Chapter 35

736 36 0
                                    

Twins?

Krisha's pov

'You two are twins'

'You two are twins'

'You two are twins'

Parang hinunting ako ng sinabi ng mommy ni Josh na mommy ko din pala dahil ayaw mawala at paulit ulit na bumabalik sa isipan ko lahat ng sinabi niya.

Naalala ko tuloy yung panaginip ko.

'Hi Krisha and Trisha, I'm your dad and this is your lola. Aalagaan namin kayong dalawa, you two look like a twin angel'

"Aish!" daing ko at napatayo sa kama, hindi ako makatulog dahil sa mga nangyari

Una nalaman ko na kakambal ko pala yung kapatid ni Josh na sinasabi niyang kamukha ko, pangalawa mama ko yung mommy niya at syempre pangatlo, kapatid ko si Josh!

I have no idea na yung kakulitan, kaasaran, kasama at kaibigan ko pala ay kapatid ko. Sino mag aakalang kaharap ko na pala yung kapatid ko diba?

Nakakagulat kasi wala akong idea na siya pala yung kapatid ko. Siguro nga kaya kami nag kita dahil ito na yung tinakdang panahon ni God para mag kita kami as mag kapatid at malaman ang totoo. Curious tuloy ako kung anong reaction ng apat bukas kapag nalaman nilang kapatid ko si Josh at may kakambal pa ako, wala kasi sila nung nag usap kami at tulog na kami nung dumating sila.

"Krish, dika pa matutulog?" tanong ni Bea na halatang inaantok pa sa tunog ng pananalita niya

"Hindi pa e, labas muna ako sa balcony. Papahangin lang" sabi ko at tumayo bago tuluyang lumabas ng room

Kumuha muna ako ng gatas baka sakaling makatulog bago nag tungo sa balcony, nagulat pa ako dahil andun din si Trisha. Kaya pala wala siya sa kama niya kanina, hindi rin siguro siya makatulog dahil sa mga nangyari kanina. Aalis na sana ako ng mapalingon ito sa gawi ko.

"Can't sleep?" tanong niya

Tumango ako at lumapit para maupo sa isang upuan sa tapat niya. Kita ko parin ang mukha niya dahil sa liwanag ng buwan, hindi ko maitatangging mag kamukha talaga kami, siguro ang iba lang saamin ay ang buhok, mas mahaba ang sakanya at straight pa samantalang saakin hanggang balikat balikat lang.

"Hindi parin ako sanay na may kakambal ako" tumawa siya "tuwing titingin ako sayo pakiramdam ko may kaharap akong salamin, lalo na kapag parehas tayo ng style ng buhok"

Ngumiti ako, paano nga kaya kung parehas kami ng buhok? Siguro malilito na sila kung sino saamin si Trisha at Krisha.

Katahimikan ang bumalot saaming dalawa, walang gusto mag salita kabang nakatingin kami sa buwan at mga bituin. Dalawang araw nalang din ay bagong taon na, nakaka excite tuloy dahil kasama ko ang buong pamilya ko na sasalubungin ang bagong taon.

"I'm sleepy now" sabi niya kaya napatingin ako sakaniya

"Tulog kana, goodnight" sabi ko at ngumiti

Ngumiti siya pabalik at umalis dala ang tasa niya na may gatas din kanina, ako nalang mag isa dito sa balcony. Nag stay ako dun hanggang maubos ko ang gatas ko bago napag desisyonan na bumalik sa kwarto para matulog na din, si Bea tulog na tulog na at halos malaglag nasa kama dahil sa kakulitan matulog, kinakailangan ko pa tuloy iusog para hindi tuluyang bumagsak sa kama. Si Trisha naman tulog na din habang nakatalikod saamin, napangiti nalang ako habang nakatingin sakaniya bago nahiga sa kama ko at tuluyan ng nilamon ng kaantukan.

Kinaumagahan maaga akong nagising pero mas maaga ata si Trisha dahil pag gising ko wala na siya sa kama niya, hinanda ko muna yung mga gagamitin ko na damit bago maligo. Sakto namang naayos ko na ng lumabas si Trisha sa cr na katatapos lang maligo, nginitian ko siya at gano'n din siya bago ako pumasok sa cr.

Mabilis lang ako naligo at pag labas ko ng cr nakita ko si Trisha na nakatayo sa tapat ng pintuan ng room na parang may kausap, dahan dahan akong lumapit pero nagulat ako ng biglang may sumampal sakaniya at biglang siyang sumigaw.

"WHAT THE FUCK? WHO THE HELL ARE YOU?!" sigaw niya na feeling ko rinig hanggang kabilang kwarto

"Nakakatakok ka naman magalit Krisha, chill lang" rinig kong sabi ng kausap niya

Mahina akong natawa dahil alam ko kung kaninong boses yon, alam kong pinag hihinalaan na nila si Trisha ay ako.

"Hindi nga ako si Krisha!" sigaw muli ni Trisha

"Wag mo kami lokohin Krisha, humaba lang buhok mo sasabihin mo ng hindi ikaw si Krisha?" tanong ni Stell

"Oo nga, saka halika na kakain na tayo, gutom lang yan kaya nasasabi mong hindi ikaw si Krisha" sabi ni Justin at hinawakan niya sa kamay si Trisha na mabilis naman nitong inalis

"I remember you" sabi ni Trisha habang nakaturo kay Justin "ikaw yung nakabangga ko sa NBS" nag kita sila ni Jah?

"Matatandaan mo talaga ako dahil lagi mo naman akong kasama, at oo ako nga yun. Ngayon halika na at kumain na tayo, nauna na din si Bea sa kusina"

Kaya pala wala na si Bea sa kama tsk tsk, at mukhang hindi pa niya sinabi na may kakambal ako. Sa mukha ni Trisha feeling ko talaga badtrip na badtrip na siya at konti nalang masasapak niya na yung mga kausap niya kaya time na siguro para mag pakita na ako, excited nadin ako makita reaction nila.

"Krish, alam mo para kang baliw" rinig kong sabi ni Ken habang papalapit ako

"Oo nga, may amnesia kaba at hindi mo maalala na ikaw si Krisha?" tanong ni Sejun

"What? baliw? Ako?" inis na sabi ni Trisha "baka kayo, ilang beses ko ba sasabihin na hindi ako si Krisha?"

"Paanong hindi ikaw si Krisha e kamukhang kamukh----" napatigil sa pag sasalita si Justin ng nag pakita na ako

Para silang nakakita ng multo dahil sa itsura nila, lahat sila nakaawang ang labi at pwede ng pasukan ng insekto. Pakurap kurap pa sila habang nakatingin saaming dalawa ni Trisha na hindi makapaniwala dahil nakakita sila ng dalawang Krisha sa harap nila. Nakakatawa yung reaksyon nila.

Itinuro ako ni Stell na gulat na gulat parin bago itinuro si Trisha, pabalik balik saaming dalawa yung daliri niya na at hindi makapag salita.

"P-paanong may dalawang Krisha dito?" sabi ni Ken na hindi makapaniwala

Natawa nalang ako dahil sa reaksyon nila, mukhang hindi nga sinabi ni Bea at ni kuya Josh na may kakambal ako.

"I told you, I'm not Krisha cause I'm Trisha" umirap si Trisha at nag paunang lumabas ng room

Nanatiling nakatulala yung apat habang nakatingin sa papalayong si Trisha, mag sasalita palang sana ako ng biglang himatayin si Stell, jusmiyo.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now