Chapter 54

691 31 9
                                    

Justin's pov

Napabangon ako sa pag kakatulog at halos habulin ko na ang hininga ko dahil sa pagod e sa katunayan natulog lamang ako. Habol hininga akong umupo sa kama at sumandal pilit inaalis ang masamang panaginip sa isip ko. Pawis na pawis din ako na parang nakipag habulan talaga ako.

Napapikit ako bago tumayo at nag tungo sa kusina para uminom ng tubig. Hindi ko alam kung babala ba yun o sadyang masamang panaginip lang talaga. Sana nga masamang panaginip lang. Nang matapos uminom ay bumalik ako sa kwarto at muling umupo sa tabi ni Krisha na mahimbing parin ang tulog. Napangiti ako at napatingin sa orasan, alas tres palang ng madaling araw.

Muli kong binaling ang tingin kay Krisha at nahiga sa tabi niya habang nakatitig sa mukha niya. Napakaganda niya. Para saakin napaka perpekto ng mukha niya. Siya na ata ang pinaka magandang babae na nakilala ko. Napangiti ako at inayos ang ilang hibla ng buhok niya.

"Wag mo akong iiwan ha. Hindi ko na ulit kakayanin kapag iniwan mo pa ako. Patunayan mo na masamang panaginip lang yung panaginip kong iiwan mo ako at may gustong pumatay saakin para makuha ka" hinaplos ko ang pisngi niya "pero kahit anong mangyari, kahit si kamatayan pa kalaban ko gagawin ko lahat bumalik ka lang saakin. Mahal na mahal kita, Krish"

Krisha's pov

Naalimpungatan ako ng maramdamang may humahaplos sa pisngi ko pero hindi ko iminulat ang mata ko at pinakiramdaman ang taong nasa tabi ko at humahaplos saakin.

"Pero kahit anong mangyari, kahit si kamatayan pa kalaban ko gagawin ko lahat bumalik ka lang saakin. Mahal na mahal kita, Krish" rinig kong sabi niya....sabi ni Justin.

I felt my heart started to beat fast, parang nasa race yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok na feeling ko ay ano mang oras pwede ng lumabas yung puso ko.

Hindi ko na ulit siya narinig mag salita kaya unti-unti kong binuksan ang mata ko sa pag kakaalam na nakatulog na siya pero mali ako. Nakapikit siya pero papalapit yung mukha niya sa mukha ko at konti nalang ay mahahalikan na niya ako so I shouted, hindi naman nila maririnig.

"Yah! Ano bang ginagawa mo Justin?!" sigaw na tanong ko at umupo habang nakatingin sakaniya ng masama.

"Ansakit sa tenga ng sigaw mo Krish!" pasigaw din na saad niya habang nakatingin saakin.

"Ano ba kasing ginagawa mo?" tanong ko "bakit anlapit ng mukha mo sa mukha ko?!"

"Tss, hinaan mo boses mo wala naman akong gagawin sayo" sabi niya at ngumisi "unless gusto mo"

Ramdam ko ang init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya agad kong hinablot ang unan sa tabi ko at hinagis sakaniya na nasapo naman niya, sayang sa mukha sana tama nun.

"Joke lang" tumatawang ani niya "wala akong gagawin sayo"

"Bakit nga kasi ang lapit ng mukha mo sa mukha ko?" mahinahon pero may diin na tanong ko.

Hindi porke tulog ako pwede na niya ako halikan!

"May lamok kasi sa mukha mo" sabi niya at kumamot sa batok.

Nangunot naman ang noo ko habang nakatingin parin sakaniya "Anong kinalaman ng lamok sa pag lapit ng mukha mo sa mukha ko at nakapikit kapa?"

"Ikikiss ko"

"Yung?"

"Yung lamok hehe"

"Sira naba ulo mo?" tanong ko.

Sino bang matinong tao sa mundo na ikikiss yung lamok, baka nga dumikit lang sa labi niya yung lamok sa sobrang liit.

"Hindi naman. Gusto ko lang talaga ikiss yung lamok" sabi niya at ngumiti.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now