Chapter 40

811 40 21
                                    

Krisha's pov

Mag kahawak ang kamay namin ni Justin habang pabalik sa room namin, hindi namin pinapansin ang mangilang-ngilan na tumitingin saamin, masaya kami e pake nila.

Inalis ni Justin ang pag kakahawak sa kamay ko at muling humarap saakin and hugged me "Thank you for this day" bulong niya

Hindi ako sumagot at nanatiling nakayakap sakaniya when we heard a laughed inside our room, agad kumalas si Justin sa pag kakayakap saakin at binuksan ang pinto and we see them, nag tatawanan at nakapang tulog na.

Tumingin sila saamin ni Justin kaya lumapit ako sakanila at isa-isa silang binatukan.

"Para saan yun Krish? Masakit ha" daing ni Stell

"Akala ko ba nasa Anjo World Theam Park kayo kanina?" tanong ko, isa isa silang nag iwas tingin saakin, maski si Bea ay hindi makatingin saakin ng diretso "plinano niyo ba 'to?"

"H-ha? H-hindi ah" sagot ni Stell "a-ano kasi, umuwi na kami kanina agad"

"Tama, tama umuwi na kami agad kanina hehe" sabi ni Bea at nag peace sign

Inis ko silang tinignan bago nag walk out at papasok na sana sa kwarto ng marinig ang pang aasar nila kaya napahinto ako.

"Nag date kayo no, yieee!" sabay sabay na sigaw nila

I give them a death glare but they just laughed, inis akong pumasok sa room namin and sinarado ng malakas yung pinto.

Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto, nakita ko silang nag aayos na ng pagkain sa lamesa habang si kuya Josh naman ay kinakausap si Justin. Lumapit ako kay Ken na nakaupo at nanonood sa cellphone niya ng feeling ko anime nanaman, napatingin siya saakin at ngumiti kaya nginitian ko pabalik.

"Nakita mo ba si Trisha?" tanong ko

Hindi ko pa kasi siya nakikita simula nung dumating kami ni Justin, wala din siya sa kwarto.

"Trisha?" tanong niya, amp ambilis naman makalimot nito

"Yung kambal ko"

"Ah, sabi niya kanina dun daw siya matutulog sa kwarto ng mama niyo" sagot niya kaya tumango nalang ako, sakto namang nag aya na si Stell na kakain na kaya agad kaming pumunta sa kusina at kaniya-kaniyang kuha ng pagkain

"Matulog na kayo kapag tapos kumain" bilin ni Sejun "bukas ng 7:00am ang flight natin, kapag kayo hindi agad nagising bahala na kayo iiwan namin kayo"

Tumango nalang kami at hindi na nag salita, si Stell at Sejun ang nag hugas ng pinggan habang si Ken naman as usual nakaharap sa cellphone at nanonood, si kuya Josh at Justin ay nag uusap nanaman. Kanina pa sila nag uusap ah?

"Madami ka pang utang na kwento saakin" bulong ni Bea at nag pauna ng pumasok sa kwarto

Nag kibit balikat nalang ako at sumunod sakaniya pero bago ako makapasok sa kwarto sumulyap ako kay kuya Josh at Justin, tumingin sa gawi ko si Justin at ngumiti bago binalik ang tingin kay kuya Josh.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng kwarto namin, akala ko tulog na si Bea but I was wrong, nakatingin siya saakin habang nakaupo sa kama naming dalawa.

"Bakit?" tanong ko at umupo sa tabi niya

"Anong bakit, aba mag kwento ka!" sigaw niya "ano nangyari kanina?"

Tumingin ako sakaniya saglit at humarap sa pinto habang inaalala yung nangyari kanina saamin ni Justin, napangiti nalang ako.

"Hoy, anong nginingiti-ngiti mo diyan?" tanong niya kaya napawi ang ngiti ko

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now