Chapter 43

782 32 1
                                    

The date pt. 2

"Ano ba uunahin natin?" tanong ko dahil kanina pa niya ako hinihila pero hindi naman kami nakakarating sa paroroonan natin

"Unahin natin mag mahalan" sabi niya kaya agad ko siyang binatukan "joke lang, lakad lakad muna tayo?" tanong niya kaya tumango nalang ako

Nag simula na kaming mag lakad lakad, nakatingin lang ako sa magandang view dito sa pinuntahan namin, if im not mistaken nasa Legazpi Albay kami kung saan pwede mag horse back riding.

"Kamusta naman ang buhay may kapatid?" tanong niya habang nag lalakad kami

"Ayos naman, masaya kasi maingay na din sa bahay" sabi ko at ngumiti "horse back riding na tayo?" nakangiting sabi ko at tumango naman siya

Nag simula na kaming mag lakad papunta sa mga kabayo, hindi mawala sa labi ko ang ngiti habang nakatingin sa mga kabayo. Hindi ako marunong nito pero gusto ko lang subukan kasi mukhang masaya naman.

"Ano gusto mong kulay na kabayo?" tanong niya habang nakatingin sa mga kabayo

Napatingin naman ako sa mga kabayo at pinag masdan sila isa-isa, sobrang gaganda nila pero napako ang tingin ko sa kabayo sa pinaka dulo na kulay puti, ang ganda kasi tapos ang linis niya tignan dahil sa kulay niya at walang makikitang dumi sa katawan, agad kong tinuro kay Justin ang napili kong kabayo kaya napangiti siya at sabay naming pinuntahan yun.

"Marunong kaba nito?" tanong niya na ikinailing ko

Nakuha na namin ang kabayo at ako ang pinaunang umakyat ni Justin at umupo sa kabayo, mag proprotesta na sana ako dahil hindi ako marunong ng maramdaman nalang na nasa likod ko na siya. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko, ramdam ko rin ang puso ko na sobrang lakas ng tibok dahil sa kaba, hindi dahil hindi ako marunong mangabayo kung hindi dahil sa presensya ni Justin sa likod ko.

Dahan-dahan niyang pinatakbo ang kabayo kaya napangiti nalang ako, hindi masyadong maaraw dahil natatakpan ng ulap ang araw kaya tama lang para sa horse back riding. Habang nag eenjoy sa pag sakay sa kabayo ay naramdaman ko nalang ang pag patong ng ulo niya sa balikat ko, para tuloy siyang nakayakap mula sa likod ko.

Nanatili kami sa ganong posisyon ng huminto sa pag lalakad ang kabayo na ikanataka ko, gustuhin ko man lumingon kay Justin pero hindi ko magawa dahil nasa balikat ko ang ulo niya kaya nag tanong nalang ako habang natingin parin sa harap.

"A-ah Jah, bakit tayo huminto?" tanong ko

"Wala lang" sabi niya, ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko kaya nag taasan ang balahibo ko, sobrang lapit lang niya saakin

Hindi ako nag salita at hiyaan nalang siyang nakasandal saakin ng maramdaman ang unti-unti niyang pag yakap sa likuran ko "Thank you" usal niya habang nakayakap parin saakin sa likod

"Bakit ka nag t-thank you?" takang tanong ko

"Kasi pumayag ka na bigyan ako ng second chance at makasama ka ngayon. Thank you kasi nag tiwala ka ulit saakin, thank you kasi bumalik ka after ten years, thank you kasi andito kana ulit sa tabi ko" bulong niya "thank you kasi bumalik ka, mahal na mahal kita"

Halos manigas ang katawan ko sa huli niyang sinabi.

'mahal na mahal kita'

'mahal na mahal kita'

'mahal na mahal kita'

'mahal na mahal kita'

'mahal na mahal kita'

Parang sirang plaka na paulit-ulit pumapasok sa utak ko ang huling sinabi niya, hindi ko nagawang sumagot dahil sa gulat. Naramdaman ko nalang ang muling pag andar ng kabayo pabalik kung saan namin 'to kinuha.

Inilahad ni Justin ang kamay niya kaya agad kong tinanggap ang kamay niya para makababa. Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko habang nag lalakad papunta sa isang park. Bumitaw siya sa pag kakahawak at nag paalam na babalik daw sa parking lot dahil nakalimutan niya yung picnic basket.

Tumango nalang ako at pinag masdan siyang tumatakbo palayo saakin, ng hindi na matanaw ay binalik ko ang tingin sa paligid, madaming puno at bulaklak na animo'y sumasayaw habang humahangin. Pinag mamasdan ko lang ang tanawin ng maramdaman na may mag lagay ng jacket saakin kaya agad kong nilingon ito.

"Malamig, baka ubuhin ka" nakangiting sabi ni Justin kaya tumango nalang ako at muling tumingin sa magandang tanawin dito sa park na pinag dalahan niya saakin "matagal na kitang gusto dalihin dito, lalo na yung tayo pa" bulong ni Justin at yumakap sa likod

Hindi ako nagsalita at hinayaan siyang nakayakap saakin, masyadong maganda ang araw na 'to para guluhin pa.

Naramdaman ko nalang na unti-unti ng kumalas si Justin sa pag kakayakap saakin at hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sakaniya "Tara na?" tanong niya kaya tumango nalang ako

Nandito kami sa isang cottage, pinag masdan ko lang siyang nag aayos ng mga kakainin namin sa mesa "Matunaw ako" nakangising wika niya kaya napaiwas nalang ako ng tingin "picturan mo nalang ako, mas matagal mo akong matititigan dun"

"H-hindi naman kita tinitignan ah" patay malisya na saad ko at muling nag iwas ng tingin

Ghad! Feeling ko sobrang pula na ng pisngi ko huhu.

"Hindi mo ako tinitignan kasi TINITITIGAN MO AKO" sabi niya at pinag diinan pa ang huling sinabi

"Alam mo, masarap 'tong spaghetti, tara kain na tayo?" pag iiba ko ng usapan, hindi ko kayang mag stay sa gano'ng usapan awkward

Hindi na siya muling nag salita at nilagyan nalang ng spaghetti yung plato ko at nilagyan ng softdrinks yung baso bago binigay saakin. Ngumiti ako at nag simulang mag kumain, tahimik lang kaming kumakain na nag padagdag ng awkwardness sa pagitan namin kaya ako na nag simula ng topic.

"Bakit mo pala ako dinala?" tanong ko kaya napatigil siya sa pag kain at tumingin saakin

Uminom muna siya ng coke at napa ehem pa bago tumingin ng diretso saakin kaya muli akong napaiwas ng tingin, mygod, hindi ba siya aware na kinikilig ako sa pag titig niya? Kaya bago pa niya makitang namumula ako ay umiwas na ako ng tingin.

"Tulad ng sabi ko kanina, gusto kitang dalihin dito matagal na lalo na nung tayo pa, kaso walang chance lagi ka kasing busy sa school, gano'n din ako at sa training kahit gusto kita dalihin dito, kaso hindi pwede" saad niya at malungkot na ngumiti "dadalihin sana kita dito nung 5th anniversary natin kaso....kaso nakipag hiwalay ka isang linggo bago anniversary natin"

Napatungo nalang ako dahil sa sinabi niya, hindi ko inexpect na mapag uusapan namin yun ngayon, na gu-guilty nanaman ako dahil sa pag iwan ko. Dahil sa pag iwan ko hindi nangyari yung plinano niya para saaming dalawa.

"Sorry" tanging nasabi ko nalang habang nakayuko

Naramdaman ko ang kamay niya sa baba ko at dahan-dahang inangat para mapatingin ako sakaniya, nakangiti na siya at walang makikita na kulungkutan hindi tulad kanina. Matamis siyang ngumiti kaya napangiti nalang din ako.

"Pero masaya ako dahil nagawa na natin yung gusto kong gawin natin dati, masaya ako kasi kasama na ulit kita ngayon" nakangiting sabi niya habang naka tingin ng diretso sa mga mata ko

Gustuhin ko mang umiwas ng tingin pero hindi ko magawa bukod sa nakahawak siya sa pisngi ko at ayaw umiwas ng mga mata ko sakaniya, hindi ko mapagilang hindi mapatitig sa maamo at perpekto niyang mukha.

"Gagawin natin lahat ng gusto ko at gusto mo ng mag kasama" nakangiting sabi niya

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now