Chapter 41

800 36 7
                                    

Krisha's pov

Maaga kami nagising lahat dahil mamayang 7:00am na ang flight namin, andito ako sa room namin habang nag aayos ng gamit ko habang si Bea naman ay nasa cr para maligo when someone knocked on the door, I immediately open it and saw kuya Josh.

"Bakit?" tanong ko at binuksan ng mas malaki ang pinto para makapasok siya

"Tapos na kayo?" tanong niya at naupo sa kama kung nasaan ang mga gamit ko

"Malapit na, inaayos ko nalang yung mga gamit ko habang si Bea ayun naliligo pa"

Tumango siya at pinag masdan ang mga gamit kong nakaibabaw sa kama, agad akong tumabi sakaniya ng mapansin na malungkot siya.

"May problema ba?"

"Wala naman" ngumiti siya at ginulo ang buhok ko "sabi nung daddy mo dun na daw kami titira sainyo"

"corection, daddy natin" pag tatama ko "waaaaah, talaga makakasama na namin kayo?" excited na sigaw ko at humawak sa braso niya na ikinangiti naman niya

"Oo, kaya mababantayan na kita"

"Ha? Bakit?"

"Nasabi ni Justin saakin na binigyan mo na daw siya ng second chance kaya bantay sarado ka saakin ngayon" tumawa siya bago tumayo "bilisan niyo diyan, parehas kayo ni Ken mabagal kumilos"

Akmang lalabas na sana siya ng pinto ng tawagin ko siya "Kuya Josh"

Lumingon siya saakin ng nakangiti "Bakit?"

Tinignan ko siya ng matagal bago napabuntong hininga, hindi ko alam kung tama ba na itanong ko 'to pero dahil andito narin naman siya sa harap ko, siguro kailangan ko narin itanong.

"Galit ka ba kay daddy?" nakayukong tanong ko

"Huh?"

"Ilang taon din siyang wala sa tabi mo, lumaki ka ng wala sa tabi mo si daddy kaya curious ako kung may galit kaba sakaniya" napaangat ako ng tingin ng marinig ang pag sara ng pinto, akala ko lumabas na siya pero nanatili siyang nakatayo sa tabi ng pinto bago lumapit saakin

"Galit? Siguro meron nga, pero wala na yun, andito narin naman siya para gampanan ang pagiging tatay niya saamin ni Trisha kaya ayos na saakin" hinawakan niya ang kamay ko at nilaro-laro "mas importante saakin na makumpleto pamilya natin at syempre makasama kayo, lalo na ikaw. Mas importante rin saakin na makasama mo yung kambal mo lalo na si mommy na matagal din nawala sa tabi mo at hindi mo man lang nasilayan bago ka nag kaisip"

Ngumiti ako at niyakap siya, niyakap din naman niya ako pabalik "Masaya ako dahil mabubuo na ulit pamilya natin" bulong niya na nakapag pangiti saakin

"Ako din kuya" sagot ko

Nanatili kaming mag kayakap ng ilang minuto ng may kumatok sa pinto "Hoy liit, akala ko ba ichecheck mo lang sila kung tapos na sila diyan bakit antagal mo naman yata?" sigaw ni Stell sa labas

"Psh, epal talaga" tumawa kami ni kuya "sige na, ayusin mo na yang gamit mo aantayin nalang namin kayo sa labas"

Tumango ako bilang sagot.

Pinag masdan ko lang siya hanggang sa maisara na niya ang pinto, sakto namang lumabas si Bea sa cr at tapos na maligo. Tinulugan niya ako mag ayos ng gamit ko dahil tapos naman na niya yung sakaniya kagabi pa daw nung pagkatapos nila kami iwan sa mall, nalaman ko din na hindi naman talaga sila pumunta sa park at parte lang talaga ng plano nila na iwan kami ni Justin, tsk.

"Bea, sa bahay na daw titira sila kuya Josh" nakangiting wika ko

"Edi kailangan ko na pala umalis dun?" tanong niya kaya napatigil ako sa pag aayos ng gamit ko, taka ko siyang tinignan "e kasi may kasama kana sa bahay niyo, kumpleto na rin kayo kaya wala na akong dahilan para mag stay sa bahay niyo"

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now