Chapter 24

825 36 18
                                    

Jackson's surprise

Krisha's pov

"Okay na ba 'to, Krish?"

Bumalik ako sa diwa ng marinig ang tawag ni Jackson saakin, andito kami ngayon sa bahay nila Bea habang nag aayos para sa surpresa kuno ni Jackson para kay Bea mamaya dahil mamaya na ang uwi nito dito, andito kami sa kwarto ni Bea para mag ayos.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala diyan e" sabi niya at inabutan ang tubig na ininom ko naman agad

"A-ayos lang, tapos mo na ba yan?" tanong ko

Hindi ko namamalayan na nakatulala na pala ako kakaisip kung kanino galing ang message na natanggap ko nung isang araw, isa lang ang naiisip kong tao pero mukhang malabo dahil wala akong pinang bigyan ng number ko ng kahit na sino tanging ang si daddy at Bea lang ang nakakaalam.

"Oo" sagot ni Jackson at ngumiti "sa tingin mo, magugustuhan kaya ni Bea 'tong surpresa ko?" tanong niya habang pinag mamasdan ang mga kung ano anong kinabit sa pader

May mga lobo na heart shape pa, kala mo mag jowa e yak! May mga lobo din na nasa taas at may mga nakalagay na picture, stolen shots ni Bea sa school dati sa gitna ng mga heart shape na lobo andun ang picture nila nung mag kaklase sila, tabi sila sa class picture nila haha. May human size teddy bear din na kulay pink na regalo si Jackson at bouquet of red roses and syempre chocolates.

Hindi halatang pinag handaan 'to ni Jackson.

"Oo naman" sagot ko at ngumiti "kung tutuusin sobra pa nga 'to e" tumayo ako at lumapit sa litrato nila na nakadikit sayo--ay sa pader pala "parang yung surpresa mo e jowa mo siya tapos anniversary niyo"

Narinig kong tumawa siya at niligpit ang mga kalat "Syempre iba na yung surprise ko sakaniya kapag naging kami na, mas engrande pa dito. I want to make her feel that I really love her"

I smiled a bit, Bea is so lucky with Jackson.

"Swerte niya sayo" wika ko at ngumiti

"Mas maswerte ako sakaniya" he smiled at me "ikaw ba, wala ka bang balak mag boyfriend?"

Ngumiti ako "Ewan, masakit parin yung una kahit sampong taon na ang nakakalipas"

Bumalik ako sa pag kakaupo sa upuan sa study table ni Bea at pinag masdan ang mukha ni Jackson na gulat na gulat, nakaawang pa ang labi niya at feeling ko ano mang oras pwede ng pasukan 'to ng langaw.

"Bakit parang gulat na gulat ka?" I asked

"Wala naman, akala ko wala sa bokabolaryo mo yan e. Nakikita kita dati sa school halos wala kang pinapansin sa mga lalaking gustong manligaw sayo"

Natawa naman ako at hindi na sumagot, pinag patuloy naman niya ang pag lilinisa habang ako inaalala kung paano ko bastedin mga nanliligaw saakin nun. Nakakatawa na kahit ilang beses ko silang pag tulakan hindi sila tumitigil halos pare-parehas nalang naman sila ng sinasabi saakin kapag sinasabi kong 'ayoko na ulit masaktan' halos ang sagot nila ay 'iba ako sakaniya' 'hindi kita sasaktan' and then ilang araw lang may bago na silang nililigawan hays, bilang nalang talaga ang matitinong lalaki sa mundo.

"Asan na daw sila?" Jackson asked

"Kanina ka pa tanong ng tanong, tuktukan kaya kita. Sinabi na ngang mamaya pa sila lalabas e, mag tetext naman si tita kaya chill lang kabado ka masyado e"

"Hehe, sorry na" kamot batok na wika niya "nga pala, diba sabi mo nag ka ex kana?"

"Oo" sagot ko

"Bakit kayo nag hiwalay?" curious na tanong niya "ayos lang kung hindi mo sasabihin, hindi ako namimilit"

Natawa naman ako "Para sa pangarap niya"

"Ha?"

"Hakdog, patapusin mo kasi ako"

Tumawa siya at tumango

"I'm the one who left him for his dreams naman, he audition kasi sa isang company he wants to be a idol. Isang rule sakanila is bawal mag girlfriend so I have to sacrifice our relationship for his dreams" I said trying to hold my tears from falling "I know that he really wants to be an idol, he really wants to perform on stage and have some fans. Ayoko humadlang sa pangarap niya dahil saksi ako kung gaano niya 'to kagusto at gusto ko matupad niya ang matagal na niyang pangarap"

Tumingala ako para iwasan ang nag babadyang luha sa mga mata ko, ayoko na umiyak. Ilang beses ko na sinabi sa sarili kong hindi na ulit ako iiyak sa parehong dahilan pero makulit talaga ang mga mata at luha ko, ayaw papigil tuwing mag kwekwento ako about sakaniya, about sa past namin.

"Asan na siya ngayon?" Jackson asked

I looked at him and smiled "Pilipinas, natupad na niya ang pangarap niya, he's now a member of SB19 the famous PPOP boy group. Nag bunga lahat ng sakripisyong ginawa ko para sa pangarap niya"

He smiled at me "Ang tapang mo" Jackson said

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya "Bakit?" I asked

Umurong bigla luha ko sa sinabi niya.

"Kasi kinaya mong isakripisyo yung relasyon niyo kahit alam mong masasaktan ka, kayong dalawa. Hindi ka nag dalawang isip dun dahil isa lang ang gusto mo mangyayari" he looked at me gave me a small smile "ang matupad ang pangarap ng tao mong mahal"

Ngumiti nalang ako bilang sagot, kaya ko naman talaga isakripisyo lahat para kay Justin, mahal ko yun e, mahal na mahal.

"At saka, naniniwala rin akong mahal mo parin siya ngayon" kumindat pa siya

"Pa'no mo nasabi?" I asked him

"Kasi hindi ka maiiyak habang nag kwekwento kung hindi mo siya mahal" wika niya at tinuturo ang mata ko

Napahawak naman ako sa mata mo at wala namang sign na umiyak ako, siraulo talaga 'tong lalaking 'to baka pawis lang nakita niya---ay wait, naka bukas aircon at hindi rin mainit dahil dama parin ang pasko dito sa state malapit narin kasi ang new year at sa pilipinas kami mag cecelebrate kaya uuwi narin kami agad bukas.

"Hindi naman ako umiiyak ah?" patanong na sabi ko

"Hindi nga, pero nag pipigil ka umiyak kanina habang nag kwekwento ka" wika niya at ngumiti

"Ah" tanging sagot mo

"Sabi mo sampong taon na ang nakakalipas silamula ng mag hiwalay kayo"

"Oo nga"

"Bakit hindi ka nag hanap ng iba? I mean madami ang nanliligaw sayo and I guess till now meron parin"

Ngumiti lang ako "Wala e, mahal ko talaga. Siya first boyfriend ko kaya ganun. Hindi ko kayang kalimutan siya, siya kasi unang nag paramdam saakin kung ano nga ba ang tunay na pag mamahal saka mahirap kalimutan ang first love ah" wika ko "saka ayoko makasakit ng iba kaya wala akong sinasagot sa mga nanliligaw saakin nun"

"Huh? Ano ibig mong sabihin?" takang tanong niya

Napahagikhik nalang ako sa tanong niya "Syempre mahal ko pa si ex kaya bakit ako makikipag relasyon sa iba? Ayoko naman gumamit ng ibang lalaki para lang makalimot no, ayoko makasakit kaya hanggat maaga pa binabasted ko na saka wala na rin sa utak ko yang ganiyan"

He nodded "Can you tell me about your ex?"

I looked at him and nodded "He's nice, soft hearted din, mabait siya tapos matulungin, tutulungan ka talaga niya kapag alam niyang nahihirapan ka. Magaling siya mag drawing he even draw me hmm and he's smart he graduated college habang pinag sasabay ang training niya nun tapos uhm loving, he's so close with his fam and.." I stopped and start remembering everything about Justin "and he was my first love"

He was my first love but I guess he is not my last

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now