Chapter 27

806 37 5
                                    

-Flashback-

"Ang kalat mo parin talaga kumain Jah" wika ko at ngumiti "para kang baby"

Andito kami sa ice cream shop na madalas naming pinupuntahan, parehas naming paborito ang ice cream at parehas pa kami ng paboritong flavor kaya nag kakasundo talaga kami. Dito kami madalas mag date haha.

Napatingin naman siya saakin at ngumuso na ikinatawa ko. Mahilig talaga siya ngumuso e no?

"Syempre, baby mo ako e" wika nito at ngumiti

Inirapan ko nalang siya dahil sa kakornihan niya, hindi na ata mawawala ang pag ka-corny sa katawan ni Justin. Pakiramdam ko nga pinag lihi siya sa mais dahil napupuno ng kakornihan ang katawan niya. Lahat ng joke niyan ang corny tapos lagi niyang sasabihin na hindi daw siya corny.

"Saan mo gusto pumunta love?" tanong nito habang nag lalakad kami dito sa mall

Mag kahawak ang kamay namin habang nag lalakad, ganito kami lagi ni Justin tuwing lalabas. Mag kahawak ang kamay. Tuwing weekends lagi laming lumalabas para gumala, yun lang kasi ang free time naming dalawa, mag kaiba kami ng school na pinapasukan kaya hindi kami laging mag kasama. Busy din kami sa kaniya-kaniyang gawain kaya tuwing weekends lang kami mag kasama.

"Kahit saan, basta kasama ka" wika ko na ikinapula ng tenga niya

Napabulaslas naman ako ng tawa, tuwing binabanatan ko kasi siya ay namumula ang tenga niya. Tapos kapag pinupuri ko siya lalo na ng ibang tao nahihiya siya, tinatakpan niya pa minsan ang mukha niya dahil sa hiya. Hindi gaya ng ibang lalaki si Justin.

Mahiyain siya, hindi siya gaya ng ibang lalaki na kapag pinuri mo at sinabihan ng gwapo o ano e lumalaki ang ulo. Masyadong down to earth si Justin, kahit ilang beses mo siyang purin andun parin ang pag kahiya niya, hindi siya sanay na pinupuri siya pero hindi rin naman niya nakakalimutang mag pasalamat.

"Namumula tenga mo love" natatawang saad ko

"Sige lang tawanan mo ako," parang naiinis pa na wika niya "kasalan mo din naman e"

"Huh? Bakit ako?" tanong ko

"Patay malisya ka pa diyan, kung hindi ka kasi babanat ng biglaan hindi ako kikiligin dahilan para mamula tenga ko" wika niya at nag lakad ng mabilis

Napatawa nalang ako sa sinabi niya, medyo malayo na siya saakin kaya himabol ko pa siya "Haha, cute ka naman kiligin e"

"Yan ka nanaman e, tigilan mo ako Krisha ha" wika nito at hinawakan ang kamay ko

"Bakit? Wag mo sabihing pati sa simpleng pag sabi ko ng cute sayo kinikilig ka?" natatawang sambit ko

"Lahat naman ng sinasabi mo kinikilig ako e" wika niya "marinig ko lang boses mo kinikilig na ako kaya ano pa kapag sinabihan mo ang ng mga ganiyan?"

Naramdaman ko nalang ang sarili kong nakangiti habang nakatingin sakaniya, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Hindi ko alam na may ganito pang lalaki sa mundo, akala ko sa wattpad lang yung ganon.

May malapit na park dito sa mall kaya dun kami pumunta ni Justin, umupo kami sa bench na nakita namin sa silong ng puno habang mag kahawak parin ang kamay. Inisandal ko ang ulo ko sa balikat nito at tumingin sa mga taong nandito din.

"Jah, anong gagawin mo kapag dumating sa point na pagod na tayong dalawa?" tanong ko

Natatakot ako sa posibleng niyang sagot, natatakot ako na baka pag dumating ang araw na yun iiwan na niya ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko gayong sobrang mahal ko na si Justin, hindi ko alam kung kakayanin ng puso ko kapag wala siya.

Ang O.A kung iisipin dahil lalaki lang naman yan pero ganon naman talaga kapag nag mamahal diba? Kapag sobrang mahal mo ang isang tao hindi mo kakayanin kapag nawala siya sayo. Kaya kahit sinaktan ka niya handa mo parin siyang patawarin at bigyan ng isa pag pag kakataon. Handa mong ibaba ang pride mo dahil mahal mo siya.

"Mag papahinga tayo. Uupo tayo saglit hanggang sa mabalik energy natin tapos ayun hindi na tayo pagod" wika niya at tumawa

Umalis ako sa pag kakasandal sakaniya at sinamaan siya ng tingin "Seryoso ako Jah"

Ngumiti lang siya at nanatili ang tingin sa harap habang mahigpit ang hawak sa kamay ko, nanatili naman ang tingin ko sakanila.

"Edi mag papahinga tayo, mag papahinga lang hanggang sa maging maayos na tayong dalawa pero hindi tayo mag hihiwalay"

Napangiti nalang ako sa sagot niya. Muli akong sumadal sa balikat niya at muling nag tanong.

"E paano kapag dumating sa point na ayoko na, kapag sawa na ako sa relasyon natin"

Alam kong nag tataka na siya kung bakit ganito ang mga tanong ko sakaniya. Gusto ko lang talaga malaman kung anong isasagot niya if ever man na mangyari talaga 'to. Kinakabahan talaga ako sa sagot niya pero gusto ko parin malaman, hindi naman kasi natin alam kung hanggang saan nalang ang relasyon natin.

"Edi liligawan ka ulit" mabilis niyang sagot

"Ha?"

Umalis ako sa pag kakasandal sa balikat niya at tumingin sakaniya, gano'n din ang ginawa niya. Tumingin siya saakin at hinawakan ang mag kabilang kamay ko bago ngumiti.

"Liligawan ka ulit, babalik tayo sa dati. Yung panahong nililigawan palang kita at hinihintay ang matamis mong oo" wika niya "kung mag sasawa ka man dahil sa relasyon natin edi balikan natin yung panahong masaya pa tayo. Liligawan ulit kita at ipaparamdam sayo kung gaano kita kamahal hanggang sa bumalik tayo sa dati"

I smiled at his answer. Nanatili akong tahimik habang nakatingin sakaniya kaya nag patuloy siya sa pag sasalita.

"Hindi ako papayag na mag hiwalay tayo dahil lang sa sawa at pagod kana. Hindi ko pinang hirapang mapasagot ka para lang hiwalayan mo. Linigawan kita hindi dahil sa gusto lang kita, niligawan kita dahil nakikita ko ang sarili kong kasama ka hanggang sa pag tanda." he smiled "corny kung ituturing 'tong sasabihin ko pero nakikita ko na ang future ko kasama ka"

Hindi ko napigilan ang pag tulo ng mga luha ko sa sinabi niya na agad naman niyang pinunasan gamit ang thumb niya at niyakap ako

"Hindi kita linigawan at pinag hirapan mapasagot para lang gawing girlfriend" bulong niya "hindi ako pumasok sa relasyon na 'to para gawin kang panandaliang karelasyon, hindi kita pinasagot para lang may masabing may girlfriend ako. Niligawan at pinasagot kita dahil mahal kita at siniguradong pakakasalan kita"

Kumalas siya sa pag kakayakap at pinunasan muli ang luha ko bago ako hinalikan sa noo.

"Don't ask that question again hmm?" I nodded "I love you and I will never leave you"

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now