Chapter 36

741 39 4
                                    

Justin's pov

"Asan na si Krisha?" tanong ko kay Josh habang busy sila ni Bea sa pag kain ng pancake

"Kwarto niya" sagot ni Bea

Tumango ako pumunta sa room nila, kakatok na sana ang ng makita si Ken na kalalabas lang room at pumunta sa gawi ko, kinatok ko na yung pinto at tumambad saamin si Krisha. Nag bago ba siya ng hair style? Bakit parang bumaba ata buhok niya?

"Krish!" masiglang saad ko sakanya "goodmorning"

Hindi siya sumagot at napatingin kay Ken na katabi ko "Who are you?" tanong niya

Kita ko ang pag kagulat sa mukha ni Ken, maski ako nagulat sa tanong niya. Kahapon hindi niya kami kilala ni Stell tapos ngayon hindi rin niya makilala si Ken? Weird.

"Ako 'to, si Ken" sabi ni Ken

"Kilala ba kita?" tanong nanaman ni Krisha

"Oo naman, mag kaibigan tayo diba?"

Umiling si Krisha "The last thing I remember, I have no friends except sa brother ko" sabi niya na ikinataka ko, wala naman siyang kapatid ah?

"Wala kang kapatid Krish" sabat ko

"Meron, si kuya Jo---" napatigil siya sa pag sasalita ng dumating sila Stell at Sejun

"Antagal niyo naman" wika ni Stell "oy, goodmorning Krisha" bati ni Stell

"Good morning Krisha" bati naman ni Sejun

"I told you, I am not Krisha so stop calling me that" wika niya

Natawa naman si Sejun "Pinag sasabi mo?"

"Sinabi ko na, hindi ako si Krisha dahil kambal ko yun" sabi nanaman niya at umirap

Lumapit si Ken sakanya at mahina siyang sinampal sa pisngi, parang nag init naman ulo ni Krisha dahil dun at konti nalang mag aalboroto na sa galit.

"WHAT THE FUCK? WHO THE HELL ARE YOU?!" sigaw niya kay Ken kaya napahakbang ito palayo kay Krisha

Grabe, nakakatakot pala magalit 'tong babaeng 'to. Hindi naman 'to ganito dati e.

"Nakakatakok ka naman magalit Krisha, chill lang" sabi ni Sejun

"Hindi nga ako si Krisha!" sigaw muli ni Krisha

Jusko po, nakakatakot talaga magalit ang isang 'to. Para siyang dragon na bubugahan kami ng apoy anytime.

"Wag mo kami lokohin Krisha, humaba lang buhok mo sasabihin mo ng hindi ikaw si Krisha?" tanong ni Stell

"Oo nga, saka halika na kakain na tayo, gutom lang yan kaya nasasabi mong hindi ikaw si Krisha" sabi ko at hinawakan siya sa kamay para hilain pero agad din niyang inalis ito

"I remember you" sabi niya habang nakaturo saakin "ikaw yung nakabangga ko sa NBS"

Natatandaan pala niya yun.

"Matatandaan mo talaga ako dahil lagi mo naman akong kasama, at oo ako nga yun. Ngayon halika na at kumain na tayo, nauna na din si Bea sa kusina" sabi ko pero hindi siya nag salita, weird talaga nito simula kahapon

"Krish, alam mo para kang baliw" rinig kong sabi ni Ken

Napatango nalang ako.

"Oo nga, may amnesia kaba at hindi mo maalala na ikaw si Krisha?" tanong ni Sejun

"What? baliw? Ako?" inis na sabi nanaman niya, ito na talaga mag bubuga na ng apoy 'to sa galit "baka kayo, ilang beses ko ba sasabihin na hindi ako si Krisha?"

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now