindi na kami tulad ng dati, yes nag uusap kami pero saglit lang.

"Are you okay?" unang tanong niya

Tumingin ako sakaniya at nakitang nasa butterfly na ang tingin niya.

"Oo naman, bakit mo natanong?" I asked

Umiling lang siya at ngumiti ng kaunti kaya natahimik nanaman kami, pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.

"May sasabihin ka pa ba?" tanong ko "baka hinahanap na tayo sa loob"

Kanina pa kasi kami dito at iniwan ang apat ng walang paalam habang kumakain ng ice cream. Hindi siya nag salita at nasa butterfly lang ang tingin kaya napabuntong hininga nalang ako at akmang tatayo na ng mag salita ito.

"Naaalala mo pa ba yung mga butterfly na inaalagaan natin noon?" tanong niya

Napatingin ako sakaniya at naupo muli sa tabi niya. Naaalala ko noon na nag pahuli kami ng mga butterfly at nilagay dito sa secret garden namin, kami rin ang mga nag tanim ng mag rosas at iba pang bulaklak dito para sa mga butterfly, may mga puno din kung asaan ang mga ibon. Itong garden na 'to ay ang regalo niya saakin noong first anniversary namin, napaka sayang ala-ala.

"Ang dami na pala nila" wika niya

"Oo nga" sagot ko

Napatingin ako sakaniya ng tumayo siya at pumunta sa isang puno, sa puno kung saan nakaukit ang pangalan naming dalawa na pinang sama, KrishTin.

***

"Happy first anniversary love" masiglang wika ni Jah pag ka alis ng palad saaking mata

"Waaah, ang ganda dito Jah" saad ko at tumingin sa paligid

Simple palang ang lugar, may mga puno at kaunting bulaklak at may isang fountain sa gitna, sa tapat nito ang isang bench kung saan niya ako pinaupo at inakbayan.

"Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo?" tanong niya

"Oo naman, ang ganda Jah" saad ko at tumingin sakaniya "Happy anniversary, I love you"

"I love you too"

Napapikit ako ng maramdaman ang pag dampi ng malambot na labi ni Justin sa noo ko at niyakap ako.

"Lika" wika niya at tumayo

Nilahad niya ang palad niya at agad ko namang tinanggap at nag lakad patungo sa isang puno na may nakapalibot na mga bulaklak.

"Ano gagawin natin dito?" taka kong tanong

Ngumiti lang siya at may nilabas na isang bubog kasabay ng pag ukit niya sa puno, hindi ko makita ang inuukit niya dahil hinarangan niya ito dahilan para napanguso ako. Natapos naman agad siya sa ginagawa niya kaya tumingin siya saakin at ngumiti bago dahan-dahang umalis dahilan para makita ko ang nakaukit sa puno.

KrishTin!

**

Naramdaman ko ang pag tulo ng luha ko sa ala-ala na pumasok sa utak ko, mga ala-alang malabo ng bumalik sa dati, mga ala-alang sa isip ko nalang maalala. Agad kong pinunasan ang luha ko ng mapatingin siya sa gawi ko.

"Good old days" wika niya at ngumiti

"Bakit mo ba ginagawa 'to?" tanong ko

"Huh?" takang tanong niya

"Bakit mo pilit inaalala ang mga nakaraan nating hindi na mababalik sa dati?" tanong ko kasabay ng pag tulo ng luha na kanina ko pa pinipigilan

Napatingin ako sakaniya at nawala ang ngiti sa labi niya napalitan ito ng lungkot.

"Hindi na ba talaga babalik sa dati?" tanong niya

Umiling ako at tumayo, aalis na ako dito, hindi ko kayang mag stay dito kasama siya, kasama ang lalaking dahilan bakit umiiyak ako at dito sa lugar kung saan saksi lahat ng pinag samahan namin.

Hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman ko ang kamay nitong nakayakap na saakin palikod, mas lalo akong nasasaktan.

"B-bitiwan m-mo na ako J-jah" nahihirapan na saad ko

Binitawan ako nito at ipinaharap sakaniya, doon ko lang nakita ang mga luhang kumawala sa mga mata niya na mas lalong nakakapag pabigat sa kalooban ko, hindi ko kayang nakikita siyang ganito.

"Krish" wika nito

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sakaniya.

"I-i want you back Krish"

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now