Chapter 28

839 37 6
                                    

-Flashback-

"Krish, akala ko ba mag sisimba kayo ni Justin ngayon?" rinig kong wika ni daddy

Napabalikwas ako sa pag kakahiga sa kama dahilan para malaglag ako, napatingin ako kay daddy na nag aalala. Ngumiti lang ako at nag thumbs up sakaniya at tumakbo sa cr, rinig ko pa ang tawa niya bago lumabas ng kwarto ko.

Nakalimutan kong mag sisimba nga pala kami ni Justin ngayon, buset kasi na lalaki na yun e pinuyat ako kagabi kakachat, message ng message kung gaano niya ako kamahal kaya ayun hindi ako nakatulog dahil sa kilig, buset talaga na Justin yan. Mabilis akong naligo at pumunta sa walk in closet ko, kinuha ko nalang ang white dress ko na mabilis kong sinuot. Saglit akong nag ayos bago bumaba dahil baka nasa baba na si Justin.

At hindi nga ako nag kakamali, nasa baba na siya habang kausap si yaya Mirasol, ang head yaya kung tatawagin nila siya kasi ang namamahala dito sa bahay lalo na kapag wala kami ni dad. Napatingin naman saakin si Justin at mabilis na tumayo at ngumiti, ngumiti ako pabalik at lumakad palapit sakaniya.

"Sorry, pinag antay ata kita" wika ko

Ngumiti lang siya at hinalikan ako sa noo "Ayos lang, you're worth to wait"

Kinikilig naman ako sa sinabi niya aga agang mag pakilig naman nitong lalaking 'to mahina ko siyang hinampas sa braso na ikinatawa niya. Nag paalam muna kami bago umalis.

Tulad ng napag usapan, nag simba kami. Routine na namin 'to tuwing sunday, ang mag simba ng mag kasama.

Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo, Amen.

Ngumiti ako kay Justin at akmang tatayo na dahil tapos na ang misa ng hawakan ni Justin ng mahigpit ang kamay ko, taka akong tumingin sakaniya pero nanatili itong nakangiti at nakatingin sa harap, sa altar. Wala ng tao sa loob maliban saaming dalawa, wala na rin sila father.

"Jah, ano pa ginagawa natin dito? Tapos na yung misa oh"

Tumingin siya saakin at ngumiti bago muling tumingin sa harap, mag hawak parin ang kamay naming dalawa. Tahimik lang kami habang nakatingin sa harap ng mag salita si Justin.

"Dito" wika niya

"Dito ang?" tanong ko

"Dito kita gustong pakasalan" wika niya at tumingin saakin "dito kita gustong pakasalan kapag nasa tamang edad na tayo Krish"

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko dahil sa sinabi niya, para akong nanigas sa kinauupuan ako dahil sa biglaang niyang sinabi. I'm not ready for this topic huhu bat kasal agad?

"Diba sinabi ko na sayong hindi kita niligawan at pinasagot dahil lang sa gusto kita kundi dahil mahal kita at nakikita ko ang future kong kasama ka" tumango ako, ngumiti naman siya "mahal kita Krish, at ikaw ang babaeng gusto ko makasama habang buhay"

Nanatili akong nakatingin sakaniya, gusto ko mag salita at sabihing ikaw din ang gusto kong makasama habang buhay pero hindi ko maibuka ang bibig ko, gulat parin ako sa sinabi niya. I didn't expect that he see me as his future wife.

Waaaaaaaah! I kennat!

"Mag salita ka naman uy" wika niya at tumawa ng mahina

"A-ah?"

"Pero ikaw, kung saan mo gustong simbahan ayos lang naman saakin yun" huminto siya at hinawi ang hibla ng buhok kong nasa mukha ko na at inilagay sa likod ng tenga ko "kahit saang simbahan ayos lang saakin o kahit anong klase pang kasal ang gusto mo ayos lang saakin basta ikaw ang bride ko"

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi niya, hindi ko parin maiwasang kiligin. Hindi ko alam paano ang magiging reaksyon ko kahit parehas naman kami ng gusto, siya rin kasi ang gusto ko pakasalan haha.

"Krish, ano na? Tititigan mo nalang ba ako? Alam kong gwapo ako pero mag salita ka naman"

Nabalik ako sa diwa ng mag salita siya "H-ha? Ano ulit yun?" tanong ko

Umiling nalang siya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya, akala siguro niya ay hindi ako nakikinig sa sinasabi niya kanina.

"Wala, tara na. Mag libot nalang tayo"

Tumayo na siya at nag lakad palayo saakin pero bago pa siya mapalayo ay "Dito, dito ko rin gusto ikasal" pag sasalita ko "at ikaw ang groom"

Medyo naka side saakin si Justin kaya kita ko ang pag ngiti niya at pag kamula ng tenga niya, kinikilig nanaman siya haha. Napatawa ako at lumapit sakaniya at lumapit sa tenga niya.

"I love you" bulong ko at naunang ng mag lakad

"Antayin mo ako!" sigaw niya

Imbis na hintayin ay tumakbo ako rinig ko pa ang pag sigaw niya kaya mas natawa ako, huminto lang ako sa pag takbo ng mapandaan ako sa ice cream store. Napalingon ako kay Justin na napahinto din at nag tatakang tumingin saakin, nginitian ko siya at nginuso ang ice cream store. Kita ko ang pag iling niya pero nginitian ko lang siya at pumasok doon para mag order na. Ramdam ko ang presensya niya sa likod ko at pilit akong hinihila palabas sa store pero hindi ako nag patinag sakto namang dumating ang order kong chocolate ice cream. Yum!

"Siya po mag babayad" wika ko kay ateng nag titinda at umalis na dun

Umupo ako sa isang bakanteng table at hinintay si Justin, pag karating niya ay may hawak narin siyang ice cream pero mas malaki yung akin HAHAHA.

"Kayong mga babae ang hilig niyo talaga kumain no?"

"Sakto lang, food is life kami e" wika ko

"Psh" singhal niya

"Mabuti ngang pag-kain lang ang pinag kakaabalahan naming mga babae at hindi panlalalaki" wika ko at sumubo ng ice cream

"Aba dapat lang, subukan mo lang mag hanap ng iba nako, sinasabi ko sayo Krisha"

"Bakit, ano gagawin mo?" tanong ko

"Babawiin kita, hindi ako papayag na makuha ka ng kahit sino saakin no" sagot naman niya

"Nako, baka mga ikaw pa mag hanap ng iba diyan e" wika ko at umiling iling

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit ako mag hahanap ng iba?" tanong niya

"Abay malay ko sayo," wika ko "hindi marunong makuntento sa isa ibang lalaki e, gusto dala-dalawa. Akala mo naman kegagwapo pfft. Bakit ba yung ibang lalaki e ang hilig sa babae? nakakaya nilang pag sabayin yung dalawang babae. Hindi ba nila naisip na may nasasaktan sila dahil sa ginagawa nilang pang bababae?"

"Ewan ko sakanila, hindi naman nila ako kagaya" wika nito

"Asus"

"Saka bakit pa ako mag hahanap ng iba e nasa harap ko na yung babaeng gusto ko?" wika niya "napaka laking biyaya mo na saakin Krish, hindi kita magagawang ipag palit always remember that"

I smiled at him "Yieee, kilig ako dun. I love you"

"I love you too"

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now