Chapter 65

554 18 14
                                    

Krisha's pov.

Sabay-sabay kaming sumakay sa Van para makapunta na sa event nila. It's already 4:30pm in the afternoon and 5:10pm pa daw mag start 'yun. Pag punta namin doon ay mag papahinga nalang muna sila saglit dahil nakapag ayos naman na sila, they don't need to worry about their looks naman kasi gwapo na sila.

“You really don't want to tell me what happened that night,” Bea whispered just next to me.

I looked at her, “Tell what?” I asked.

The two of us just whispering, afraid they would hear what we were talking about.

“Jah's surprise to you.” madiin na bulong niya.

“Sinabi ko na kanina diba, sa manila nalang ako mag kwekwento.” muling bulong ko.

“Kapag 'yan nakalimutan mo pag balik natin sa manila, lagot ka talaga saakin!” she said before putting in her ear the earphones she had been holding earlier.

Tahimik lang kami ni Bea buong byahe dahil nanonood din siya ng kdrama sa cellphone niya habang yung apat nag lalaro ng bato-bato pick. Ken, as usual his watching anime on his phone nanaman.

Hindi nag tagal ay huminto na din 'yung van sa tapat ng isang mall. Nauna akong bumaba dahil ako ang nasa tabi ng pinto bago sumunod si Justin saakin, rinig na mula dito sa labas ang mga sigawan ng A'TIN na nasa loob na at nag aabang, yung iba naman ay namimili pa ng merchandise sa isang gilid kung saan andun ang ibang staffs na nag titinda.

“Dun tayo,” turo ni kuya Josh sa lalakaran namin.

Nakasunod lang kami ni Bea sakanila, gusto ko sana manood din kaso mukhang mag sstay pa kami ni Bea sa back stage dahil sinama nila kami dito. Buti nalang at wala kaming nakakasalubong na mga fans nila dahil baka mag kagulo lang we don't have a bodyguard pa naman ngayon dahil baka nag babantay na sila sa loob ng mall for the mall show ng boys.

“Gusto niyo ba manood?” Sejun asked Bea.

Bea looked at me before nodding. Sejun just smiled and nodded his head before heading to ate Rose na busy sa pag titingin sa schedule ng boys. Ate Rose stopped for what she's doing ng makalapit sakaniya si Sejun. Nakatingin lang kami ni Bea kay Sejun habang may binubulong siya kay ate Rose when ate Rose nodded her head before looking at us. Nag tinginan kami ni Bea because we don't have an idea kung anong pinag uusapan nilang dalawa.

“Sunod kayo saakin,” nakangiting sabi ni ate Rose bago nag pauna mag lakad.

Nag katinginan muna kami ni Bea bago sumunod kay ate Rose at doon ko narealize kung saan kami papunta. Andito kami sa entrance ng mall para pumasok at manood sa performance ng boys mamaya. Ate Rose just smiled at us bago umalis, naiwan kami ni Bea na mag katabi dito sa harap. May harang din sa harap namin na hanggang dibdib namin ang taas habang nakaupo naman sa mga monoblock sa harap namin yung family ng lima si teacher Hong at Tatang.

I didn't know na andito din pala ang family ng lima dahil wala naman silang nabanggit na pupunta din dito yung family nila, well except sa mommy namin ni kuya Josh dahil may inaasikaso sila ni daddy. I even saw Justin's family sa kabilang side, gladly they didn't see me. Wala pa akong mukhang maihaharap sa pamilya ni Justin after what happened years ago. Hindi naman daw sila galit dahil yung ginawa ko ay para rin kay Justin at sa pangarap niya pero hindi ko maiwasang hindi mahiya dahil sobrang ganda ng trato nila saakin noon tapos iiwan ko lang yung anak nila.

“Krish, diba kuya ni Justin 'yun?” Bea whispered.

Tumingin ako sa tinitignan niya at nakatingin siya kay kuya Yani who's now talking to ate Rose. I can see na close silang dalawa dahil nag tatawanan pa sila.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now