Chapter 55

676 33 30
                                    

Krisha's pov

"A-anong sinasabi mo?" tanong ko at agad tinulak palayo saakin si Justin "S-sinong Blexin at Blexer sinasabi mo diyan?" inis na tanong ko at tumayo ng maayos bago siya muling hinarap.

Nakatitig lang siya saakin bago unti-unting tumawa. Napahawak pa siya sa tiyan niya habang ang isang daliri ay nakaturo saakin.

"HAHAHA epic ng mukha mo Krish" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin kaya umayos siya ng tayo at huminto sa pag tawa.

"Sino ngang Blexin at Blexer yan?" pag uulit ko.

Sino ba kasi yung sinasabi niya?

"Yung kambal"

"Kambal?" takang tanong ko.

"Yung magiging baby natin" ngumisi siya.

Ay ampotek. Pangalan pala ng baby namin-- wait what? Baby? As in anak? What the fudge? Ano pinag iisip ng lalaking 'to?!

Agad ko siyang binatukan na ininda naman niya. Siraulo kasi e anak agad iniisip ni hindi pa nga kami.. ulit. Kapag nalaman ni kuya Josh mga pinag sasabi nito nako lang humanda na talaga siyang mabugahan ng apoy.

"Aray ko po" sabi niya habang nakahawak sa ulo.

"Kung ano-ano kasi iniisip e!" sabi ko at nilagpasan siya para maupo sa kama.

Humarap siya saakin at ngumiti bago nag lakad palapit saakin at umupo sa tabi ko. Sandali kaming natahimik habang nakatingin sa kawalan, tanging pag hinga at tunog ng aircon lang ang maririnig sa buong kwarto. Parang nag papakiramdaman lang kaming dalawa kung sino ang mag sasalita at babasag ng katahimikan.

"Saan mo nakuha yung pangalan na sinabi mo kanina?" basag ko sa katahimikan.

Mukhang wala naman siyang balak mag salita kaya ako na bumasag sa nakakabinging katahimikan na namumutawi saamin.

"Wala naman, naisip ko lang kagabi." sagot niya at ngumiti.

"Ah," tumango ako "Pero paano mo nasabing kambal magiging anak nati-- mo, anak mo?" tanong ko at umiwas ng tingin.

"Nahiya kapa sabihin mo ng anak natin," sabi niya at tumawa. Kaltukan ko kaya 'to? "Syempre sisiguraduhin kong kambal yan, hindi pwedeng hindi kambal"

"Paano ka nakakasiguro aber?"

"Wala ka bang tiwalan saakin? Magaling ata 'to" sabi niya bago tumawa nanaman.

Happy siya.

"Ewan ko sayo, baliw kana!" sabi ko at inirapan siya.

Sa totoo lang ay natutuwa ako sa sinasabi niya. Ayokong makita niya na natutuwa ako dahil baka asarin lang ako pero sa koloob-looban ko masaya ako. Hindi ko alam na may plano na si Justin for our future, may names na ang baby na gusto niya.

"Baliw sayo" banat niya, naramdaman ko nanaman ang pag init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya agad akong nag iwas ng tingin "Yieee kinikilig siya" pang aasar niya at sinusundot pa ang bewang ko, ampotek may kiliti ako diyan!

"Ano ba Jah, tigilan mo ako ha!" pag babanta ko pero tinawanan lang ako ng loko.

"Mag hilamos kana Krish nay muta ka pa" sabi niya kaya agad akong napahawak sa mata ko at... at meron ngaaaa!

Nakakahiya boset! Lupa, kainin mo ako ngayon na!

Agad akong nakaramdam ng hiya kaya naman agad akong tumakbo papunta sa cr at akmang isasara na ang pinto ng marinig ang sigaw ni Justin.

"Pero maganda ka parin kahit may muta ka!" sigaw niya bago ko tuluyang masara ang pinto.

Agad akong humarap sa salamin pag pasok sa cr at nag hilamos. Nag toothbrush na rin ako dahil baka mabaho na hininga ko huhu nakakahiya. Ilang minuto din akong nag stay sa cr bago napag pasyahang lumabas. Pag labas ko ay wala na si Justin sa kwarto, mukhang nauna na siya sa kusina.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now