Chapter 32

817 48 3
                                    

Jah's confession

Krisha's pov

Kahapon pa kami nakarating dito sa Cebu at mamaya na ang dating ng family ng SB19 same with my dad, nalalapit narin ang new year and I can't wait for that. Panibagong taon nanaman and I'm celebrating my new year with my dad na.

Nabaling ang tingin ko kay Justin ng mag lapag ito ng gatas sa lamesa. Andito kami ngayon sa balcony, it's already 1:00am I think. Hindi ako makatulog sa diko alam na dahilan kaya mas pinili ko na dito nalang muna, I didn't expect that Justin is still awake this late.

"Thank you" wika ko at ngumiti

Ngumiti din siya at naupo sa katapat kong upuan, may dala din siyang gatas na para sakaniya. Tumingin ako sa langit at nakita ang maliwanag na buwan at mga bituing nag niningning sa dilim walang makakapigil--char. Naramdaman ko ang pag titig saakin ni Justin kaya tumingin ako sakanya at hindi nga ako nag kakamali dahil nakatingin nga siya saakin at hindi man lang iniwas ang tingin.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko

Umiling siya at ngumiti bago tumingin sa buwan. Ako naman ang nakatingin sakaniya ngayon.

"How are you?" I asked him, napatingin siya saakin pero hindi ako umiwas ng tingin

"Ayos naman?" patanong na sagot niya na ikinailing ko

"I mean, when we broke up. Anong nangyari sayo?"

He smiled at me "Madami. Hindi ko alam ang gagawin ko nung panahon na yun, pumunta ako sa bahay niyo after we broke up pero wala kana, your maid told me na umalis ka pero hindi sinabi kung saan ka nag punta"

I felt my heart ache but I ignore it.

"Hindi ko alan kung paano babangon ulit non, you're not my first love pero iba epekto ng pag iwan mo saakin, siguro dahil sobrang minahal kita" umiwas siya ng tingin "akala ko hindi ko na kakayanin non, hindi ako lumalabas ng kwarto at hindi rin kumakain"

Napayuko ako, hindi ko alam na ganito pala ang nangyayari sakaniya.

"Lagi kitang tinatawagan pero laging hindi macontact ang number mo" because I changed my phone number "sobrang sakit ng pag iwan mo na halos dumurog saakin nung mga panahon na yon, lagi akong umiiyak at tinatanong sa sarili kung bakit mo ako iniwan, kung bakit mo ako kailangan iwanan nung mga panahong ikaw nalang ang kakapitan ko"

Nakagat ko ang ibaba ng labi ko, hindi ako makatingin sakaniya kahit ramdam ko ang pagtingin niya saakin.

"Wala akong ibang ginawa noon kundi ang umiyak sa tuwing maaalala kita, tuwing titignan ko lahat ng pictures natin na mag kasama. Yung mga panahong masaya pa tayo, yung mga panahong nasa akin kapa" tumayo siya sumandal sa bakal habang nakatingin sa mga ikaw galing sa mga bahay at building "Gumawa ako ng diary non, nakakabakla isipin haha" pilit siyang tumawa bago bumalik sa pag kakaupo

"Gumawa ako ng diary nun at sinulat lahat ng nangyayari saakin araw araw simula ng iniwan mo ako. Araw araw ko ding napapanaginipan noon yung mga masasayang ala-ala natin at magigising nalang na may luha na ako sa mata"

Bumuntong hininga siya.

"Akala ko ikaw na e, akala ko ikaw na yung makakasama ko habang buhay at hindi ako iiwan kaso wala e, iniwan mo ako." tumawa siya ng masasabi kong pilit "pinag patuloy ko ang pagiging trainee ko dahil yun ang gusto mo. Kahit sobrang bigat ng pakiramdam ko pinag patuloy ko dahil gusto ko maging proud ka saakin dahil natupad ko ang pangarap ko"

"I am proud of you Jah" wika ko habang nakayuko at pinipigilan ang pag tulo ng luha

Hindi siya nag salita hanggang sa marinig ko nalang ang mahina nitong pag hikbi, napaangat ang ulo ko at tumingin sakaniya. Mas lalo atang sumakit ang puso ko ng makitang umiiyak ang taong mahal ko, nakagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang nag babadyang luha na gustong kumawala sa mga mata ko.

"B-bakit Krish?" barag ang boses na tanong niya "bakit k-kailangan mo pa akong iwan?"

Hindi ako sumagot, I remained silent while looking at him crying.

"S-sabi mo walang iwanan e, pinanghawakan ko ang pangako mo na yun at hinintay kang bumalik. W-walang araw na hindi ko pumunta sa bahay niyo p-para tignan kung bumalik kana ba, kung babalik kapa ba" napaiwas ako ng tingin "lagi kitang pinapadalahan ng message pero hindi ka nag rereply, I always sent you a message especially on our special day"

Naaalala ko na lagi siyang may message saakin sa IG but I refuse to open it dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong umuwi sa pinas para balikan siya.

"Lagi kong sini-celebrate ang monthsary and anniversary natin at iniisip na nasa tabi kita, kasamang nag cecelebrate ng pinaka espesyal na araw saating dalawa" kung alam mo lang Jah, kung alam mo lang "i always buy you a present na nasa kwarto ko lang, sinabi ko sa sarili ko na ibibigay ko saiyo yung mga yun kapag bumalik kana, kapag bumalik kana saakin"

Isang luha ang pumatak sa mata ko na agad kong ring pinunasan, I don't wanna hear what will he say next, akmang tatayo na ako ng mag salita muli si Justin na ikinatigil ko.

"Pero sampong taon na ang nakakalipas pero hindi ka parin bumabalik. Sa loob ng sampong taon na pag hihintay sayo niminsan hindi ako sumuko na babalik ka, na babalik ka ulit saakin kahit alam kong malabo na yun dahil baka may iba kana" napatingin ako sakaniya, ngumiti siya saakin kahit patuloy ang pag iyak niya "nagulat ako nung araw na ikaw ang nanalo sa palaro para makasama namin sa Korea ng isang linggo, sobrang saya ko nun pero hindi ko magawang mag salita lalo na kapag nasa harap mo" pinunasan niya ang mga luha niya

Ngumiti muli siya at inilapit ang kanang kamay saakin para punasan ang luha ko.

"Gustong gusto na kita yakapin ng araw na 'yon pero pinigilan ko ang sarili ko, akala ko hindi mo na ulit ako kakausapin pero sobrang saya ko ng muli tayong mag usap" tumingala siya as if he's thinking "akala ko ng matapos yung isang linggo nating mag kasama sa korea ay dun na matatapos yun pero nag kamali ako, nag kita ulit tayo dahil sa pag punta namin sa bahay niyo"

Napangiti narin ako dahil sa sinabi niya, akala ko rin yun na ang huli naming pag kikita.

"And now, I'm celebrating the new year with the woman I love again"

Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya, I don't know how to react.

"Jah" tanging sambit ko

He genuinely smiled at me before standing up "I will never give up with you Krisha, kahit pangarap ko pa ang kapalit bumalik ka lang saakin gagawin ko ang lahat. I don't wanna lose you again, not again dahil hindi ko na kakayanin"

He give me a kiss on my forehead before walking away, habang ako nanatiling nakatulala at hindi alam ang gagawin.

Ramdam ko parin ang pag bilis ng tibok ng puso ko na para bang nakipag habulan ako, bakit ganito nanaman ang tibok ng puso ko?!

*****

I'm sorry if this story is boring hmm :<

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now