Chapter 14

947 37 3
                                    

Mall

Krisha's pov

It's been a week since we came back from trip to South Korea. Si Bea naman ay laging nag papa kwento kung anong nangyari sa korea with SB19 and with my ex, Justin. Hindi ko naman masyadong sinasagot ang tanong niya since paulit-ulit nalang.

"So hindi kayo nag comeback?" tanong niya

I looked at her and rolled my eyes.

"No," seryosong sagot ko

"Bakit?"

Taka akong tumingin sakaniya "Anong bakit?"

"Bakit hindi kayo nag kabalikan? You've been together for one week" parang disappointed pang tugon niya

"And? You think one week is enough for us to come back?" tanong ko, she didn't talk "Bea, 10 years kaming nag hiwalay and you think that one week in Korea are enough? Ni hindi pa nga kami nakapag usap ng maayos"

I lied, nakapag usap na kami ni Justin. Ayoko ikwento kay Bea dahil alam kong magagalit siya dahil gusto daw niya kaming mag balikan ni Justin dahil nga ship daw niya kami at saka I told Justin na na hindi na kami babalik sa dati, I want him to achieve his dream with his co-members and their fans.

"I think one week is enough, Krish"

Whuuut?! Seriously?

"Bakit mo nasabi?" I asked

"Yung iba nga diyan wala pang isang araw na nag break sila ng jowa niya kinabukasan sila na ulit" she explaine

"You think I'm that marupok na makikipag balikan agad?"

He looked at me and started laughing, I really don't get it kung bakit siya tumatawa. Wala namang mali sa sinabi ko diba? Hindi naman ako marupok gaya ng iba, tulad nung nag babasa.

"Hina mo naman" wika niya pag tapos tumawa

"What?"

"Wala, I'm bored. Mall tayo?"

Tumango nalang ako dahil bored narin naman ako, gusto ko rin gumala ngayon since wala parin naman si daddy nasa business trip parin siya. Akala ko sanay na akong wala siya sa tabi ko kaso hindi, I always look for him, I want to have a father and daughter time kahit ilang hours lang.

Nag pahatid nalang kami kay kuya Roel at pinauwi rin agad, gusto namin makapag bonding ngayong dalawa ni Bea since malapit na ang Christmas at mag hihiwalay nanaman kami dahil malamang ay pupunta sila sa ibang bansa to celebrate Christmas na lagi nilang ginagawa, I hope my father has a plan this coming Christmas.

"What do you want to eat?" tanong ni Bea habang nag lalakad kami papasok sa mall

Talamak na rin ang mga nag titinda ngayon ng Christmas decorations and trees since Christmas is coming na nga. I want ice cream sana kayo malamig at mas lumamig pa dahil sa aircon ng mall.

"Pizza nalang siguro"

Tumango lang si Bea at nag lakad na kami sa pizza hunt, we ordered two pizza na akala mo mauubos talaga namin ng kaming dalawa lang, actually palakain kami ni Bea pero hindi naman naaapektuhan ang pangangatawan namin.

"You want something else?" tanong muli nito habang hinihintay namin ang order

"No, I'm fine" sagot ko at sakto namang pag dating ng pizza and drinks namin

Kakagat palang sana ako ng pizza ng may mapansin sa di kalayuan sa pizza hunt na papalapit saamin, hindi napansin ni Bea ang pag tingin ko sa labas dahil busy siya sa pag kain. I just looked at them at inaaral ang mukha actually their eyes pala dahil naka face mask sila, parang kilala ko sila e.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now