Chapter 7

1K 38 0
                                    

Krisha's pov

Day 3 in Korea (Continuation): Horror house

After we eat dumiretso na kami sa kwarto para mag ayos, sinigurado ko nadin na dala ko at full charge ang cellphone ko, baka kasi maulit nanaman ang nangyari kanina sa elevator. Sabay sabay kaming lumabas sa room at sumakay sa elevator, safe naman na daw ito at naayos na nila kaya no worries.

Katabi ko sa van si Justin kaya hindi ako masyadong nag sasalita pero ayos lang dahil hindi rin naman nag tagal at nakarating kami sa pupuntahan, wala kaming halos ideya kung saan kami pupunta kaya sumusunod lang kami sa staff nila, tinitignan ko din kung pamilyar saakin ang lugar na pinuntahan namin kaso hindi.

"Suot niyo 'to" saad nung staff na hanggang ngayon diko parin kilala

Nilahad niya ang kamay niya na may nakalagay na blindfold, kahit nag tataka ay kinuha namin at mabilis na sinuot.

"Hawak-hawak kayo para hindi kayo mabungo"

Sinunod naman namin siya, hindi ko alam kung kanino ako nakahawak. Tahimik lang kami habang nag lalakad ng biglang sumigaw si Stell.

"Naiihi ako" sigaw niya kaya nag tawanan kami

"Ano ba yan Stell, mamaya kana umuhi" sagot ni Josh na feeling ko ay nasa pinakadulo

Feeling ko lang ha, di ako sure.

"Mamaya kana umihi, malapit na tayo" sagot nung staff

Nakarating naman kami sa isang room at tinanggal ang blindfold, nagulat kami ng biglang tumakbo si Stell papunta sa cr dahilan para matawa kami. Hinintay muna namin siya bago mag paliwanag yung staff sa gagawin namin.

"Okay, napag desisyonan namin na sabay sabay nalang kayo papasok sa ano" paninimula niya

"Sa ano po?" tanong ko

"Secret walang clue," natatawang wika niya "wala na bang iihi sainyo?" tanong niya at tumingin saamin isa-isa

Sabay sabay kaming umiling kaya tumango nalang siya at sinabing isuot ulit namin ang blindfold at lumabas ulit. Pinaihi lang talaga ata si Stell kaya pumunta kami saglit dun.

Tahimik naming tinatahak ang daan, nakakarinig ako ng mga boses ng ibang tao kaya nakakasiguro akong madaming tao dito. Hindi nag tagal ay nakarinig kami ng nakakatakot na tunog, mukhang alam ko na kung ano 'to.

Horror house

"Sige tanggalin nyo na blindfold nyo"

Sabay sabay ata kaming nag tanggal at sabay sabay na tinignan kung asan kami, at hindi nga ako nag kakamali dahil nasa horror house nga kami.

Naramdaman kong may nakatingin saakin kaya tinignan ko ito, it was Justin, alam niyang takot ako sa ganito, I have trauma when I was 8 years old ata, he knows that dahil na ikwento ko sakaniya ito dati. I smiled at him and give him a thumbs up para sabihing okay lang ako, he smiled back and slightly nodded.

May mga nakakatakot na mascot sa entrance, muntik pa akong mapatalon sa gulat ng pag tingin ko sa likod nakita ko yung clown sa IT, tangena.

"Katulad ng sinabi ko kanina" napatingin ako sa staff nila na nag sasalita sa harap "sabay sabay na kayong papasok diyan, alam kong may matatakutin sainyo tulad ni Stell, kaya mas maganda kung sabay sabay na kayo"

Tumango lang kami at sabay sabay na pumasok, bumungad agad saamin ang isang barong na may dugo dugo pa, nag lakad lakad pa kami at may mga sigaw kaming naririnig may kumakalabog pa minsan and may biglang susulpot na white lady and other ghost na andito.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now