Chapter 29

852 41 3
                                    

-Flashback-

"Jah, ice creeeeam!" sigaw ko sa tenga nito

"Aray naman, makasigaw ka kala mo hindi mo ako katabi ah?"

"Hehe sorna, bili ka na ice cream dali! Bago pa umalis si kuyang nag titinda" nag puppy eyes pa ako para lang mapapayag siya

Ayaw na kasi niyang kumain ako ng ice cream dahil baka ubuhin na daw ako dahil halos araw araw na akong kumakain nito. Nakatanggap pa ako sakaniya ng sermon ng nahuli niya akong kumakain ng patago.

"Diba sabi ko sayo bawal na" mag kasalubong ang kilay na wika niya

"Ihhh, last na promise"

"Lagi mo yang sinasabi tapos mag susumbong saakin yung mga yaya niyo na kumakain ka ng ice cream kapag gabi"

Napa nguso nalang ako, sinisermunan nanaman niya ako huhu. Akala ko hindi nag susumbong mga yaya namin sakaniya tuwing nakikita nila akong kumakain ng ice cream yun pala nag susumbong sila hmpk.

"Hays, oo na, oo na!" kumakamot sa ulo niyang wika "bibili na ako pero last mo na yun ha"

Nag liwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya, walang pag aalinlangang tumango-tango ako habang naka ngiti. Pinisil niya ang pisngi ko bago tumayo at pumunta kay kuyang nag titinda ng ice cream.

Andito kami sa park na lagi naming pinupuntahan, Monday ngayon pero walang pasok kaya tambay nalang kami dito sa park dahil wala naman kaming ibang pwedeng gawin. Mas lalong lumaki ang ngiti ko ng palapit ito saakin na may dalang dalawang chocolate ice cream, siguro ay para sakaniya yung isa.

"Thank youuu, labyu Jah" wika ko at kinuha ang isang ice cream at sinimulang kainin bago pa matunaw

"Dahan dahan para kang ngayon lang nakakain ng ice cream" saad niya at pinunasan ang gilid ng labi ko

"Eh baka matunaw e, sayang" wika ko

"Psh" singhal niya at kumain na din

Tahimik lang kaming kumakain habang nakatingin sa mga tao sa paligid namin. Nandito lang ulit kami sa dati naming pwesto sa bench sa ilalim ng puno.

"Ay, ubos na huhu" wika ko

Napanguso nalang ako dahil ambilis kong naubos yung ice cream, kulang ko paaaa! Pero agad ding napawi ng iabot saakin ni Jah yung ice cream niya. Taka ko siyang tinignan pero naka ngiti lang siya at inilagay sa kamay ko ang ice cream niya.

"Takaw mo kasi e, kainin mo na yan"

"Eh paano ka? Sayo 'to e"

Pilit kong binabalik sakaniya yung ice cream pero ayaw niyang kunin. Umiiling pa siya habang nakangiti saakin "Kainin mo na alam kong kulang mo pa yung binili ko para sayo"

I smiled at him "Yieee, lab mo talaga ako ah?"

He smiled and nodded "Mahal naman talaga kita e" hinawi niya ang hibla ng buhok ko at nilagay sa likod ng tenga "kainin mo na yan bago matunaw"

I nodded and start eating again, nakatingin lang siya saakin habang kumakain. Nahiya tuloy ako dahil ang takaw ko huhu binagalan ko nalang tuloy kumain para hindi mag mukhang pers taym kumain ng ice cream haha.

"Pasan tayo?" tanong ko

Pag tapos ko kumain ng ice cream bigla nalang akong hinila ni Justin, kanina ko pa siya tinatanong kung saan kami pupunta pero ayaw naman niya akong sagutin. Para tuloy akong nakikipag usap lang sa hangin.

"Hooy, saan tayo pupunta?" ulit ko "kanina pa tayo tumatakbo ah, napapagod na ako Jah"

"Basta, malapit na tayo"

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now