Chapter 33

823 42 6
                                    

Big revelation

Krisha's pov

"Ano oras dating ng family niyo?" tanong ko sa lima habang kumakain kami

Nag luto si Stell at Sejun dahil sila ang pinaka maagang nagising, they cook eggs, bacon, fried rice and pancakes.

"Mamayang 9:00am daw lapag ng eroplano nila dito e, ikaw ba, diba uuwi daddy mo ngayon din?" Stell asked

Yep, he's correct, dadating si dad mamaya 8:00am and 6:30am palang pero hindi namin siya sa airport susunduin kundi sa bahay ng tita ko dahil kailangan daw niya pumunta dun, sakto namang miss na namin ni Bea mga pinsan ko dun na naging close din ni Bea kaya kahit ayaw ni dad, pupunta kami.

"8:00am dating niya pero hindi kami sa airport mag kikita kundi sa bahay ng tita namin, dun kasi siya didiretso sa hindi ko alam na dahilan" sagot ko bago kumagat ng pancake na kinakain ko

They all nodded, after we eat naligo na kami dahil may kaniya-kaniya kaming pupuntahan, mamayang gabi na ulit kami mag kikita-kita dahil mag bobonding pa daw sila ng parents nila after nila masundo at kami din nila dad and Bea, sadly hindi uuwi family ni Bea pero makaka video call naman namin kaya ayos lang.

"Bea, tara na?"

Tumango siya at sabay na kaming lumabas ng room, nakita namin yung apat na ready na habang si Ken naliligo palang daw, bagal talaga kumilos nun.

"Pano, kita nalang ulit tayo mamayang gabi" wika ni Stell

"Oo, una na kami ha?" tumango sila "kitakits mamaya, bye!"

Habang nakasakay sa elevator nag salita si Bea na ikinabigla ko.

"Ano napag usapan niyo ni Jah kagabi?" Bea suddenly asked

Wait, what? Nakita niya ba kami?

Hindi ako nakapag salita agad at nakatingin lang sakaniya ng mag salita ulit siya "Nagising ako nun tapos may narinig akong nag uusap sa balcony, hindi ko narinig buong pinag uusapan niyo kasi malayo ako pero rinig ko yung mga pag hikbi niyo" sabi niya, saktong bumukas yung elevator

Habang nag lalakad palabas ng hotel nag patuloy si Bea sa pag kwekwento "Alam ko na ikaw yun kasi dalawa lang naman tayong babae and I know na si Justin yung kausap mo" sabi niya at huminto sa pag lalakad kaya napahinto din ako "bakit kayo umiiyak nun?"

Ngumiti ako sakaniya bago pumasok sa sasakyan at sumunod naman siya "Nag usap lang kami sa past namin, yung nangyari sakaniya nung mag break kami" pag sasabi ko ng totoo

"Bakit kasi hindi nalang kayo mag balikan?" tanong niya kaya binatukan ko siya "aray naman, masakit yun ah!" reklamo niya habang nakahawak sa likod ng ulo niya kung saan ko siya binatukan

"Alam ko," sabi ko at ngumiti pero agad ding napawi ng maalala ang tanong niya "hindi madali na mag balikan ulit kami Bea, madami ng nabago saamin, sakaniya, at isa pa idol na siya, mahirap dahil baka maapektuhan yung pagiging idol niya"

"Aww, may point ka naman pero mahal niyo isa't-isa kaya bakit ayaw niyo parin? You can just hide it naman sa mga fans nila diba?" she asked again

Umiling ako "Nah, mas mahirap kapag gano'n, ayos na saakin na nakakasama ko siya ngayon"

"Hays, bahala ka pero isa lang masasabi ko sayo" tumingin ako sakanya at hinintay ang sasabihin "support kita sa mga desisyon mo pero mas support ako kapag nag kabalikan kayo, ako magiging head admin ng fans club niyo kapag nag kabalikan kayo hashtag, KrishTin for the wiiiiiiin!" she shouted, napatingin pa saamin yung driver kaya agad tinikom ni Bea ang bunganga at nag peace sign nalang

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now