Chapter 67

504 21 7
                                    

Krisha's pov

Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng nakabalik kami sa manila at nalaman nila na kami na ulit ni Jah, muntik pa maihagis ni kuya Josh kay Justin 'yung stinelas niya kung hindi lang siya napigilan ni Bea.

Ngayon, andito ako sa national book store. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumunta dito dahil highschool pa ako noong nahilig ako sa pag babasa ng libro. Marahan akong nag titingin ng libro na pwede bilihin ng may mahagip akong pamilyar na pigura ng lalaki. Nakatalikod siya saakin habang nag titingin din ng libro, I was about to walk towards him ng may humawak sa kamay ko. Muntik ko pa malaglag ang isang librong hawak ko dahil sa gulat.

“Bakit kaba nang gugulat?” tanong ko habang nakahawak sa dibdib ko.

“Sorry, nakita kasi kita kaya agad akong nag lakad palapit sayo.” Joshua said while smiling at me “Mag isa ka?”

“Obvious ba?” napairap ako at muling humarap sa mga libro na kanina ko pa tinitignan.

“Sungit, parang hindi naman nag kacrush saakin nung elementary tayo.” mahinang sabi niya pero narinig ko naman.

Napapikit ako sa inis bago siya hinarap “Kung wala kang magandang sasabihin, pwede kana umalis.” walang ganang wika ko bago siya nilagpasan.

Joshua is my elementary crush na hindi rin naman tumagal, nag kacrush lang ata ako sakaniya ng dalawang linggo. Hindi ko rin alam kung paano niya nalaman 'yun, matagal na kaming hindi nag kikita at sana nga hindi na kami nag kita pa ulit. When Justin and I broke up lagi siyang pumunta sa bahay para icomfort ako, he became my boy bestfriend not until nalaman kong may gusto siya saakin. The reason why he wants to comfort me is para makalimutan ko agad si Justin dahil gusto niya, maging boyfriend ko siya.

Tuwing maalala ko 'yung mga sinasabi niya saakin noon parang gusto ko siya sapakin. He even said to me na kapag sinagot ko siya hindi niya ako sasaktan tulad ng ginawa ni Justin when in fact, Justin never hurt me. Justin is better than him.

“Hey, Krisha!” rinig kong tawag niya kaya binilasan ko nalang pumunta sa counter para mag bayad ng librong hinablot ko lang para makaalis na agad.

Nang makabayad na ay agad akong lumabas sa national book store pero hindi pa ako nakakalayo ay hinigit nanaman niya ang kamay ko kaya napaharap ako sakaniya. Nakangisi siya habang may hawak na isang libro sa kabilang kamay.

“What?” I asked.

“Chill, I just want to ask kung kamusta ka na?”

I raised my brow “I'm completely okay kaya makakaalis kana.”

He laughed “Bakit ba ang sungit mo saakin? Ayaw mo ba akong makita?” tanong niya.

I laughed sarcastically “Sino ba gusto makita 'yang pag mumukha mo?” tanong ko.

Nag salubong ang kilay at umiling bago ngumisi saakin. Tangina, mukha siyang tambay sa kanto na walang modo dahil sa ngisi niya. Mukha siyang sindikato.

“Madami, madaming nag hahabol saaking babae. Marami ang nag hahabol saakin pero maswerte ka dahil ikaw lang kinausap ko.” ngising saad niya at inayos pa ang buhok.

Mukha talaga siyang sindikato.

“Ikaw din, maswerte ka dahil nasa public place tayo dahil kung hindiㅡ” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nag salita na siya.

“Dahil kung hindi baka kanina mo pa ako niyakap?” nakangising aniya.

Ngumiti ako, isang matamis na ngiti. “Hindi, dahil kung hindi baka kanina pa kita nasapak.”

Pag kasabi ko nun ay tinalikuran ko na siya at nag lakad palabas ng mall. Dapat ay kakain pa ako sa pizza hunt pero nawalan na ako ng gana dahil sa pag mumukha ng Joshua na 'yun, wala parin talagang pinag bago, mayabang parin.

Pag karating ko sa parking lot ay nilapag ko sa passenger seat 'yung librong binili ko bago nag simulang mag drive paalis. Buti nalang at walang traffic kaya nakauwi ako agad. Pag pasok ko sa bahay nakita ko na si kuya Josh sa tapat ng computer habang si Bea naman ay kumakain ng popcorn habang nanonood ng horror movie, The exorcism of Emily Rose. Mukhang hindi nila napansin ang pag pasok ko dahil busy sila sa mga ginagawa nila kaya umakyat nalang ako papunta sa kwarto. Kaming tatlo lang ang andito sa bahay maliban sa mga maids, driver at hardinero. Si Trisha ay nasa Switzerland ngayon dahil may photo shoot sila while daddy is still on Korea dahil may trabaho siya doon and our mom, nasa canada para sa trabaho din.

Agad akong humiga sa kama pag pasok ko sa kwarto at pumikit pero agad ding napamulat ng maalala ko 'yung librong binili ko. Hindi ko alam kung anong libro 'yun dahil basta ko nalang hinablot at binili kanina para makalayo sa bwisit na Joshua na 'yun. Nilabas ko sa loob ng paper bag 'yung libro at mahinang binasa ang title nito.

“I love you since 1892,” basa ko.

Box set siya kaya pala mabigat nung kinuha ko. Historical fiction siya kaya napangiti ako, buti nalang pala ito 'yung nahablot ko. Mahilig kasi ako sa mga historical fiction dahil feeling ko nasa sinaunang panahon ako tuwing mag babasa ako nito. Bubuksan ko na sana 'yung libro ng bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya agad akong napatingin doon at hindi ko naman mapigilan ang pag ngiti ko ng makita ang gwapong boyfriend ko.

“Jah!” sigaw ko at ngumiti.

Naningkit naman ang mga mata niya bago lumakad palapit saakin at naupo sa tapat ko. Nanatili naman akong nakatingin sakaniya ng nag tataka dahil sa tingin niya saakin.

“Bakit ganiyan ka makatingin?” tanong ko sakaniya.

Hindi siya umiimik at nanatiling nakatingin saakin.

“Jah?” muling tawag ko sakaniya.

Sinamaan niya agad ako ng tingin kaya napaatras ako ng bahagya sakaniya. Muling naningkit ang mga mata niya at dahan-dahang nilapit saakin ang mukha.

“Bakit mo ako tinawag na Jah?” tanong niya.

Napakurap-kurap naman ako sa tanong niya, malamang dahil 'yung ang pangalan niya.

“E, 'yun pangalan mo, e?” takang sabi ko sakaniya.

Mas nanliit ang mga mata niya habang nakatingin saakin at unti-unting lumapit saakin. Gustuhin ko mang umatras ay hindi na ako makaatras dahil may pader na sa likod ko at isa pa ay hawak ni Justin ang baywang ko!

I kept my eyes on him before he smiled at me. Lumapit ang bibig niya sa tenga ko kaya nag taasan ang balahibo dahil naramdaman ko na 'yung hininga niya sa leeg ko.

“Don't call me Jah, call me baby!” bulong niya bago ako dinampian ng halik sa noo.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ💍

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now