Chapter 1

1.3K 56 2
                                    

Chapter 1 - The concert

Krisha's pov

"Are you ready?" tanong ni Bea habang nag lalagay ng mascara

"Hmm" tanging sagot ko nalang

Hindi ko maitatangi na kinakabahan ako, alam kong malabong mag kita kami dun dahil madaming tao, pero andun parin ang possibility na mag kita kami, na makita niya ako. At yun ang kinatatakutan ko, hindi ko alam kung paano ako haharap sakaniya.

"Tara na!" sigaw ni Bea na nakapag pabalik sa diwa ko

Hindi ko kasi namamalayan na tapos na pala siya kakaisip sa posibleng mangyari mamaya kapag nakita ko si Justin.

"Kinakabahan ka ba?" tanong niya habang nag lalakad pababa sa hagdan

Btw, mag kasama na kami ni Bea sa iisang bahay dahil laging nasa business trip ang family niya and my dad kaya kaming dalawa nalang talaga ang mag kasama. Wala din kaming kapatid kaya ayos lang na mag kasama kami dahil walang inaalala.

"Konti" mahinang saad ko, sapat lang para marinig niya

She smiled "Wag ka kabahan, di pa naman natin alam kung saan tayo e, malay mo sa pinaka malayo pala tayo haha"

Tumawa nalang din ako, panandalian namang nawala ang kaba na nararamdaman ko.

Nag pahatid nalang kami kay kuya Roel, driver namin. Parang gusto ko na umatras ng paandarin ni kuya Roel ang sasakyan, kinakabahan talaga ako. Feeling ko sasabog na ang puso ko dahil sa kaba lalo na ng maramdaman na unti-unti ng bumabagal ang sasakyan, putek parang gusto ko tumalon sa bintana.

Kaso wag nalang pala, masakit baka sa ospital diretso ko haha.

Bumuntong hininga nalang ako para kahit paano ay gumaan ang nararamdaman ko pero hindi, parang mas kinabahan nanaman ako ng maramdaman na huminto na ang kotse sa tapat ng Cuneta Astrodome.

"Krisha, diyan ka nalang ba?" inis na tanong ni Bea "Let's go!"

I forced to smile kahit kabang kaba na talaga ako, bumaba ako ng van and my jaw dropped. Damn sobrang daming tao, sikat na nga talaga sila.

I smiled, ito ang pangarap ni Justin. Ang makapag perform sa madaming tao, ang maging isang professional singer. And he really did it, isa na siya sa hinahangaan ngayon. I'm so proud of him.

Nilibot ko ang tingin ko, karamihan ay fangirl, meron ding fanboy pero bilang lang. Tinignan ko sila isa-isa and I laughed when I saw a girl na nakasuot ng wedding gown, meron pang naka hotdog, strawberry, chicken, barbeque and corn costume, umiling nalang ako at tinignan muli sila.

Napako ang tingin ko sa isang babae, naka Maria Clara siya. I smiled, I remembered Justin. Her ideal type of woman is like Maria Clara, mahinhin, babaeng babae kumilos.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit niya ako nagustuhan e kabaliktaran ako sa ideal type niya, hindi ako mahinhin at isa pa parang lalaki ako kumilos, noon. Nabago lahat yun nung pumunta ako sa korea, kailangan maging babae dahil andun ang lola ko, she's very very strict. Ayaw niya ng boyish kung umasta. Kaso wala na kami ni Justin nun.

I guess hindi lahat ng ideal type nasusunod, once you fall in love wala ka ng magagawa kahit ibang iba siya sa ideal type mo.

"Krish, tara bili tayo lightstick bago mag simula ang concert" saad ni Bea bago ako hinila

We buy the 2 version of lightstick and hoodie. I like na hoodie may logo siya ng SB19 sa harap, cute. Dalawang version ng lightstick ang binili ko, yung isa ay pahaba at ang isa naman ay kagaya sa logo nila. Color blueeee, my fav.

"Pila na po, para makuha niyo na ang ticket nyo" sigaw ng kung sino

I followed Bea, siya ang kukuha ng ticket dahil siya naman nag register, bahala siya diyan haha.

"Wow, you're lucky, VIP" naka ngiting saan nung nag bigay saamin ng ticket

"Omg, for real ate Rose?! Gosssh I think I'm gonna die" o.a na saad ni Bea habang pinapaypayan ang sarili

Tinulak ko nalang siya dahil wala atang balak umalis sa pila, andami pa namang nakapila hays.

Pumunta na kami sa entrance and binigay ang ticket, tinuro naman saamin ang pwesto, malapit kami sa stage. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko, anlapit namin sa stage, posibleng makita ako ni Justin dito dahil nasa gitna kami. Take note, pinaka gitna huhu.

The concert will start in a few minutes now, hindi ako mapakali sa upuan ko lalo na ng ni-announce ng emcee na 20 minutes nalang daw.

Tumingin ako sa paligid ko and what the actual fuck, puno ang upuan dito sa loob ng Cuneta, gosh. For sure hindi pa ito ang kabuuang bilang ng fans nila, may limit kasi kaya hindi nakakuha ng ticket ang iba.

Humarap muli ako sa stage ng may mag salita, lalaki na koreano. Hindi ko kilala.

"Are you ready A'TIIIIIN?!" sigaw niya dahilan para sumigaw ang mga tao dito

"YESSSS!"

"Okay, okay! This is what you've waiting for, SB19!"

Nag hiyawan namang ang mga fans nila habang winawagayway ang lightstick kaya nakigaya nalang ako, gaya gaya lang.

Unang kinanta nila ay ang debut song nila, I guess, entitled 'Tilaluha' daw sabi ni Bea.

♪Sa tuwing ika'y nakikita, 'di mapigil ang luha saaking mata
Pa'no nga ba?
Pa'no nga ba?
Pa'no nga bang limutin ka♪

Nakisabay ang mga fans nila while singing

♪Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan, 'wag ng tumila pa
Pa'no nga ba mapapawi labis na pag durusa
Kung wala ng pag asa
Turuan mo naman akong limutin ka~♪

Napapikit nalang ako habang dinadamdam ang kanta, the song was so beautiful, bagay pang OST sa kdrama. Pinili kong hindi tumingin sa stage lalo na ng narinig ko ang boses ni Justin, natatakot akong tumingin dahil baka mag bagsakan ang mga luha ko.

Sa sampong taon na nanatili ako sa Korea, wala akong ibang iniisip kundi si Justin, gustong gusto ko bumalik sa pilipinas para balikan siya, pero laging pumapasok sa isip ko yung pangarap na gusto niyang tuparin, at kailangan kong hiwalayan siya para matupad iyon.

Kailangan namin isakripisyo ang relasyon namin para sa pangarap niya at pangarap ko. Worth it naman dahil natupad na niya ang pangarap niya, gano'n din ako.

Your idol was my exloverWhere stories live. Discover now