Chapter 59

551 23 6
                                    

Isang tingin mo lang~

Ken's pov

I was sitting at the white sand while watching them enjoying the beach. Hindi kami natuloy sa Bulacan na dapat ay pupuntahan namin dahil may event din kami dito sa Palawan after our last two days vacation so dito na kami dumiretso.

"You should join them," napatingin ako sa likod ko ng may mag salita.

She smiled at me before sitting beside me. Hindi ako nag salita dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi ko parin maintindihan yung puso ko dahil tuwing nakikita at nakakasama ko siya, bigla akong kinakabahan at parang sasabog na ang puso ko.

"Uhm... Ken," tawag niya kaya napalingon ako sakanya "uh...wala, punta lang ako sakanila" sabi niya bago tumayo at nag lakad papunta kila Stell.

I was just watching her while walking and imagine kung anong feeling na mahawakan kamay niya habang nag lalakad.

"Buang ka Ken, kung ano-ano na iniisip mo!" mahinang saad ko sa sarili bago humiga sa buhangin.

Hindi gaanong mainit kaya ayos lang na mahiga ako sa buhangin, fresh din ang hangin kaya tamang tama lang para mag relax. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng may umupo sa tabi ko at tinapik ang braso ko.

"Ano?" tanong ko kay Josh.

"Wala lang, may gusto lang akong itanong" sabi niya kaya muli akong umupo.

"Ano?" tanong ko at kinuha sakaniya ang isang buko juice.

Hindi naman siya umangal dahil mukhang para saakin talaga yun dahil dalawa ang binili niya. Hindi ako nag salita at patuloy lang sa pag inom habang hinihintay ang tanong niya.

"Wala ka bang na gugustuhan na babae?" biglaang sagot niya kaya naibuga 'ko ang iniinom ko.

"Anong klaseng tanong yan?!" tanong ko bago pinunasan ang labi.

"Gulat na gulat? Gusto ko lang malaman e," sabi niya "apaka dugyot mo, para nag tanong lang kailangan ibuga 'yang iniinom?"

Tinignan ko lang siya ng masama bago tinuloy ang pag inom sa juice. Buang din kasi e, kung ano-ano tinatanong.

"Bakit mo ba natanong?" tanong ko.

"Wala naman, ano nga meron?"

Sandali akong tumahimik bago tumikhim at inilagay sa gilid ang iniinom ko bago umayos ng pag kakaupo sa buhangin. Ramdam ko ang tingin saakin ni Josh na para bang atat na atat malaman ang sagot ko, tss.

"Oo, malamang. Lalaki din ako Josh, nag kakagusto sa babae." sagot ko at pilit na ngumiti.

"E, bakit hindi man lang kita makitang may kinakausap sa cellphone mo or katawagan? Hindi ba dapat kinakausap mo din yung gusto mo?" tanong niya "nung nasa batanes tayo halos puro anime lang inaatupag mo habang yung mga kasama natin puro pakikipag usap ang inaatupag."

Hindi ako agad sumagot sa tanong niya. Bakit hindi ko kinakausap kahit chat? Kasi kasama ko lang naman siya all the time at hindi ko rin alam sasabihin ko. Nag usap naman kami kaso ang masakit ay ang pinag uusapan namin ay ang taong gusto niya.....na kaibigan ko.

"Iba gusto, e." sagot ko nalang at muling kinuha ang iniinom.

"Aww, wawa ka naman pala. Ayos lang yan Ken, kain ka nalang ng manok yung buhay." huling sabi ni Josh bago tumakbo.

Anak ng, kumain daw ba ako ng buhay na manok.

Pasalamat ka talaga Josh kapatid mo yung taong gusto ko kung hindi kanina pa kita nasapak.

Muli ko silang pinag masdan habang masayang nag lalaro sa tubig. I smiled bitterly watching her being happy with the man she love. Parang tinutusok ng milyon milyon ang puso ko habang nakatingin sakaniya habang masayang kausap ang taong gusto niya.

She still doesn't know that i like her, wala din sa plano ko ipaalam dahil alam 'kong wala din namang pag-asa. Ayos na saaking pinapanood siya sa malayo habang masayang kausap at kasama ang lalaking gusto niya.

"I still like you even it hurts like hell." wika ko at umiwas ng tingin bago tumayo at nag lakad sa gilid ng dagat.

Hinahayaan ko lang mabasa ang paa ko ng tubig, papalubog na din pala ang araw. Nag hahalo na din ang kulay ng ulap kaya nag lakad na ako pabalik kung saan ako nakahiga kanina sakto namang andun na sila at nakaayos. Bago ako nag lakad kanina sa tabing dagat ay nakita ko silang paahon na sa dagat dahil hapon na din naman.

Nakaupo sila sa buhangin sa harap ng bonfire while laughing and talking. I sit beside Stell kung saan katapat ko siya, ang babaeng gusto ko na ngayon ay nakatingin naman sa taong gusto niya.

I bit my lower lip, i still can't control my feelings everytime I see her looking at the man he love. Pakiramdam ko binabasag ang puso ko dahil sa sakit.

"Ken, will you sing for us?"

Napaangat ako ng tingin ng mag salita si Trisha na katabi si Josh. She smiled at me before she handed the guitar.

Ngumiti ako pabalik bago kinuha ang gitara sakaniya, ramdam ko rin ang pag tahimik at tingin nila saakin kaya medyo nailang ako. Sanay naman akong tinitignan ako habang nag gigitara pero ang hindi ako sanay ay ang nakatingin ang babaeng gusto ko lalo na't para sakanya ang kakantahin ko.

Walang may alam kung sino ang nagugustuhan ko kaya ayos lang na ito kantahin ko, iisipin lang nila na may nagugustuhan akong babae na hindi ko magawang kausapin at sa isang tingin lang niya at ayos na ako.



-



Sino hula niyong gusto ni Ken?

I will update tomorrow after I finish my module hshs.

Happy reading :)

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now