Chapter 52

731 36 8
                                    

Surprise

Krisha's pov

Natapos kaming kumain ng hindi malaman-laman ang pinag tatawanan nila kanina. Si kuya Josh hindi na kami pinansin at nag kulong nalang sa kwarto para mag laro daw ng COD niya.

Tanghali na ngayon at andito lang ako sa labas ng bahay habang nakatingin sa mga taong dumadaan sa tapat ng bahay nila Bea habang hinahayaang lipadin ng hangin ang buhok ko pero agad ding nabaling ang tingin ko ng umupo si Justin sa tabi ko na may hawak na juice at inabot saakin. Nag thank you ako at kinuha yon bago uminom at inilapag sa maliit na mesa.

"Bakit mag isa ka dito?" paninimula niya habang nakatingin sa labas na kanina ay tinitignan ko.

"Hindi na ako mag isa kasi kasama na kita" sabi ko at napatawa ng tumingin saakin si Justin ng nakanguso.

Sandali kaming natahimik habang nakatingin sa mga batang nag hahabulan sa tapat ng bahay nila Bea. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa dalawang bata dahil kambal sila. Siguro ay ganiyan din kami ni Trisha noon kung hindi siya nalayo saakin pero masaya parin naman ako dahil kasama ko na sila ngayon.

"Kung mag kakaanak tayo, anong gusto mong gender at ilan?" tanong bigla ni Justin kaya gulat akong napatingin sakaniya.

"Ano yun?" gulat kong tanong.

"Kung mag kakaanak tayo-- I mean ikaw pala, anong gender at ilan gusto mo?" sabi niya at napakamot sa batok.

"Hmmm, gusto ko talaga kambal tapos babae at lalaki" sabi ko at ngumiti.

Ewan ko ba bakit gusto ko kambal na anak. Siguro kasi maganda lang parang ang cute mag alaga ng kambal tapos mag kamukha pa diba?

Tumango siya at ngumiti kaya ako naman ang nag tanong "Ikaw ba? Ano gusto mo?" tanong ko.

"Ikaw lang gusto ko" sabi niya dahilan para mag init ang pisngi ko.

Bakit bigla-bigla 'tong bumabanat?!

"Yung anak kasi! anong gusto mong gender at ilan?" sabi ko at umiwas ng tingin.

Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko dahil sa hiya at kilig.

"Hmm, syempre yung kambal din alangan naman hindi tayo parehas ng anak diba? Mali yun! Dapat parehas tayo!" sabi niya at tumingin saakin sabay kindat.

Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko at umiwas ng tingin. Huminga ako ng malalim para maikalma ang sarili ko dahil ayoko man aminin ay kinikilig ako!

Natahimik kaming dalawa habang pinag mamasdan parin ang dalawang batang nag lalaro at nag hahabulan. Nang mawala sila sa paningin namin ay agad nag salita si Justin.

"Krish" tawag niya kaya napatingin ako sakaniya.

"Hmmm?"

"Labas tayo mamayang gabi" sabi niya at ngumiti.

"Andito na tayo sa labas e kaya bakit lalabas ulit tayo mamayang gabi?" nag tataka kong tanong.

Napa facepalm naman siya at umiling iling kaya mas lalo akong nag taka.

"What i mean is lalabas tayo, aalis ganon hindi yung dito lang tayo sa labas ng bahay nila Bea" sabi niya.

Ah! yun pala yun? Akala ko dito lang e sorry naman.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko, naeexcite ako ih.

"Basta, mag handa ka mamayang gabi" sabi niya kaya tinanguan ko nalang siya.

6:00pm daw kami aalis ni Justin kaya maaga akong nag ayos, nag tatanong pa si Bea kung saan ako pupunta pero hindi ko na sinabi dahil hindi ko din naman alam kung saan kami pupunta ni Justin. Dalawa lang kami ni Bea dito sa loob ng kwarto dahil si Trisha ay pinuntahan kanina dito ng kapwa niya model na kaibigan pala niya. Nung una nga ay ayaw siyang payagan ni kuya Josh pero dahil makulit si Trisha ay walang nagawa si kuya Josh kundi pumayag nalang.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now