Chapter 11

961 41 4
                                    

Krisha's pov

Day 6 in korea: Someday (Continuation)

Naka palibot kami sa bonfire na siyang nag papainit sa katawan namin habang nag kwekwentuhan. Lima lang kaming andito dahil bumalik si Ken sa hotel to get his guitar daw, may dala pala siya nun?

Nag tatawanan lang kami dahil sa kaniya-kaniyang kwento nila sa childhood memories nila.

"Ako, ako!" natatawang sigaw ni Stell habang nakataas ang kamay

Tumigil kami sa pag tawa at tinignan siya habang hinihintay ang sasabihin niya.

"HAHAHAHAHA" tawa niya

Wala pa yung kwento tumatawa na, ano kaya yun?

"Nung haha..nung bata ako 7 years old ako nun hahahaha" he laughed again

Seryoso lang kami habang nakatingin sakaniya na tumatawa mag isa.

"Bakit hindi kayo tumatawa? Hindi ba nakakatawa kwento ko?" tanong niya

Napa facepalm nalang ako, wala pa ngang kwinikwento e puro tawa lang ginagawa.

"Wala ka pang kwinikwento Stell, tawa ka lang ng tawa" saad ni Justin na katabi niya

"Ah gano'n ba" tumigil siya sa pag tawa pero halatang nag pipigil "Nung 7 years old ako hahaha"

There we go again, tatawa lang ng tatawa hays.

"Nasa school ako nun tapos haha masakit kasi tiyan ko at hindi ko na talaga kaya pang pigilan tapos hahahaha" he laughed again " tapos na----"

Napatigil siya sa pag kwekwento ng biglang dumating si Ken dala ang gitara at naupo sa tabi ko.

"Anong tinatawa-tawa ni Stell?" bulong niya

"Ewan ko diyan" sagot ko at mag kibit balikat

Tumango lang siya at humarap sa apat na seryoso na ang mukha pero si Stell halatang nag pipigil parin ng tawa.

What's wrong with him?

"G na?" tanong ni Ken

"G!" sigaw ni Justin

"Game" masiglang wika Josh

"Game game game!" naka thumbs up pa si Stell

Tumango lang si Sejun.

Taka akong tumingin sakanila, what are they talking about?

"Anong meron?" tanong ko

Hindi sila nag salita at inabot lang saakin ni Ken ang gitara niya.

"Gagawin ko dito?" I asked

"Tumugtog ka"

What? Hindi ako marunong!

Binalik ko sakaniya ang gitara "H-hindi ako marunong" nahihiyang wika ko

"Alam ko" sagot niya at tumawa kasabay nung apat

Sinamaan ko sila ng tingin "Pero kaya kong ipupok sainyo yan" wika ko habang nakaturo sa gitara

Huminto sila sa pag tawa at umayos ng upo.

"Ano ba meron? Bat may gitara ka?" tanong ko

"Kakanta ka"

Whuuuuuuuuut?!

"Ha?"

"Hakdog!" saad ni Justin

Ha? Hambalusin kita diyan tamo.

"Kakanta ka kako" ulit nito

Sinabotahe nila ako! Hindi ako aware na papakantahin pala nila ako kaya may dalang gitara si Ken.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now