Chapter 31

849 42 5
                                    

Arrive in Cebu

Krisha's pov

"Ang bagal mo kumilos Krish, mamaya andiyan na sila!" Bea shouted

Nakatingin lang ako sakaniya habang pinipilit wag muling pumikit, hinihila pa ako ng kamaaaaa, gusto ko pa matulog huhu kaso itong si Bea kanina pa ako ginigising. Kanina pa niya ako sinisigawan para gumising dahil kailangan daw maaga kami makarating sa Cebu kahit mamayang tanghali pa naman yung flight.

"What time is it?" tanong ko habang kinukusot ang mata

"4:30am"

Parang nawala yung antok ko sa sinabi niya, nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag bato ko ng unan sa mukha niya kaso naiwasan niya.

"Gago mamayang alas dose pa flight natin ang aga aga pa pala akala ko naman aish bwisit!" sigaw ko muli at binato siya, natamaan naman siya sa mukha pero tumawa parin ang gaga

Since hindi na ako makatulog napag desisyonan ko nalang lumabas para mag jogging, nasa village kami kaya ayos lang mag jogging ng ganito kaaga dahil wala namang mangyayari saakin haha.

Hindi na sumama si Bea dahil bawal nga siya mapagod dahil kapapalit lang ng puso niya kaya ako nalang mag isa. Unti-unti naring lumiliwanag, I looked at my cellphone to check the time, it's already 6:32am. Matagal talag din pala ako nag jogging, nakaramdam na rin ako ng gutom kaya bumalik na ako sa bahay.

Habang nag lalakad papunta sa bahay napahinto ako ng makita yung lima na nasa harap ng bahay na parang nag tuturuan pa kung sino ang nag dodoorbell, para silang takot sa doorbell at ayaw nila pindutin tsk tsk. Lumapit ako pero hindi nila ako napansin dahil busy sila sa pag tatalo, para silang bata.

"Ikaw na kasi Jah" wika ni Stell at tinulak si Justin

"Ayoko, ikaw nalang Ken!" sabay tulak nito kay Ken papunta sa tapat ng doorbell

"Ayoko din, hoy Sejun ikaw na mag doorbell!"

Para silang nag papasa-pasahan kung sino ang mag dodoorbell jusko po.

"Ano ba yan, parang pag pindot lang di niyo pa magawa!" sigaw ni Josh sabay kamot sa buhok, naiinis na siya haha

"Sige nga, ikaw mag doorbell" saad ni Sejun sabay ngiti

"Ayoko, kayo nalang" wika niya, siya rin pala hindi magawa e, tsk tsk tsk

"Mag doorbell na kasi kayo, kanina pa tayo dito e" naiinis na wika ni Josh

Kanina pa sila dito? Ano oras? Bakit diko sila nakita kanina? Ah, siguro nung nag jogging ako saka sila dumating, pero ang aga nun ah!

"Ang aga aga palang kasi e, masyado kayong excited mamaya pa naman flight natin" sabat ni Justin

Korek! Ang aga aga pa or andito na sila, ganon ba sila ka excited? Parehas na parehas sila kay Bea.

"Ay wow, nag salita yung pinaka maagang nagising tapos maagang nag ayos" pag paparinig ni Stell

Napakamot nalang sa buhok si Justin sabay yuko. Ang aga aga nag aasaran sila. Lumapit ako, hindi naman nila naramdaman dahil nag tuturuan parin sila kung sino pipindot ng doorbell, hay nako.

"Pindutin niyo na kasi" wika ko

"IKAW NALANG KAYA!" sigaw nung apat maliban kay Josh

Nagulat ako sa biglaang pag sigaw nila habang nakapikit kaya napaatras ako ng konti, hindi ata nila ako nakilala. Agad din nilang minulat an mata nila at napatingin saakin at nagulat pero si Josh nakangiti lang na parang alam na andito na ako kanina pa, hindi man lang nagulat.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now