Chapter 76

576 22 5
                                    

Krisha's pov

Maaga akong nagising dahil sa walang humpay na pag tunog ng alarm ko. Inis kong idinilat ang mata ko at tumingin sa alarm clock ko bago pinatay, 5:00 AM palang pala. I was about to stand up when I noticed that someone is hugging me, kaya pala may parang mabigat na nakapatong sa tiyan ko. Agad akong napatingin sa tabi ko. At first I thought it was Bea dahil siya lang naman ang walang paalam na pumapasok sa kwarto ko at tumabi saakin but I was wrong! I saw Justin sleeping peacefully beside me. Bahagya akong humarap sakaniya para pag masdan ang mukha niya.

Sobrang amo ng mukha niya. Bahagyang naka-bukas ang pinkish niyang labi, mahaba din ang mga pilik-mata niya at sobrang tangos ng ilong! He looks like an angel. Damn! Bakit ganito kagwapo ang boyfriend ko?!

“Bakit ba ang perfect mo?” mahinang bulong ko habang nakatitig sakaniya.

He looks tired but still handsome. Ngumiti ako at dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap saakin at hindi ko sinasadyang magising siya. He's half awake. Naniningkit ang mga mata niya habang nakatingin saakin.

“Sorry to wake you up. Tulog ka na ulit,” bulong ko at aalis na sana when he suddenly pulled me back dahilan para muli akong mapahiga sa kama, “Jah,” saway ko sakanya.

“Maaga pa, love. 5 AM palang, oh,” turo niya sa wall clock ko nasa pader, “Tulog pa tayo,” he whispered in my ears.

“May gagawin pa ako,” bulong ko at tumingin sakaniya. Nakapikit na ulit siya. Tss.

“Too early for that,” he murmured.

Well, he's right. Masyado pa ngang maaga para tapusin 'yung mga pinapagawa ni dad saakin. Pwede pa naman siguro mamaya at sa totoo lang ay inaantok pa talaga ako. Muli akong tumingin kay Justin, nakapikit na siya pero alam kong gising parin siya.

“'Wag mo 'ko titigan,” muling bulong niya.

Umiwas ako ng tingin sakaniya at tumulala sa kisame pero hindi rin nag tagal ay muli kong ibinalik ang paningin mo sakaniya, nakapikit parin siya.

“How did you get here?” I asked, still looking at him.

Kapag nalaman ni kuya Josh na andito siya ng ganon kaaga at katabi ko, sigurado akong mag aalburoto 'yun sa galit.

“Sumakay ako sa kotse tapos nag drive papunta dito tapos nag lakad papasok sa kwarto mo—” I immediately stopped him.

Wala talagang matinong sagot 'tong lalaking 'to!

“Hindi 'yan ang ibig kong sabihin, Justin,” seryosong sabi ko “You know kuya Josh, magagalit 'yun lalo na't dito ka pa sa kwarto ko natulog and worse, katabi ko pa!”

I can imagine Kita Josh' face glaring at Justin habang nag aalab ang mga mata sa galit. Daig pa ni kuya Josh si daddy kung magalit but I understand him, he's so damn protective to us, saamin ni Trisha and I can't blame him dahil ginagawa lang niya ang trabaho niya bilang kuya saaming dalawa.

“Mamaya na natin pag usapan 'yan, tulog pa naman siguro 'yun.” sabi niya, “Tulog muna tayo,"

Hindi na ako sumagot at tumahimik nalang habang iniisip kung anong magandang paliwanag kay kuya Josh mamaya. Napabuntong hininga nalang ako bago pumikit at hinayaang lamunin ng antok.

Ilang oras din ang hinaba ng tulog namin, nagising ako dahil sa gutom! Kumakalam na ang sikmura ko. Napatingin ako sa wall clock at nakitang 8:30 AM ba pala. Napatingin ako kay Justin, natutulog parin siya habang nakayakap saakin habang nakasiksik ang mukha sa leeg ko. I can feel his breath in my neck.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap saakin and this time sinigurado kong hindi na siya magigising and gladly, he didn't wake up. Agad akong tumayo at nag tungo sa CR para mag hilamos at mag toothbrush. Saglit ko pang tinitignan ang repleksiyon ko sa salamin bago lumabas. Pag labas ko ay nakita ko si Justin na naka-upo sa kama ko at mukhang inaantok pa. Halatang gusto pa niya matulog dahil nakapikit pa ang dalawang mata niya. I smiled, he looks like a baby.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now