Chapter 2

1.1K 55 6
                                    

Continuation of the concert

Krisha's pov

Kahit na ula'y tumila na
Luha sa'king mata'y patuloy pa♪

I open my eyes and looked at the stage na dapat hindi ko ginawa, our eyes met. Nakatingin siya saakin habang kumakanta.

Hindi ko na napigilan ang pag bagsak ng luha ko habang nakatingin sakaniya, I remembered our break up.

Flashback•

"Ano bang problema Krisha?" tanong ni Justin habang umiiyak "Bakit kailangan mo makipag hiwalay?"

"Para naman saatin 'to Justin, e."

"H-hindi ko maintindihan"

"Alam mong may rules sa company na sinalihan mo Jah, bawal mag girlfriend." umiiyak na wika ko

"Yun lang ba? putcha pwede naman akong umatras dun, Krisha e. Wag mo lang akong iwan"

I was shocked sa sumunod na ginawa ni Justin, lumuhod siya, lumuhod si Justin. Shit, ayoko siyang makitang ganito, mas lalo akong nasasaktan.

"Justin, stand up" saad ko

"Please, d-don't leave me, hindi ko kaya Krish"

"A-ayoko din naman Jah, pero kailangan" huminto ako at pinunasan ang luha "Gusto kong matupad mo ang pangarap mo, ayoko maging hadlang dun---"

"Paano ko matutupad ang pangarap ko kung yung taong inspirasyon at lakas ko, iiwan ako?"

Tinignan ko siya, he's still crying, crying like a baby. Hindi ko kayang makita si Justin na ganito.

"Bakit ba hindi mo nalang ako pakawalan?" tanong ko

Kung kailangan magalit ako, magagalit ako para lang hayaan na niya ako.

"Tangina, mahal kita e, mahal na mahal"

Umiwas ako ng tingin.

'mahal din kita Justin, mahal na mahal na mahal'

Gusto kong sabihin yan kaso hindi pwede, I need to push him away.

"Jah" I stopped, nag babadya nanamang tumulo ang mga luha ko "I-i'm sorry, promise me na tutuparin mo ang pangarap mo kahit w-wala ako." huling saad ko bago tumakbo paalis

Naririnig ko pa na tinatawag niya ako, but I refuse to look at him, alam kong pag lumingon ako mapipilitan akong balikan siya.

'I'm sorry Justin, but I have to let you go'

•End of flashback•

♪Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan, 'wag ng tumila pa
Pa'no nga ba mapapawi labis na pag durusa
Kung wala ng pag asa, turuan mo naman akong limutin ka~♪

I immediately wipe my tears, ayokong makita ni Bea na umiiyak ako.

I looked at Justin again, he's not looking at me na, tapos narin ang kanta. The next and last song they'll be performing is Hanggang sa huli, sabi ni Bea.

Sa'king puso'y nag iisa
Mayro'ng himig na, kumakatok sa pinto ng aking ala-ala
'Di na dapat tumitig pa, sa'yong mga mata
Ngayon ikaw nalang ang nakikita♪

Sumasabay sa pag kanta ang mga fans nila.

Ang ala-ala ko ay di na bago
Sa panaginip ko ay naro'n ka~♪

♪At kahit pa, ang mundo ay mag iba
Ako'y laging nandito
'Di man ako para sayo, puso'y di mag babago
Walang iba, walang iba, wala ng hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sayo, sayo hanggang sa huli♪

The music was good, ang ganda pakinggan.

Siguro nga'y nararapat lang ika'y limutin na
Pag-ibig ko'y 'sang hangin na di mo madarama
'Di na dapat tumitig pa saiyong mga mata
Pagkat ikaw parin ang nakikita♪

♪Tanging pag-asa ko'y biglang nag laho
Ngunit pag-ibig ko'y di nawala♪

Patuloy lang kami sa pag wagayway ng lightstick habang dinadamdam ang kanta

At kahit pa ang mundo ay mag iba
Ako'y laging nandito
'Di man ako para sayo, puso'y di mag babago
Walang iba, walang iba, wala ng hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sayo, sayo hanggang sa huli♪

♪Kung pinag tagpo, tayong dalawa'y para sa isa't-isa♪

I looked at Justin when he sing his part, nagulat ako ng makitang nakatingin ito saakin, shit!

♪At nasabi ko ang lahat noon, ay may mag babago ba
Saaking bawat pag hinga, dalangin makapiling ka
At kung ito na ang huli, nais kong malaman mo na~♪

Nakapikit si Justin habang kumakanta kaya tinitigan ko nalang.

'I miss you, Justin'

Nagulat ako ng bigla itong dumilat at nag tama ang paningin namin.

♪Mahal kita
Mahali kita
Mahal kita♪

"Omg, Krish, Justin... Justin just looked at you while singing his part!" sigaw ni Bea na nasa tabi ko

I ignore her, why would Justin looked at me while singing his part "Mahal kita", pero hindi ko maiwasang mapangiti dahil dun.

♪Walang iba, walang iba, wala ng hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sayo, sayo hanggang sa huli~♪

The song ended well. I saw how happy they're nung tinignan nila lahat ng andito sa loob.

I looked at Justin, he's now smiling revealing his gummy, cute. I smiled when Bea looked at me, alam kong nag aalala siya dahil nakita ko si Justin.

"Are you okay?" tanong niya

I smiled "Yes, of course"

"Thank you all for coming for our free concert, I hope y'all enjoy it!" saad nung leader ata nila

"Ingat po kayo sa pag uwi, maraming salamat A'TIN!"

They thank everyone before saying goodbye, nag group picture pa bago sila ulit nag paalam at bumaba sa stage.

Nahuli kaming lumabas ni Bea dahil andaming nag sisiksikan sa pag labas.

"Anong pakiramdam na makita si Ex?" tanong ni Bea

"Hindi ko alam, masaya ako dahil nakita ko siya at natupad niya ang pangarap niya at the same time nalulungkot, I badly want to hug him, but I can't"

Tumingala ako, nag babadyang tumulo ang luha ko. Ayokong umiyak sa harap ni Bea, nangako na ako sa sarili ko dati na hindi na ako iiyak.

"Let's go, uwi na tayo" yun nalang ang sinabi ni Bea, nahalata ata na naiiyak na ako

Tumango nalang ako at sabay na kaming lumabas, we waited kuya Roel, traffic daw kaya natagalan.

Habang hinihintay si kuya Roel napatingin ako sa kanan 'ko, and that's when I saw SB19. Pasakay sila sa van, I saw Justin siya ang huling sumakay.

Naramdaman ko na tumulo ang luha ko, pinunasan ko agad iyon at ngumiti habang nakatanaw sa papaalis na van nila.

'Natupad mo na ang pangarap mo Justin, I'm so very proud of you. Alam kong malabo na, na bumalik tayo sa dati pero ayos lang 'yon, ang mahalaga natupad mo ang matagal mo ng pinapangarap.'

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now