Prologue

2.7K 72 9
                                    

Krisha's pov

"Anong pinapanood mo d'yan?" tanong ko kay Bea na busy sa panonood sa laptop n'ya

"Kilala mo yung SB19?" tanong nito

"Ah, no. Why? what about them?" tanong ko habang umiinom ng juice

"Sikat sila ngayon e, I saw them in twitter, trending. Nag search ako about sakanila and Ppop boy group sila na may limang member, sila Ken, Stell, Josh, Sejun and Justin"

Nasamid naman ako dahil sa huling pangalang sinabi nito.

"Hey, are you okay?" tanong nito habang kumukuha ng tissue

Tama ba ang narinig ko? Justin? Oh wait marami naman Justin sa mundo right? baka hindi s'ya yon. Tama hindi siya yon, wag ka mag overthink self.

"Anong buong pangalan nila?" tanong ko muli habang pinupunasan ang natapon na juice sa legs ko

"Ah, wait" saad nito bago nag search muli "Ken Suson, Stell Ajero, Josh Cullen Santos, Sejun Nase and Justin de Dios" pag babasa nito

Napatigil naman ako sa pag pupunas ng mapag tantong tama nga ang hinala ko, shit!

"P-patingin nga nung picture nung Justin" nakatulalang sabi ko

"Here," abot nito saakin

Kinakabahan naman akong tumingin dito. Napatakip nalang ako ng bibig, tama nga ang hinala ko, si Justin nga.

Naramdaman ko nalamang na tumutulo na ang luha ko habang nakatingin sa picture n'ya, sa picture ng lalaking mahal ko. It's been ten years pero andito parin yung sakit, akala ko nakalimutan ko na s'ya pero mali ako. Umalis ako ng pilipinas para makalimutan siya, akala ko okay na ako, pero hindi pa pala.

"H-hey, bakit ka umiiyak? are you okay?" nag papanic na tanong ni Bea

"Si Justin" saad ko

"Bakit? Anong meron kay Just--- Omygosh" napahawak ito sa bibig at gulat na gulat "Don't tell me, siya ang ex mo?"

Hindi pa nakikita ni Bea si Justin, nag kakilala lang naman kami sa Korea dahil doon ako nag aral. Kinukwento ko lang sakaniya si Justin, nakita naman na niya ito sa picture pero hindi niya agad ito namukhaan dahil malaki ang pinag bago ni Justin. Mas naging mature ang itsura nito ngayon.

Hindi ko akalain na ganoon kalaki ang pinang bago niya sa sampong taong hindi kami nag kita, mas tumangkad at gumwapo ito ngayon. Inalis na din niya ang brace niya at feeling ko ay nag ggym din s'ya dahil umayos ang pangangatawan niya.

Napabuntong hininga na lamang ako bago tumango kay Bea na hanggang ngayon ay gulat na gulat parin.

"Omygosh girl, hayop ka ang gwapo ng ex mo" sigaw nito at pinang hahampas ako

"Yah, stop it masakit" pigil ko dito habang pinupunasan ang luha

"Bakit mo pa pinakawalan? tanga mo ha!" wika nito kaya binatukan ko siya

"Kung hindi ko siya pinakawalan noon hindi siya kasali diyan, pangarap niya ang makapag perform at kumanta kaya sino ba ako para ipag damot sakaniya yung pangarap na hinahangad niya diba?" tanong ko habang nakatingin sa laptop niya

"Hindi mo nakwento yan, pero tama ka naman. Gusto mo manood ng video nila?" tanong nito kaya tinanguan ko nalang

Plinay naman niya ang performance nito sa Myx yung 'Bakit ba ikaw', I must say na sobrang galing nila lalo na yung isa diko alam name niya. Malaki din pinag bago sa boses ni Justin, mas gumanda ito. Next naman naming pinanood ay yung music video nila na ALAB (burning), hindi na talaga ako mag tataka kung bakit sikat na sikat na sila ngayon, maganda ang mga kanta nila at hindi ko maitatangging sobrang galing nila.

Nang matapos manood ay umakyat na ako sa kwarto para maligo, hindi ko alam kung anong mararamdaman mo dahil finally natupad na ni Justin ang pangarap niya. Sobrang saya ko para sakaniya dahil alam kong gustong gusto talaga niya ito.

"Krisha, gusto mo makita ex mo?" tanong nito pag labas ko sa cr

Napatingin naman ako sa pinto ng kwarto ko at nakitang hindi ko ito na lock kaya nakapasok agad si Bea.

Umupo nalang ako sa harap ng salamin at pinatuyo ang buhok ko

"Paano?" tanong ko habang sinusuklay ang buhok

"May free concert sila dito" wika nito

Napalingon naman ako sakaniya na ngayon at nakatuon ang tingin sa cellphone, may binabasa.

"May registration lang para nakakuha ng ticket, I'll try my best para makakuha ng ticket promise" masayang wika nito

Napailing nalang ako at ginawa na ang skincare routine ko. Nang matapos ay umupo ako sa kama, sa tabi niya.

"Kyaaaaah!" sigaw nito at nag tatatalon pa sa kama ko, the fuck.

"Why?" tanong ko habang pinang mamasdan siya

"Nakakuha ano ng ticket para sa concert ng SB19" masayang wika nito

"Sana all" sagot ko

"Tanga, dalawang ticket yun, at ikaw ang isasama ko para manood" nakangiting wika nito habang nakahawak sa kamay ko

"Ayoko nga" umiiling pa na sabi ko

"Bakit? ito na ang pag kakataon para Makita mo ang ex mo, si Justin"

Tama si Bea, kung sasama ako sakaniya sa concert makikita ko na muli si Justin after ten years. Pero handa na ba ako para makita siya muli? handa na ba akong makaharap siya?

Hindi ko alam kung kakayanin kong harapin muli si Justin pag tapos ng nangyari saamin noon, paano kung galit parin siya dahil sa pag iwan ko?

Napahinto naman ako sa pag iisip ng mag salita muli si Bea

"Ayaw mo ba? ibibigay ko nalang sa iba" nakayukong saad nito, nag papaawa

"Fine, I will go with you"

Lumiwanag naman ang mukha nito dahil napapayag ako, gusto ko narin naman makita si Justin kahit natatakot sa posibleng mangyari.

"Yey, true na yan ha? walang bawian" paninigurado nito

"Oo na nga, kulit" natatawang sabi ko

"Yieee, okay goodnight mag handa kana next week na yon" sabi nito bago lumabas ng kwarto

Next week agad?! shit bakit ang bilis naman ata my god.

Huminga nalang ako ng malalim at hinayaang lamunin ng antok. Hindi naman ako nabigo dahil ilang minuto palang ay naramdaman ko na ang antok at nakatulog na.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now